Kumatok ako sa pinto nila ally. Naisipan kong ngayon siya kausapin dahil namimiss ko na ang bestfriend ko.Bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng kasama ni ally sa unit. Ngumiti ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko padin alam ang pangalan niya. Or hindi ko lang maalala.
"Andyan ba si ally?" tanong ko at agad naman siyang umiling.
"Nagpapagaling pa siya at nandoon siya sa bahay ng mama niya" sabi niya kaya napatango tango ako.
"Sige salamat" sabi ko pero bago ako umalis ay mas lumapit ako sa kanya "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko at ngumiti naman siya.
"Sherlie" sagot niya
"Sige salamat, sherlie" sabi ko at umalis na.
Hindi ko makakausap si ally at kung makakausap ko man siya ay kapag umuwi na ako ng bulacan next week. Next week ko pa siya makakausap.
Bumalik nalang ako sa unit namin dahil wala naman akong gagawin sa labas. Buksan ko na sana ang pinto namin nang mapansin si janella sa di kalayuan.
Lumapit ako sa kanya at gulat naman siyang napatingin sakin "Kamusta?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
Ngumiti naman siya "Okay naman" nakangiting sagot niya "Ikaw kamusta?" tanong naman niya.
"Okay lang" sagot ko at saka tumawa "Bakit parang ang awkward nating dalawa samantalang dati kung magasaran tayo.." natatawang sabi ko kaya tumawa din siya.
"Kamusta yung paguusap niyo ni..tito anthony?" parang nagdadalawang isip pa siya kung dapat niya pa yong itanong sakin.
Natawa naman ako "Okay naman, nakilala ko na ang tatay ko na inakala kong patay" natatawang sabi ko sa kanya "Pwede ba kitang tanungin?" tanong ko sa kanya at naupo sa hagdan ganon din siya at tumabi sakin.
"Ano yon?" nakangiting tanong niya
"Totoong tatay mo ba si daddy?" tanong ko at umiling naman siya "Paano mo natanggap na may iba kang tatay? I mean hindi ka ba nagalit sa mama mo na pinalitan niya ang tatay mo?" kunot noong pagtatanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin "Nagalit ako nung una syempre pero habang nakikita ko yung mama ko na masaya sa tatay mo ay tinanggap ko, hindi ko lang alam na may asawa pa pala si tito anthony" malungkot na kwento niya
"May iba na ding pamilya ang mama ko" malungkot na sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Nalulungkot man ako sa isiping hindi na mabubuo ang pamilya namin, kailangan kong tanggapin ang kasiyahan ng mga magulang ko" sabi ko pa.
"Tama!" biglang sigaw niya "Maging masaya nalang tayo para sa magulang natin" natatawang sabi niya kaya natawa din ako.
"Well yun lang naman ang maisusukli natin sa mga magulang natin. Ang kasiyahan nila" natatawang sabi ko "Tumanda sila na puro pagaalaga lang ang ginagawa satin. Ngayon may edad na tayo ay kailangan naman natin silang intindihin at unawain minsan" nakangiting dagdag ko pa.
Matapos naming magusap ni janella ay bumalik na ako sa unit ko. Pagpasok ko ng unit ay nakita ko si jaydee na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.
"Tumawag si gino, susunduin ka daw niya after lunch" biglang sabi niya kaya napangiti ako.
"Jaydee, gusto mong sumama?" tanong ko at naupo sa tabi niya.
"Saan?" nanlalaki ang matang tanong niya
"Mag-aamusement park kami ni gino" sabi ko na ikinawala ng excitement niya.
"Gagawin mo pa akong third wheel" sabi niya kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...