"Mauuna na po kami dad, may pasok pa po ako bukas. Dadaan nalang po siguro ulit ako dito bukas pagkatapos ng klase ko" sabi ko kay daddy."Sige, magingat kayo sa paguwi ha" nakangiting sabi niya at tumango naman ako.
Sabay kaming naglakad ni ally palabas ng gate. Hindi ko na kinakaya ang mga titig ni gino sakin. Feeling ko anumang oras ay pwede na akong matunaw.
"Jusko sis! Maawa ka dun sa tao" biglang sabi ni ally kaya nangunot ang noo ko "Patawarin mo na kasi! Tignan mo naman! Kahit lamay ng kapatid niya ay sayo nakatutok" sabi niya kaya napaawang ang labi ko.
"So kasalanan ko pa?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Sasagot pa sana siya pero agad kaming natigil nang may tumawag sa pangalan ko. Well speaking of the de- department store.
"Can we talk?" tanong niya.
Wow! After 9 years english speaking na siya! Pasensya dahil kahit teacher ako ay history ang tinuturo ko at hindi english!
"Una na ako athena, kita nalang tayo sa unit" bulong ni ally kaya tumango nalang ako sa kanya bago siya maglakad palayo.
Lumapit sakin si gino at ngumiti "Kamusta?" tanong niya at ngumiti naman ako.
"Heto, humihinga pa" natatawang sagot kaya natawa din siya. "Condolence" sabi ko at nginitian niya naman ako.
"Sa sunday ang libing, pupunta ka?" naiilang na tanong niya at tumango naman ako "Kita nalang tayo don. It's nice meeting you again" nakangiting sabi niya.
Huminga ako ng malalim "Nice meeting you too" sabi ko bago tumalikod.
Kingina athena umayos ka! Bastos kang nilalang ka.
Dumiretso lang ako sa van at nagpahatid kay mang boy sa bahay. Kukunin ko muna ang kotse ko dahil may pasok pa ako bukas.
Habang nakasakay sa van at tinatahak ang daan pauwi sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Pilit bumabalik sakin yung mga pinagusapan at sinabi sakin ni agatha.
Si alicia ang may kasalan at si gino? Pero bakit parang hindi naman ipinaglaban ni gino ang sarili niya? Sumuko ba siya agad dahil sa katigasan ko? Hindi ko siya hinarap at hindi binigya ng pagkakataong makapagsalita kaya paniguradong hindi niya talaga masasabi yon.
Pero sa siyam na taon ay hindi manlang ba bumagabag ang tanong na 'Tama kaya ang naging desisyon ko?' sakanya? Hindi niya manlang ba naisip na magpaliwanag?
Worth it ba ang naging desisyon niya? Mas naging masaya ba siya sa desisyon niyang yon? Maayos na ba sya after nung nangyari 9years ago? May bago na ba siya? Pinalitan na ba niya ako? Nakalimutan na ba niya ako?
Ilang tanong na bumabagabag sakin na kahit sino ay walang makakasagot kung hindi siya lang! Walang iba kung hindi siya lang! Pero wala akong lakas ng loob para ibato lahat ng tanong na yan sa kanya. Hindi ganon kadali gawin ang bagay na yon.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunansan at humarap sa bintana. Pinagmasdan ko nalang ang labas ng bintana.
Naging tahimik lang ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kotse ko at nagdrive pauwi ng unit ko.
Hinga malalim, normal lang yon
Nang makauwi sa unit ay mabilis kong tinapos ang lesson plan ko bago humiga sa kama ko. Biglang may kumatok sa pinto at pumasok si fran.
"Hindi mo manlang ba ako namiss?" parang nagtatampong sabi niya "Ilang taon mo akong hindi nakita tapos ni isang beses hindi mo ako kinamusta?" nakangusong sabi niya kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...