Nang makabalik ng maynila ay si ally at fran ang umasikaso sakin. Umuwi muna si jaydee dahil kamatayan ng lola niya. Parehas silang dito natutulog sa unit ko at pinagpapasalamat ko ang presensya nila.Sila ang nagasikaso sakin nang makauwi ako dito sa unit namin. Ilang araw nang nagpapabalik balik dito si gino pero hindi ko siya nilalabas at pinapansin.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ibabad ang sarili ko sa tubig. Hindi ko parin nakakalimutan ang pangyayari nung gabing yon. Pinilit kong kalimutan pero kusang bumabalik.
Nang malaman nila daddy ang nangyari ay agad silang kumilos. Nagsampa sila ng kaso at hindi ko na alam ang resulta non dahil wala na akong pakielam. Galit na galit si daddy nang malaman niya ang nangyari sakin.
Gusto niya ring sampahan ng kaso si mama pero pinigilan ko siya. Walang kasalanan si mama at alam kong nabiktima rin siya ng hayop na yon.
"Mas pinili mong asikasuhin ang lalaki mo kesa sa anak mo!" galit na sigaw ni daddy.
"Wala kang alam" malamig na tugon ni mama.
"Paano ko malalaman? Eh kung sa anak palang natin ay tinago mo na ang pakatao ko! Imposibleng malaman ko pa ang laman ng utak mo!" galit na galit na sigaw ni daddy bago ako akayin papunta sa kotse niya.
Wala akong nagawa nung araw na yun kung hindi sumama kay daddy dahil sa tuwing nakikita ko ang kama ko ay nangangatog ako! Hindi muna ako pinapasok ni daddy at magpahinga nalang daw muna ako hanggang sa maghilom ang lahat. Siya ang umasikaso ng lahat at gusto kong magpasalamat sa kanya.
"Athena, andyan nanaman si gino" biglang sabi ni ally mula sa labas ng banyo.
Napabuntong hininga ako. Hindi matatapos to kung hindi ko siya haharapin. Kahit nanghihina ay tumayo ako at kinuha ang twalya ko. Kailangan ko siyang kausapin dahil hindi siya titigil kung hindi kami maghaharap.
Nagbihis muna ako saglit at huminga ng malalim. Habang nagbibihis ay tinatanong ko ang sarili ko sa salamin kung handa na nga ba akong makipagusap at harapin si gino? Handa na ba akong malaman ang mga paliwanag niya?
Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sakin ang nagaalalang mukha nina ally at fran. Nginitian ko lang sila para sabihing ayos lang ako tsaka ako lumapit sa pintuan.
Binuksan ko ang pinto ng unit namin at ganon nalang ang gulat niya nang makita ako. Pinilit ko ang sarili kong magmukhang malakas kahit parang bibigay na ang mga tuhod ko.
"A-athena.." mahinang tawag niya sa pangalan ko.
"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya.
Gulo gulo ang buhok niya at makapal na ang itim sa ilalim ng mata niya. Mahahalata mong wala siyang tulog dahil sa pupungay pungay niyang mga mata.
Gusot gusot din ang damit niya na akala mo dumaan sa ilang hirap bago makarating dito. Medyo maga din ang mata niya na siguro dahilan ng pagiyak.
"Bakit ka nakipagbreak sakin?" diretsong tanong niya kaya sarkastiko akong tumawa.
"Naririnig mo ba yung tanong mo gino?" tanong ko sa kanya "Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit, bakit hindi mo sagutin ang sarili mong tanong?" dagdag ko pa at pinigilan ang pagtulo ng luha.
"A-thena.. Sabihin mo sakin ang dahilan" parang maiiyak na sabi niya
Mapait akong tumawa "Bakit hindi mo itanong dun sa babaeng kasama mo sa kama?" tanong ko sa kanya at doon hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Fiksi RemajaAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...