Maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan kong magpasa ng lesson plan. Kailangan ko na ding madaliin ang mga estudyante ko sa naibigay kong project nung nakaraan dahil malapit nang matapos ang 3rd quarter.Mabilis akong nagayos. Friday ngayon kaya nagsuot lang ako ng maong pants at saka yung uniform naming tshirt. Pinartneran ko lang yon ng simpleng rubber shoes.
Binitbit ko lang ang laptop at bag ko bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko yung tatlo na kumakain ng almusal.
"Goodmorning" bati nila.
"Goodmorning" pabalik na bati ko
"Umupo kana, kumain ka muna bago ka umalis" sabi ni fran kaya agad kong nilapag yung bag ko sa center table.
"Ay oo nga pala, sabi ng mama mo uwi daw tayo sa bulacan kasi bibisita daw yung lola mo" biglang sabi ni ally nang makaupo ako.
Agad nangunot ang noo ko "Bakit 'tayo?' " kunot noong tanong ko sa kanya.
"Sama kami syempre!" natatawang sabi niya "Mag s-swimming daw eh" dagdag niya pa bago muling sumubo ng pagkain
Kumuha lang ako ng tinapay at hotdog dahil ayokong kumain ng marami sa umaga. Nagkwentuhan lang kami bago nagkayayaan na umalis. Kung hindi kami magsisipagkilos ay pare parehas kaming malelate.
Nang makarating sa 10-C ay agad kong sinabi sa kanila ang tungkol sa project nila. Sinabi kong monday na ang pasahan non kaya kailangan na nilang tapusin ang project na yon sa loob ng tatlong araw.
"Mam friday naman, dapat kapag friday walang klase" biglang sabi ni yna.
"Gusto mo tuwing friday bagsak ka?" tanong ko sa kanya.
"Si mam ang kj!" reklamo niya.
"Pinapahabol ko kayo ng mga gawain niyo, hindi tayo pwedeng ngumanga ngayon dahil malapit na ang 4th quarter" sabi ko "Kung nagagawa mong magpapetikspetiks ngayong 3rd quarter, sa 4th hindi na. Mag momoving up kayo kaya hindi dapat kayo nagpapabaya ng grades" sermon ko sa kanila.
"Bad mood ata si mam" dinig kong bulong ni jannah.
Bumuntong hininga ako. Eto ang mali sa naging desisyon ko. Masyado ko silang pinagenjoy at hindi sineryoso. Ang tingin nalang sakin nila ngayon ay barkada at hindi na guro. Okay lang namang maging barkada nila ako pero kapag nasa loob ng classroom ay gusto kong ituring nila ako bilang isang guro.
"Okay tapusin lang natin yung short quiz niyo tapos bibigyan ko kayo ng free time hanggang sa dumating ang club hours" napapabuntong hiningang sabi ko.
Agad silang ngumiti at nagsipaglabas ng papel. Kagaya ng sinabi ko ay nagkaroon kami ng short quiz. Matapos non ay hinayaan ko na silang magkwentuhan at gawin ang gusto nila nang hindi lumalabas ng classroom.
Biglang lumapit sila jannah, claire, tyron at kylie sakin habang dala ang kanya kanya nilang upuan. Nginitian nila ako bago pinaikutan ang teacher's table.
"Mam magkwentuhan tayo" masayang sabi ni jannah "Sabi ng ate ko sa boy campus ka daw nagaaral dati" sabi niya pa "Anong feeling mam?" tanong niya.
Agad akong ngumiti "Chismosa ka" natatawang sabi ko "Pero ang sagot diyan ay secret" sabi ko na ikinasimangot nila.
"Bakit naman secret mam?" tanong ni kylie.
"Kasi secret ulit" natatawang sabi ko kaya nagsipagreact na sila "Itry mo para maexperience mo" natatawang dagdag ko pa.
"Sige na mam sagutin mo na!" sigaw ni jannah kaya natawa ako "Ano pong feeling ng magisa kang babae sa buong school niyo dati?" tanong niya.
Napangiti ako at inalala ang unang araw ko sa school na yon "Syempre sa una mahihiya at matatakot ka kase puro lalaki ang makakasama mo" panimula ko "Pero habang tumatagal na nakakasama mo sila syempre masaya" nakangiti dagdag ko pa
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Ficção AdolescenteAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...