Chapter 46

498 29 3
                                    


"Oo tama ka ng pagkakarinig! Nagkaanak ako at hindi sayo yon kung yun man ang iniisip mo!" umiiyak na sigaw ko "Isang pagkakamali, nirape ako ng step dad ko at nagkaroon ng bunga! Masaya kana ba? Nalaman mo na? Sana nasagot ko lahat ng tanong sa isip mo kung bakit ayaw kong balikan ang nakaraan!" pagtatapos ko tsaka pinunasan ang luha at lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko inaasahang may mamumunga noon. Nang malaman ko ang balita ay agad kong pinalaglag yung bata. Alam kong mali pero ayokong magkaroon ng alala tungkol sa isang dahilan kung bakit ako naghihirap balikan ang nakaraan.

Hindi alam ni mama ang nangyaring yon. Tanging sina jaydee, ally, at fran lang ang nakakaalam. Ayokong ipaalam kay mama dahil hindi ako handa sa magiging reaksyon niya.

"Thena?"

Agad umangat ang tingin ko nang marinig kong may tumawag sakin. Isang tao lang ang kilala kong tatawag sakin nang ganong pangalan at hindi nga ako nagkamali.

"Yohan!" masayang sigaw ko at yumakap sa kanya.

Si yohan ay pinsan ko at childhood friend ko. Kami lang dalawa ang magkasundo lagi dahil parati kaming inaaway ng iba naming pinsan. Pero ngayon ay ayos na ang pakikitungo ng iba naming pinsan. IBA.

"Kamusta ka?" nakangiting tanong niya nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.

"Eto okay naman" sagot ko at inaya siyang bumaba "Ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

"Okay din, kaso napagiinitan nanaman ako sa baba. Alam mo na, pogi problems" pabirong sabi niya kaya natawa ako.

"Nandyan na silang lahat?" tanong ko at tumango naman siya "Lahat ng kaaway?" tanong ko ulit at natatawa naman siyang tumango.

Nang makababa kami ay doon ko nakita ang mga pinsan naming mapapel sa buhay. Isama niyo pa yung tita kong kunsintidora. Actually isa lang naman ang hindi namin ka vibes na pinsan diyan. At yon ay si... Jamoy!

"Oh nandito ka din pala?!" pagulat na tanong ni bida bida.

"Malamang bahay ko to! Ikaw nandito ka din pala? Magpapakalinta ka nanaman ba?" Sarkastikong sabi ko.

Hindi ako lumalaban o sumasagot sa kanya pero iba na ako ngayon. Ilang sakit at hirap na ang napagdaanan ko para masabi kong mas matatag na ako ngayon.

"Aba sumasagot pa" akmang hahampasin niya ako nang humarang si yohan sa harapan ko.

"Bakla ka ba?" maangas na tanong ni yohan.

"Mayabang ka di porket may pera ka na, ako wag niyo akong ginagamitan ng pera niyo dahil di uubra sakin yan" sabi ni jamoy.

Nang lumapit siya sakin ay agad kong namoy ang alak sa kanya. Amoy alak siya at mukhang lasing si tanga. Maoy amp.

Nilibot ko ang paningin ko. Tanging si tita geth, jamoy, ako at yohan lang ang nandito sa baba. Baka nasa labas silang lahat.

"Ano? Pinagmamalaki niyo na ang pera niyo ngayon?" nakataas ang dalawang kilay na tanong niya. "Yan ang hirap kapag nakakaangat kayo! Akala niyo lahat pwede niyong tapakan!" sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako.

Ganyan siya. Parati niyang binabrag yung naabot namin ngayon at yung edad niya. Hindi siya papatalo at hindi siya papayag na malamangan mo siya. Never ko na ulit papatulan ang taong walang saysay.

Mabilis kong hinila si yohan paakyat. Nagsisisigaw pa si jamoy sa baba pero hindi ko na siya pinansin. Isang linggo ko siyang makakasama dito at kailangan naming magtiis.

Pumasok ako sa kwarto habang hila hila siya. Agad akong napatigil nang mapagtantong hindi nga lang pala ako ang nandito at may kasama pa ako bago ako lumabas kanina.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon