Lima nalang sila ngayon kaya pinatulog ko na ulit sila. Tinanong ko si janice kung sino ang papatayin niya at tinuro naman niya si cyril agad kong tinanong si paula kung sinong bunuhayin niya at tinuro niya ulit ang sarili niya. Natawa ako kay paula dahil wala siyang kwentang doctor HAHAHAAgad namatay si cyril at apat nalang silang natitira ngayon nakita kong biglang sumeryoso si paula kaya tumaas ang kilay ko.
"Okay seryoso na tayo" sabi niya kaya napangiti ako. "Ilan ang citizen satin?" tanong niya at agad naman nagtaas ng kamay yung tatlo "Ilan ang may role sa inyo?" tanong niya at tinaas naman ni carl ang kamay niya "Anong role mo?" tanong niya.
"Couple" sagot ni carl kay paula.
Tumango tango siya "Ibig sabihin may isa pang natitirang mafia dito" sabi niya kaya mas lumawak ang ngiti ko "Pinatay ka na ng mafia carl pero namatay ang couple mo dahil namatay siya para sayo" sabi niya kaya napatango tango ako. "Kung ganon ikaw ang mafia" sabi niya sabay turo kay janice.
"Bakit ako?" tanong niya.
"Dalawa nalang kayong citizen at kung iisipin mo ang deduction ni gina kanina ay mas may posibilidad na ikaw ang mafia" sabi niya kaya unti unti akong napangisi.
"Baka ikaw ang mafia dahil iniipit mo ako, baka dalawa kayo ni gina ang mafia" sabi niya at umiling naman si paula.
"Ako ang doctor at sinasabi ko sayong kahit patayin ako ng mafia mamayang gabi ay mabubuhay ko ang sarili ko, kung ayaw niyong maniwala na si janice ang mafia edi bahala kayo" sabi niya kaya napatango tango ako.
Nakakatuwa na nagagamit nila sa tama ang utak nila. Nakakapgdeduct sila kahit nasa lamesa lang sila at magkakaharap. Sa larong to hindi pwedeng maglalaro ka lang. Kailangan mo ding gumamit ng utak para mahuli ang mafia.
"Ngayon sino ang papatayin niyo?" tanong ko at agad nilang tinuro si janice. Agad akong lumapit kay janice "Patay kana" sabi ko at pumalakpak naman siya "Panalo ang citizen kaya ang project niyo ay srapbook tungkol sa Mycenaean" sabi ko at dinismiss na sila.
History Teacher, Athena Brielle Santiago. Thank you!
Lumabas na ako ng classroom dahil may kikitain ako ngayon, si ally, fran, at jaydee. Dahil yun ang usapan namin ni ally kanina.
"Sayang ma'am hindi ka namin naging teacher" sabi ni bianca nang mapadaan ako sa classroom nila- cleaners siguro- "Ang saya mo palang maging teacher ma'am" sabi niya kaya ngumuti ako at humarap sa kanya.
"Mas masaya kapag nalaman mong nambabagsak ako ng estudyante" sabi ko at umalis na.
Ang mga estudyanteng to! Nakikita lang ako bilang isang kaedad nila. Dapat na ba akong maging strikto? Hayss. Ayoko ng boring na klase dahil ilang taon kong naranasan yon.
Dumiretso muna ako ng faculty room para iwan ang iba kong papeles na dala. Matapos kong iayos sa drawer ko yon ay agad ko nang kinuha ang bag ko at dumiretso sa kotse ko.
Sa coffee shop daw kami magkikita, siguro aabutin ng sampung minuto bago ako makarating sa coffee shop kung nasan sila. Wala namang traffic kaya mabilis lang akong makakarating don.
Nang makarating sa cofee shop ay agad ko silang nakita dahil malapit sila sa pintuan. Agad akong lumapit sa kanila at bumeso. Pero napahinto ako dahil andito si hans at carl.
"Hi athena!" masayang bati ni hans pero hindi ko yon pinansin at naupo nalang sa upuan na katabi ni ally. "Snobber" dinig kong bulong niya.
"Ang tagal mo naman" sabi ni fran.
"Paniguradong nakipaglaro nanaman to sa mga estudyante niya" sabi ni ally kaya napairap ako.
"Mahirap ang boring na klase tsaka isa pa, sinisingit ko lang naman yung larong yon" nakangusong sabi ko
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...