Nung saturday ay nag-punta nanaman dito sa kwarto ko si karylle. Nakipagkwentuhan nanaman siya at dahil sa kanya ay hindi ako naging bored ngayon weekends. And now its sunday at kami nanaman ang magkasama.
Nakasuot ako ngayon ng color black na polo dress at isang pair ng white shoes. Nagsling bag lang ako para bumagay sa outfit ko.
Ayoko masyadong pumorma ngayon dahil simbahan naman ang pupuntahan namin.
Pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako at dumiretso sa unit ni ally. Mabilis namang bumukas yon nang kumatok ako at saktong si ally ang nagbukas.
"Gusto mong sumama?" tanong ko sakaniya.
"Saan?" nakataas ang dalawang kilay na tanong niya.
"Magsisimba kami ni karylle baka gusto mong sumama" sabi ko at tinuturo ang pinto ni karylle.
"Ayy may lakad ako ngayon eh, Okay lang ba kung next time nalang?" nagaalangang tanong niya.
"Sige okay lang" sabi ko at nagpaalam na nakakatok sa pinto ni karylle.
kumatok ako sa kwarto ni karylle. Naka isang katok lang at bigla na yon bumukas. Hindi naman halata na excited siya noh?
Nakasuot si karylle ng isang floral off shoulder na top at nakatuck-in iyon sa isang white highwaist na shorts at nakasuot siya ng high heel na white rubber shoes.
Mukhang magkakasundo nga kami neto.
"Gusto ko yung dress mo!" sabi niya sakin.
"Gusto ko nga yung shorts mo eh" nakangiting sabi ko sakanya.
"Minsan try natin magswitch ng mga damit" masayang sabi niya.
"Sige pag nagkaroon ng time" sabi ko at inaya ko na siyang umalis.
Kapag hindi ko pa siya inayang umalis paniguradong magtatagal pa kami sa pintuan niya at magkekwentuhan ng magkekwentuhan.
Nang makarating sa simbahan ay agad kaming naghanap ng pwesto ni karylle. Ang nahanap naming pwesto ay malapit sa pintuan ng simbahan.
Nang dumating kami ni karylle dito ay nagsisimula na ang misa kaya medyo nalate kami. Pero kahit ganon ay nakinig padin kami sa misa.
Habang nakikinig kay father ay hindi ko maiwasang isipin ang mga linyang sinabi nung pastor habang nagiiscroll ako sa Facebook.
Ngayon ko lang narealize yung sinabi ni pastor.
"God cannot give you the right person until you are into the wrong person" naalala kong linya nung pastor
Siguro lahat ng tao ay naranasan nang mapunta sa maling tao bago mahanap ang tamang tao para sakanila.
Ako kaya? Kelan ko kaya mahahanap yung tamang tao para sakin? Kase naranasan ko nang mapunta sa maling tao eh. May balak pa kaya siyang ibigay yung tamang tao para sakin o tuturuan niya akong makuntento at mahalin ang sarili ko?
Matapos ang misa ay nagpunta kami ni karylle sa isang carinderia sa malapit dahil nagutom na kami.
Umorder lang ako ng isang order ng menudo at isang rice. Wahh namiss kong kumain ng lutong bahay na ganito. Meron naman akong stock sa unit ko at pwede ko namang lutuin ang gusto kong kainin pero tinatamad akong magluto. HAHAHA yun lang.
"Gusto mong gumala after?" tanong ni karylle, umaandar nanaman yung bunganga niya.
"Saan nanaman?" tanong ko sa kanya
"Mag star city tayo" excited na sabi niya
Bigla naman akong nagreact "Ang layo!" reklamo ko sakanya.
"Dali na! Minsan lang naman! 'tsaka may pasok na bukas oh! Hindi na tayo makakapagbonding ulet kase magiging busy kana! Kase may laban ka next friday" mabilis na sabi niya. kung hindi ko lang kakilala to si karylle paniguradong mapapagkakamalan ko tong rapper.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Novela JuvenilAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...