Chapter 26

608 37 0
                                    

Nagising ako dahil sobrang lamig! Malakas ang ulan sa labas kaya paniguradong malamig! Naalala kong wala nga pala kaming pasok ngayon sabi ni gino.

"Goodmorning!" bati ni jaydee nang makitang gising na ako.

Nginitian ko din siya "Goodmorning" bati ko sakanya.

"Magbreakfast kana" sabi niya "Umorder nalang ako sa labas ng pagkain dahil alam ko namang nakakatamad kumilos ngayon dahil sa malamig na panahon" dagdag pa niya.

Parang ayoko na nga bumangon at gusto ko nalang ulit mahiga at magtalukbong ng kumot dahil sa sobrang lamig!

Pero kahit tinatamad ako ay bumangon padin ako at kumilos. Naligo na ako at pagkatapos ay kumain tsaka bumalik sa kwarto

Pagbalik ko sa kwarto ay ganun padin ang pwesto ni jaydee. Parang hindi siya gumalaw dahil ganong ganon ang pwesto niya kanina.

"Huy! Bakit hindi ka gumalaw?" tanong ko sakanya at bigla naman siyang umupo! Gusto pala may kausap para gumalaw.

"Ang lamig kase eh!" Reklamo niya sabay kuha ng cellphone niya "AHHHHHHH!!!!!!" tili niya.

Napatakip naman ako ng tenga atsaka siya binato ng unan "Bakit?! Ang ingay mo!" inis na sabi ko sakanya.

Bigla niyang hinarap sakin ang cellphone niya "May ig story si cheian!" sabi niya at tumili ulit! "Minsan lang to!" dagdag pa niya.

Kinuha ko ang cellphone ko pati nadin ang earphones ko sa bag ko atsaka binuksan ang phone ko. Sabi nga ni jaydee ay minsan lang kaya dapat kong makita kung ano yun.

Pinindot ko ang story ni cheian at bumungad sakin ang black na screen. Wala kang makikitang kahit na ano bukod sa caption sa taas na 'Malamig'

"Nakakiainlove!" parang kinikilig na sabi ni jaydee kaya agad akong tumingin sakanya at sinimangutan siya.

"Anong nakakainlove sa black na screen?" nakasimangot na tanong ko sakanya.

"Gaga! Pakinggan mo kase! Nag-earphones kanga di mo naman isasalpak sa tenga mo!" sabi niya kaya napatingin ako sa earphones ko na nasa kama!

Nakasaksak yon sa phone ko pero hindi ko sinalpak sa tenga ko! Kaya pala wala akong marinig! Hayys b*bo.

Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones at umalis sa story ni chiean at pinindot ulit yon.

"Cause there'll be no sunlight If I lose you, baby There'll be no clear skies If I lose you, baby Just like the clouds My eyes will do the same if you walk away Everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain"

Ang sarap sa tenga ng boses niya! Parang gusto kong pakinggan yon habang buhay! Char! Eto naman.

"Wag ka nga ngumiti!" nakakunot noong sabi sakin ni Jaydee.

"Bakit masamang ngumiti?" nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.

"Oo lalo na kapag yang pinapakinggan mo ang dahilan!" sabi niya at binato ako ng unan!

Ngumuso lang ako at tinignan ulit ang cellphone ko. Inulit ulit ko ang story ni cheian hanggang sa magsawa ako.

At dahil inggitera ako ay gusto ko ding magrecord at iupload yon sa ig story ko huhuhu.

Pero hindi ko ginawa! Baka mamaya kapag nakita ni chiean ang story ko ay sabihin niyang iniistalk ko siya at ginagaya! Kaya wag nalang!

"Mukhang masarap magchamporado ngayon" biglang parinig ni jaydee "Lalo na ngayong malamig ang panahon at may kasama kang marunong magluto" nakangiting dagdag pa niya.

Inirapan ko siya at bumuntong hininga "Bakit hindi ka nalang umorder? Tutal madami ka namang pera atsaka isa pa tinatamad ako!" sabi ko sakanya.

"Hoy athena! Hindi ka ba naawa sa maghahatid ng pagkain dito sa unit? Kita mo nang ang lakas lakas ng ulan sa labas tapos gusto mo magpadeliver ako?" inis na sabi niya sakin.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon