Chapter 17

602 38 3
                                    

Masakit para saking malaman na mismong yung taong nakasama ko sa lahat ng bagay. Yung sinasabihan ko ng mga problema ko.. Yung kinekwentuhan ko ng mga nangyayari sa araw araw na ganap sa buhay ko. Yun pa yung taong hindi ko inaasahang lolokohin ako.

Alam kong matagal na yon pero valid reason naman siguro yung nasaktan ako para magalit at madisappoint ako ng ganito.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masyadong masakit. Sa sobrang sakit parang ayoko nang mabuhay pa!

"Pakinngan mo muna ang sasabihin ko" nagmamakaawang sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Tinignan kong muli ang picture frame at lalong tumulo ang luha ko. Magkahalikan sila at madilim na. Flashlight ang nagsilbing ilaw para makita mo ang ginagawa nila.

"Athena" umiiyak na sambit niya "Pakinggan mo ako please" lumuhod pa siya sa harap ko.

Ibinalik ko ang frame sa side table niya at pinunasan ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi ko na kailangang pakinggan pa ang paliwanag mo" mapait ang ngiting sabi ko "Sapat na yung mga nakita ko nung araw na yun at etong picture na to para masabi kong niloko niyo ako" pagpapatuloy ko pa

"Pero hindi mo naiintindihan" mahinang sabi niya.

"Anong hindi ko maiintindihan e mas malinaw pa sa ihi mo yung nalaman ko" inis na sabi ko

"Paano mo maiintindihan kung inuuna mo yung galit mo sakin?!" galit na sigaw niya na ikinabigla ko "Hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sayo kung paanong nagyari ang ganon" dagdag pa niya "Kapag narinig mo ang paliwanag ko ay paniguradong hindi ka magagalit ng ganyan" mahinahong sabi niya pa.

Bumuga ako ng malakas na hangi atsaka tinignan siya sa mata "O sige papakinggan kita" kalmadong sabi ko.

"Yung mommy ni kenneth ay bestfriend ni mommy" panimula niya "Nagkaroon sila ng pangako sa isa't isa nung mga dalaga pa sila na kapag nagkaanak sila ng babae at lalaki ay ipapakasal nila" kwento niya pa "Yun ang kasunduang ginawa nila. And then we're here" turo niya pa sa sarili niya "Sabi nila ay kasal na pero hindi pa kami handa. Ginawa ni kenneth ang lahat para masktan ka at lumayo ka sakanya. Hindi niya ginusto ang lahat maniwala ka" umiiyak ulit na sambit niya "I know that was the stupid reason ever pero maniwala ka man sa hindi. Hindi namin ginusto to. Hindi ko gustong saktan ka"

Mahina akong natawa "Hindi mo gustong saktan ako kaya hindi mo sinabi sakin?" sabi ko na ikinatahimik niya "Nagawa niyo akong saktan at the same time nagawa niyo akong lokohin!" naiiyak na sabi ko "Ikaw yung sinasabihan ko ng mga problema ko at ikaw ang unang nakaalam ng samin ni kenneth! Pero ni minsan hindi mo nagawang sabihin sakin yan?!" galit na sigaw ko sakanya habang umiiyak pa "Simula pagkabata ikaw na ang itinuring kong kapatid kase alam mo naman kung ano ako sa pamilya namin! Parang anak sa labas ang turing nila sakin! Hindi ko inakalang ikaw! Ikaw na bestfriend ko! Ikaw na tinuring kong kapatid! Ang gagawa ng ganito sakin!" sigaw ko pa at agad na kinuha ang mga gamit ko para lumabas po bigla niya akong hinawakan sa braso ko.

"S-sorry" humihikbing sabi niya.

Padabog kong hinila ang braso ko sakanya atsaka nagderederetso ng labas. Agad akong dumiretso sa unit ko at inilapag lahat ng gamit ko sa lamesa at dali-daling lumabas ng bahay.

Hindi ko alam pero napakasakit sa pakiramdam na malaman yung katotohanan lalo na kapag hindi mo inaassahan! Masakit. Sobrang sakit.

Nang palabas ako ng building ay nakita ko si karylle na kababa lang ng taxi.

"Oh? Athena what happen?" nagaalalang tanong niya.

Lumapit siya sakin at inalalayan ako. Dinala niya ako sa gilid ng daan malapit lang sa building namin at naupo dun. Nang makaupo kami ay agad niya akong niyakap at tinapik tapik sa likod dahilan para lalo akong humagulgol.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon