Chapter 28

564 35 0
                                    


Mabilis akong tumatakbo dahil tinakbuhan ko si gino..Tama ba yun? Nakakatakot kase yung tingin niya eh. Salubong na salubong ang kilay niya at umaapoy ang mga mata. Nakakatakot talaga.

Nababaliw na kase si cheian eh! Puro kalokohan ang sinasabi kaya ayan! Nagsulubong tuloy ang kilay!

Mabilis akong tumatakbo hanggang sa may mabunggo ako atsaka ako natumba dahilan para mabilis akong tumayo at harapin yung nabunggo ko

"Sorry po. Okay lang po ba kayo?" mabilis kong sabi dun sa nabunggo ko

Biglang humarap sakin yung nabunggo ko at ganon nalang ang bilis ng tibok ng puso ko nang mamukaan kung sino tong taong to! Hindi ako sigurado pero iba ang nararamdaman ko. Parang sinasabi niyang ako ang matagal mo ng pinapangarap.

"Okay lang ako iha" nakangiting sabi niya.

Tumikhim ako at sumeryoso tsaka tumingin sakanya. "Ahh. Kung sakali, may kamukha ka po bang...artista?" dahan dahang tanong ko sakanya.

Halatang nagulat siya pero tumawa padin siya. "Hahaha ano ka ba iha! Wala" natatawang sabi niya.

Kahit tumatawa siya ay nanatili akong seryoso "Ehh. Kung sakali po" dahan dahan ulit na tanong ko "May kakilala po ba kayong.." pinutol ko pa ang sasabihin ko "Ernita Santiago?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Biglang nawala ang ngiti at tuwa sa mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ng nanay ko. Bigla siyang sumeryoso at umayos ng tayo.

"Pwede ba tayong magusap sa likod ng paaralan?" seryosong tanong niya at tumango naman ako.

Gusto kong malaman kung bakit naging ganon ang reaksyon niya nang marinig ang pangalan ng nanay ko. Kung bakit ganon nalang kabilis naglaho ang ngiti niya sa labi matapos kong banggitin ang pangalan na yon.

Maglalakad na sana kami patungo sa likod ng paaralan nang biglang may nagsalita mula sa likuran namin at banggitin ang pangalan ng kasama kong tao ngayon.

"Mr. Santiago pinapatawag na po kayo ni Mrs. Rodriguez para sa anunsyong sasabihin niyo ngayong araw" pormal na sabi ng babaeng nakasalamin.

"Thank you monica. Susunod nalang ako" nakangiting sabi ni Mr. Santiago.

Buti nalang at may Mr. Ang sinabi non dahil kung hindi ay ako ang susunod sakanya dahil santiago rin ak- teka! Santiago ako at santiago siya? Hindi kaya...

"Ibigay mo nalang saakin ang number mo iha para kapag nagkataon na hindi ako busy ay tatawagan kita para makausap ka" nakangiting sabi niya atsaka naglabas ng ballpen at maliit na papel mula sa suot niyang longsleeve.

Kinuha ko yon at sinulat don ang numero ko.

"Kailangan ko ng magpaalam dahil may iaannounce kami ng asawa ko ngayon" nakangiting sabi niya at umalis.

Malakas talaga ang kutob ko at kaming mga babae ay bibihirang magkamali ang kinukutob. Pero diba sa dalawang magkasintahan lang yon? Pero basta! Malakas ang kutob ko.

Dumiretso nalang ako sa event room dahil sabi nga ni mr. santiago ay may iaannounce sila kaya hindi natin pwedeng sayangin ang opportunidad na marinig kung ano mang sasabihin nila.

Nang makarating don ay madami ng tao kaya tumabi nalang ako sa isa sa mga estudyanteng hindi ko kakilala dito sa likuran para lamang makinig.

"Magandang umaga students" nakangiti panimula ni Mr. Santiago "Siguro naman ay nakilala niyo na ang aking asawa na si Jennica Rodriguez Santiago" sabi niya habang nakaturo kay tita jenni.

Teka...Asawa niya si tita jenni? Ibig sabihin imposible yung naiisip ko kanina dahil may asawa siya? Sabagay napakababaw naman ng mga ebidensiya ko para masabing siya nga ang taong gusto kong makasama matagal na. Atsaka isa pa may anak sila at yun ay si janella.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon