Naglalakad ako ngayon papasok sa eskwelahan. Kasabay ko kanina si jaydee pero nadaanan na namin ang school niya kaya kailangan na niyang pumasok. Tinext daw siya ng school na pwede na siyang pumasok today.
Naalala ko nanaman ang pinagusapan namin kaninang umaga at hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa!
Naalala niya nanaman kaninang umaga yung sinabi ni karylle na bubullyhin siya ni fran kaya nagdadadakdak nanaman kanina habang kumakain. Kesyo hindi naman daw siya kakayanin non dahil malaki daw ang katawan niya at nagwoworkout siya. Tawa lang ako ng tawa kanina habang nagsasalita siya.
Pero kahit anong tawa ang gawin ko ay hindi padin mawala sa utak ko yung sinabi ni janella kay karylle kagabi. 'Isususmbong kita kay daddy! pinagtatawanan mo pa ako ah'
Parehas lang ba sila ng daddy? Pero ang sabi ni karylle ay wala siyang kakilala dito kaya sumasama siya sakin. Pero kahit ganon. Bakit namomroblema ba ako?
Nang makarating sa school ay nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa flag pole. Lumapit ako don at humila ng isang estudyante. Pero mukhang swerte ako ngayong araw dahil kakilala ko ang nahila ko.
"Oh ikaw pala athena! Anong aten?" tanong ni rey sakin.
"Itatanong ko lang sana kung anong meron diyan" sagot ko sabay turo dun sa nagkukumpulang tao.
"Ahh. Andito kase ang mga taga A Campus dahil magkakaroon ng announcement ang mga admin" paliwanag niya.
"Eh bakit dito?" takang tanong ko.
"Bakit hindi? Eh parte din naman ng school nila ang school natin" sagot niya.
"Hindi. I mean bakit dito sa Campus natin eh diba kapag gumagawa ng event minsan sa S or A Campus ginaganap" sabi ko.
"Event yon athena. Announcement lang naman to atsaka isa pa napag gigitnaan ng school nila ang school natin kaya para patas dito nalang ginaganap ang mga announcements" nakangiting paliwanag niya. "Bakit parang ayaw mong nandito sila?" nangaasar na tanong niya.
Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang may biglang humila sakin sa punong malapit sa gate ng school. Hindi ko makita yung mukha ng humila sakin dahil masyadong mabilis ang naging paghila niya sakin.
"Pwede ba tayong magusap" sabi nung humila sakin na naging dahilan para makilala ko kung sino siya.
"Ano bang kailangan nating pagusapan?" walang ganang tanong ko sakanya.
"Bakit hindi mo na ako kinakausap? Bakit parang iniiwasan mo ako? Bakit hindi ka na sumasabay sakin sa pagkain?" desperadong tanong ni alex.
"Kailangan pala everyday ganon yung gawin ko noh?" sarkastikong tanong ko sa sarili ko.
"Pwede ba tayong magkaayos?" malungkot na tanong niya.
Umakto akong parang nagulat "Bakit nasira ba tayo?" gulat na tanong ko sakanya.
"Pwede bang umayos ka naman" parangnaasar ma sabi niya.
Tumawa ako ng sarkastiko "Bakit sira ba ako?" tanong ko.
Napabuntong hininga siya at sumeryso "Athena tatay mo si..." hindi ko na narinig ang mga sinabi niya dahil biglang nagsigawan ang mga estudyante na sobrang lakas.
Doon ko lang napansin na may dumating na babaeng parang elegante na naka pencil skirt na mukhang bagong principal namin.
Humarap ulit ako kay alex dahil hindi ko narinig ang nga sinabi niya. Tanging 'tatay mo' lang ang narinig ko sa sinabi niya bago magkaroon ng malakas na ingay.
"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sakanya "Ahh tatay ko? Matagal ng patay ang tatay ko" nakangiting sabi ko sakanya.
Teka! Bakit ambilis naman magbago ng reaksyon ko! Kanina lang eh halos ang buong katawan ko ay punong puno ng pagiging sarkastiko tapos ngayon naman ay nakangiti na ako at walang halong kaplastikan yon.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...