Chapter 30

527 33 2
                                    


Lumipas ang araw na puro pagaaral lang ang inatupag ko! Oo PAGAARAL. simula nang umamin sakin si cheian ay parang ayaw ko na siyang makita pa sa tanang buhay ko! Hindi ko alam kung anong irereact ko nung araw na yon kaya wala akong ibang ginawa kundi ang biglaang umalis.

Wala na akong pinapansin simula ng araw nayon. Pagkapasok ko ay magsusuot nalang ako ng earphones at kapag dumadating ang teacher ay dun ko lang tatanggalin yon. Kapag uwian naman ay dire diretso na ako ng labas at walang pinapansin na kahit sino man. Alam kong weird pero wala akong magagawa dahil naiilang na ako.

Ngayon ay linggo at bukas na ang outing namin sa bulacan. Hindi ko nga sigurado kung may balak pa ba akong sumama gawa ng kawalan ng gana.

"Ano ba ang mas maganda? Eto o eto?" muling tanong ni jaydee!

Kanina niya pa ako tinatanong nang tinatanong tungkol sa swimsuit nayan! Makailang beses ko na ding sinagot pero paulit ulit padin niyang tinatanong. Hindi halatang excited tong isang to.

"Sumagot kana athena! Sasabihin mo lang kung alin dito sa dalawa eh" parang nagtatampong sabi niya pa.

Nagbuga ako ng malakas na hangin at hinarap siya "Pangilang beses mo na bang naitanong sakin ang tanong na yan jaydee?!" inis na tanong ko "Kanina ko pa tinuturo yang nasa kaliwa mo!" dagdag ko pa at sinuri ang dalawang swimsuit na nasa kaliwa't kanan niya "Ano ba ang pinagkaiba niyan? Eh parehas mo naman pwedeng gamitin yan pang swimming!" Inis na dagdag ko ulit.

"Magkaiba ang one piece sa two piece!" inis na sigaw niya din.

"Oh sige anong pinagkaiba niyan?" hamon ko sakanya at tinaasan pa siya ng kilay "Sa one piece na hindi kita ang tiyan mo pero babakat ang kurba mo at sa two piece na kita ang tiyan mo pero kakabagin ka? Yun ba?!" pasigaw na tanong ko sakanya

Hindi siya sumagot at simaan lang ako ng tingin. Kung tutuusin ay kahit anong piliin niya ay okay lang sakanya. Parehas lang ng design yung mga swimsuit sa tabi niya gaya nga ng pinagtalunan namin ay one piece at two piece lang ang pinagkaiba ng dalawa.

"Oh ano?" asar na tanong ko sakanya. "Kung ako sayo ay mag one piece swimsuit ka nalang na siyang kanina ko pa tinuturo atsaka patungan mo ng white short at white cover up" sabi ko at iniwanan siya sa kwarto.

Hindi pa ako nageempake gawa ng pagdadalawang isip kung sasama ba ako o hindi. Pero sayang yung pagkakataon kung sakaling hindi ako makakasama dahil minsan lang ako makasama sa mga ganitong outing na covered ng school.

Habang nagiisip ay biglang may kumatok kaya agad akong tumayo at lumapit sa pinto na agad kong binuksan at tinignan kung sino ang kumakatok. Ganon nalang ang gulat ko nang makita ang roommate ni ally sa tapat ng pinto ko.

Gulat akong tumingin sakanya at tinignan siya ng nagtatanong na tingin "May..kailangan ka?" nagaalinlangang tanong ko

"Sinugod sa hospital si ally" biglang sabi niya na ikinalaki ng mata ko "Alam kong hindi kayo okay pero ikaw lang ang kakilala kong malapit sakanya" dagdag niya pa.

"Ikaw?" takang tanong ko.

"Marami akong kailangang tapusin kaya hindi ko siya masamahan" sagot niya at saka ako tinalikuran!

May pagkabastos din pala tong taong to ano! Biruin mong ang ganda ganda ng pakikipagusap ko sakanya tapos bigla ako tatalikuran ng ganon ganon lang? Aba! Hindi ako makapapayag sa ganon!

Pero nang pumasok sa isip ko ang sinabi niyang sinugod sa hospital si ally ay hindi na ako nagdalawang isip pang magbihis at magpaalam kay jaydee na may pupuntahan lang ako saglit.

Kahit anong galit at hinanakit ko kay ally ay hindi non maalis sa isip ko na may mga pinagsamahan kami ni ally. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga pinagsamahan namin nang dahil sa ganon lang. Kahit papaano ay hindi ko nakakalimutang siya ang kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko, siya rin ang kasama ko tuwing may problema ako at hinding hindi ko pwedeng makalimutan yung araw na ipinagtanggol niya ako sa mismong nanay ko.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon