Nang makabalik kami ng manila ay agad akong tinawagan ni daddy. Binigay ko sa kanya ang number ko nang hingin niya ito nung gabing nagusap kami.Sinabi niya sakin ang address na pupuntahan ko, ipapakilala niya daw sakin ang mga kapatid ko. Natutuwa ako at the same time ay kinakabahan. Mamimeet ko na sila.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Matutuwa ba sila o magagalit dahil matagal na akong nawalay sa kanila?
Nakasakay ako ngayon sa taxi papunta sa address na tinext sakin ni daddy. Gusto akong ihatid ni gino pero tumanggi agad ako. Baka magantay nanaman siya ng matagal.
Nang makarating ay agad akong lumapit sa gate nila. Sinalubong ako ng guard na nakabantay doon.
"Sino po sila?" tanong nung guard.
"Athena Santiago po" nakangiting sabi ko.
"Tuloy po" sabi ni kuyang guard at saka binuksan ang gate.
Habang naglalakad ako palapit sa bahay ni daddy ay hindi ko maiwasang mapanganga. Ang laki ng bahay nila at ang daming sasakyang nakaparada sa labas ng bahay. Merong garden at napakalinis nitong tignan.
Sinalubong ako ng isang nakauniporme pang katulong "Hello po mam! Ako po si unice" pakilala niya "Samahan ko daw po kayo papasok sabi ni sir anthony" masayang sabi niya kaya ngumiti ako.
Sinamahan niya ako papasok hanggang sa marating namin ang sala. Ang ganda ng loob ng bahay. White, gold, at black ang theme ng bahay na to. Di ko inaasahang maganda pala tignan ang tatlong kulay na yon kapag pinagsama sama.
Bumaba si daddy mula sa taas- alangan namang bumaba mula sa baba- nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Hintayin lang natin ang mga kapatid mo, maupo ka muna" nakangiting sabi niya kaya naupo agad ako.
Inutusan niya si unice na kumuha ng meryenda na agad naman nitong sinunod. Nagkwentuhan lang kami ni daddy hanggang sa may marinig kaming ingay ng taong naguusap at nagsisigawan.
"Sumbong kita kay shane! Tinignan mo yung pwet nung babae kanina" dinig kong sabi ng pamilyat na babae na paparating.
"Yung bag niya yung tinignan ko kaya manahimik kana diyan" dinig kong sagot naman nung lalaki.
"Mukha mo bag! Bakit yung bag niya ba nasa pwetan niya?" tanong nung babae.
"Hindi" sagot nung lalaki.
"Oh bakit doon ka sa pwet nakatingin? Alangan namang isalpak niya yung bag niya sa pwet niya. Sumbong kita mamaya ka lang" sabi nung babae.
"Lumapit nga kayong dalawa dito" biglang sabi ni daddy kaya mas binilisan nila ang paglalakad.
Halos mapako ako sa kinauupuan ko nang makilala kung sino ang lumapit samin. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw ang anumang parte ng katawan ko.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin. Bigla akong naestatwa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Good afternoon dad" bati nung babae kay daddy tsaka bumeso.
"Good afternoon da-" napatigil sa pagsasalita yung lalaki nang makita ako.
Kagaya ko ay nagulat din siya. Sino bang magaakala na makikita namin ang isa't isa ngayon? At dito pa mismo sa pamamahay ng tatay ko.
"Karylle" mahinang tawag ko sa babaeng bumeso kay daddy.
Nanlaki ang mga mata niya at tumingin kay daddy na nakangiti sa kanya.
"Hindi mo sinabi samin daddy!" nagtatampong sabi ni karylle "Kaya pala maaga mo kaming pinapauwi ngayon ah" sabi niya at saka tumabi sakin "Hi athena! I'm your sister karylle, and that's your mukhang manyakis na kuya, Mj" natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...