Chapter 21

592 31 0
                                    

"Athena! Gumising kana malelate kana!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw na yon ni jaydee! Ayoko na malate. Baka malasalubong ko nanaman si gino at kung ano anong sabihin sakin.

"Mag seseven thirty na! Kumilos kana" sigaw pa niya.

Mabilis akong kumilos at nagayos. Napagusapan namin ni jaydee kagabi ang mga nangyari at ganap dito sa bago kong tinutuluyan.

Dun lang kami nagkaroon ng tsansang magkwentuhan dahil nung dumating siya ay wala ako sa mood! Hating gabi ba naman eh.

Matapos kong magayos ay nagpaalam na ako kay jaydee at sinabing magtext nalang siya kapag may kailangan siya.

Next week pa ang pasok niya dahil transferee siya at sa A Campus siya nagenroll. Akala ko sa S Campus siya nagenroll kaya ko nasabing malayo ang school namin kumpara sa kaniya.

Mauuna kase ang S Campus at napapagitnaan naman ng A at S Ang B Campus. Mas malapit ang S Campus sa unit namin at sumunod naman ay ang campus namin at sunod ang A Campus.

Nang makarating sa school ay dumiretso ako sa cr malapit sa dance studio ng school dahil ako lang ang gumagamit non. Nang makarating don ay tinignan ko ang sarili ko kung bagay ba sakin ang uniform ng B Campus.

Medyo may kaiksiang palda! Alam na puro lalaki ang makaksama ko sa Campus pero pinaiksi pa yung palda ko! Tinuck in ko ang blouse ko at sinuot ang navy blue na blazer ko. inayos ko din ang high socks kong kulay itim at sinintas ang rubber shoes ko.

Oo dito talaga ako nagayos!

Matapos kong magayos ay lumabas na ako ng cr at dumiretso sa classroom namin. Uupo na sana ako pero may biglang nagkagulo sa labas ng classroom!

"Asan yung mayabang na babaeng yan ha!" dinig kong sigaw ng boses babae sa labas.

Bakit may babae dito? Ako lang dapat ang babae dito eh- I mean ako lang ang nagiisang babae dito.

"Ang lakas ng loob niyang sampalin yung mahal ko!" sigaw ulit ng babae.

"Maam bawal po talaga kayo dito" awat ni kuyang guard.

"Hindi! Hindi ako lalabas hangga't hindi niyo hinaharap sakin yung babaeng yan!" mas malakas na sigaw niya dahilan para maagaw ang atensyon ng mga katapat naming classroom.

Napaharap ako sa likod ko nang biglang may tumapik sakin. Seryoso akong tinignan ni gino at tinuro yung babaeng nasa labas.

"Labasin mo na yon dahil nakakistorbo na" si gino.

Bumuntong hininga ako atsaka tumayo. Hindi na ako nagkaroon ng pahinga simula pa kahapon! Ang masama hindi na nga nakapagpahinga babalian pa ng buto.

Boset na buhay to!

Hinawi ko yung ibang estudyante na nakaharang at inawat si kuyang guard na kanina pa inaawat si ate girl.

"Ang ingay naman" parinig ko.

"Wala kang pake! Gusto kong sumigaw eh" pasigaw na sagot niya.

"Bakit dito ka nanggugulo?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Sinabi ko na kanina diba? WALA KANG PAKE!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pag hindi ako nakapagtimpi ay gagawin ko tong mop at ilalampaso sa sahig.

"Ano bang kailangan mo?" mahinahong tanong ko.

"Ang kulit mo din eh noh! Sinabi nang wala kang pake!" anak ng! Binibwisit ako netong babaeng to ah! Akala ko ba ako ang pakay neto? Eh bakit parang walang ideya. "Ilabas niyo ang babaeng yon!" sigaw nanaman niya.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon