Natapos na ang ibang mga kasama ko dito sa backstage na magperform. Hindi padin mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Natatakot lang ba ako na lumaban o baka naman nahihiya lang ako dahil ako lang ang nagiisang babae sa B campus?
"Now! Let's welcome! The representative of B Campus! Athena Brielle Santiago!" dinig kong announce ng mc.
Eto na ang hudyat ko para umakyat sa stage! Dahan dahan akong umakyat sa hagdan na patungo sa stage. Habang paakyat ay unti unti kong nairirinig ang intro ng kantang sasayawin ko kaya nagmadali akong umakyat.
Kaso pahakbang pa lang sana ako sa huling baitang nang biglang may humila ng paa ko dahilan para madapa ako paharap sa stage!
Nakakahiya! Sino ba tong bwisit na to!
Tinignan ko ang humila sa paa ko at nakita ko yung babaeng baliw na nakaaway ko sa backstage kanina na nakangisi! Tch! Panget mo!
Dali dali akong tumayo at tinignan ang mga taong nakatingin sakin! Nagumpisa na yung tugtog pero hindi ko na magawang sabayan dahil sa hiya na nararamdaman ko.
Ikaw ba naman ay madapa sa harap ng maraming tao at maraming tao din ang nageexpect sayo. Hindi ka ba mahihiya? Depende nalang kung makapal ang mukha mo.
"Ulitin niyo yung tugtog!"
"Oo nga ulitin niyo!"
"Tanga lang yan pero magaling sumayaw yan!"
Narinig kong sigawan ng mga schoolmates at classmates ko. Hindi ko alam kung matotouch ako dun sa huling sumigaw o maiinis eh. Maka-tanga wagas!
"Okay ulitin natin ang tugtog and give athena a second chance" sabi ng mc.
Sana all binibigyan ng second chance!!
Nagsimula ulit ang intro at para akong isang dance machine na sinabayan ang beat ng tugtog.
Hinataw ko ang katawan ko para kahit papaano ay bawas hiya! Sana yung sayaw ko yung maalala niyo wag yung pagkadapa ko kanina:)
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsayaw nang makita ko si Fran na lumapit kay alex, Magkakilala sila? Nakita ko pang hinila ni fran si alex papalayo.
Maghihilahan ba kayo kung hindi kayo magkakilala? Syempre dapat magkakilala kayo kapag maghihilahan kayo. Depende nalang kung baliw si fran para hilahin ng walang dahilan si alex.
Pinagpatuloy ko ang pagsasayaw at paghataw. Kahit anong isipin ko may kirot parin akong naramdaman sa dibdib ko. Binuhos ko nalang ang atensyon ko sa pagsayaw.
Nang matapos akong sumayaw ay nadinig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga taong naonood sakin kanina. Ako naman ay agad na dumiretso sa backstage.
Magpapahinga lang ako saglit bago ko puntahan si alex. May laban pa ako mamaya na dance battle. Pero basketball muna daw bago dance battle kaya makakausap ko pa si alex bago ako sumayaw ulit.
Pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga ay lumabas na ako ng backstage at hinanap si alex. Kaso inikot ko na ang buong campus nato pero wala padin akong nakitang kahit anino ni alex.
San nagpunta yon? Kanina lang ay nakita ko pa siya. Kaso nga lang ang huling kita ko sa kaya ay nung hinila siya ni fran palayo sa mga nanonood kanina.
Naupo muna ako sa bench malapit sa malaking puno dahil hiningal ako sa paghahanap. Nakakapagod palang maghanap lalo na kapag ayaw magpakita ng hinahanap mo.
Ilang minuto nalang at maglalaro na sila alex pero bakit wala padin siya? Luambas kaya siya ng campus? Imposible yon dahil mahigpit ang guards dito.
Kasama niya padin kaya si fran? Kaya siguro wala pa siya dahil kasama niya pa si fran. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dun sa unang kita mo palang? Maganda, Sexy, maputi, yun nga lang masama ugali!
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...