Chapter 39

454 25 3
                                    

⚠ Warning: Sexual Harrasment

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Lumipas ang araw at hindi na nagpapakita si ranz dito sa bahay. Hindi ko kayang galangin ang taong yon. Ilang araw ko na din pinipilit si mama na sumama sakin pabalik sa maynila pero ayaw niya. Nagagalit siya sakin dahil sa ginawa ko kay ranz.

Sabado ngayon at nakatambay kami ni ally dito sa may park malapit samin. Nagkekwentuhan kami, sabay kaming babalik sa maynila bukas.

"Buti hindi ka sinasaktan non" sabi ni ally habang kumakain ng ice cream.

"Hindi naman" sabi ko at sumubo din ng ice cream.

"Kamusta naman kayo ni tita? Hindi ba siya nagalit sayo?" tanong niya at bumuntong hininga naman ako.

"Yun nga eh, nagalit syempre. Ewan ko ba kay mama. Hintayin ko nalang sigurong matauhan siya bago niya iwan yung lalaking yon" sabi ko.

Natawa naman siya "Hayaan mo matatauhan din yan si tita" sabi niya kaya natawa kami parehas "Sasama ba si tita bukas?" tanong niya kaya agad akong umiling.

"Hayaan ko nalang siguro muna siya" sabi ko kaya napatango tango siya.

"Boyfriend mo si gino?" tanong niya at tumango naman ako "Congrats" masayang sabi niya at nginitian ko naman siya.

Naging isang tanong isang sagot ang ginagawa namin. Kung magtatanong siya ay sasagutin ko yon. After non ay magtatanong ulit siya at sasagot nanaman ako. Hindi manlang humaba ang usapan namin dahil sa isang tanong, isang sagot.

Matapos naming magusap at ubusin yung ice cream ay umuwi na kami ni ally. Naglakad kami pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin.

Nang maghiwalay kami ay dumiretso na ako sa bahay. Agad akong napatigil nang makita si ranz na nakaupo sa sofa habang kumakain. Huminga ako ng malalim bago dumiretso papasok.

"Kumain kana" sabi ni mama at inilingan ko siya agad.

"Busog pa po ako" sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

Kapag nagkaroon nanaman ng ingay sa labas ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit niyang tinatanggap yang tao na yan kahit sinasaktan siya! Ako ang nahihirapan para kay mama.

Naupo ako sa kama ko at tinawagan si gino pero agad nangunot ang noo ko nang mag toot toot toot ang tunog non. Busy? Tatlong araw nang busy ang linya ni gino. Kung mag riring man ay pinapatayan ako ng tawag.

Nung araw na pinalayas ko at tinutukan ng gunting si ranz ay nakita kong nakailang missed call si gino non. Sinubukan kong tawaga ulit pero nakapatay ang cellphone niya at hanggang ngayon ay hindi parin sumasagot sa tawag ko.

Si fran ang tinawagan ko baka sakaling nakikita niya si gino. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ito.

["Hello athena?"] patanong na sagot niya.

"Ah ano.. Itatanong ko lang sana kung nakikita mo ba si gino" nahihiyang sabi ko "Hindi kasi sumasagot ng tawag ko eh" sabi ko pa.

["Hindi ko siya nakikita eh, actually nasa probinsya ako at bukas pa ang uwi ko"] sabi niya kaya napabuntong hininga ako ["Hayaan mo kapag may nabalitaan ako tungkol kay gino, sasabihin ko agad sayo"] agad akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Salamat fran" sabi ko bago ibaba ang tawag.

Ano kayang nangyari sa taong yon? Bakit walang paramdam? Samantalang nung nakaraan ay siya pa ang tumawag sakin. Bakit ngayon hindi na niya sinasagot ang tawag ko at minsan busy pa ang line niya?

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon