Chapter 20

660 31 1
                                    

Baby, baby, baby
When you touch me like this
And when you hold me like that
It was gone with the wind
But it's all coming back to me
When you see me like this
And when I see you like that
Then we see what we want to see
All coming back to me

Nagising ako sa lakas ng tugtog na yon! Naknamputcha! Kapag weekends tahimik ang buhay ko pero hindi ko alam kung sinong may lakas ng loob na sirain ang katahimikan na yon.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto para tignan kung sino yung malakas ang loob na sinira ang katahimikan ko.

Paglabas ko ay napabuntong hininga ako. Nakalimutan kong nandito nga pala si jaydee at kagabi lang siya dumating. Hayyst.

"When you see me like this. And when i see you like that~" pagsabay pa niya sa kanta.

"Hoy!" inis na tawag ko sakanya kaya humarap siya sakin at ngumiti.

"Goodmorning" nakangiting bati niya

Hindi ko siya pinansin at tinignan ang wall clock malapit sa pinto ng kwarto ko. Wth! 7:15am?!

Huhuhu.

9am ang pinakamaaga kong gising kapag weekend dahil sa wala naman akong gagawin pero dahil nandito na si jaydee paniguradong wala na akong magiging pahinga

"Goodmorning" napapabuntong hiningang bati ko sakanya.

Papupo na sana ako nang may biglang kumatok dahilan para hindi ko matuloy ang pagupo ko! Inis akong lumapit sa pinto at tinignan kung sino ang kakatok ng ganito kaaga!

"Hi! Goodmorning" bati ni janella.

"Goodmorning" nakangiti ding bati ko.

"Uhm. Yung speaker mo baka pwedeng pakihinaan? Masyado pa kasing maaga para sa party eh tsaka remember weekend ngayon kaya pahinga ng ibang estudyante kaya baka pwedeng pakihinaan yung music" nakangiti ngunit seryosong sabi niya.

"Pasensya na ah may bago kase akong kasama dito sa unit ko kaya pasensya na talaga" nahihiyang sabi ko.

"Sige thank you" nakangiting sabi niya tsaka umalis.

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa gilid ni jaydee sabay hampas saa braso niya.

"Aray!" inis na sabi niya.

"Ang aga mo namang magpatugtog tapos ang lakas lakas pa!" inis na sabi ko sakanya.

"Eh bakit ba? Yun yung way para gisingin kita eh! Alangan namang hampasin kita tapos sabihing hoy gumising kana kase umaga na? Ang bastos naman non" nakasimangot na sabi niya.

"Patayin mo na yang tugtog mo o kaya hinaan mo kase may iba din tayong katabing unit na may mga estudyanteng bumabawi ng tulog kaya patayin mo na yan o ikaw ang papatayin ko" seryosong sabi ko sakanya

"Ay ang harsh" komento niya sabay tayo at pinatay ang pinapatugtog niya.

Padabog siyang umupo at bumulong bulong pero hindi ko marinig kung ano yung binubulong niya.

"Ano?" nakakunot ang noong tanong ko sakanya dahil para siyang bumubulong sa mga espiritu.

"Wala sabi ko anong oras tayo aalis para mamili ng mga gamit" nakangiting sabi niya.

"Maya maya na mga tanghali" sabi ko at dumiretso sa kusina.

Ako na magluluto ng breakfast namin dahil natatakot akong baka kagaya din ni jam tong isang to.

Nagluto lang ako ng pinaka simpleng breakfast na kayang lutuin ng kahit sino. Ayy hindi! Hindi din pala lahat! Nagluto ako ng itlog at hotdog sinangag ko na din ang kanin para solb.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon