Chapter 24

601 34 1
                                    

Magasawa ba sila? Pero bakit ganon nalang ang sigawan nila kanina? Natural naman sa magasawa na nagaaway diba?

Pabalik ako ngayon sa guest room para kuhanin ang wallet ni gino sa bag ko. Ngayon ko lang naalala na nasakin nga pala yon! Si jaydee kasi eh dumating.

Pero malalaman niya kayang kinuha ko yung isang picture niya? Ang cute niya kasi don eh! Hindi yon tulad ng iniisip niyo! Sadyang gusto ko lang yung itsura niya don hehe!

Nang makuha ko na ang wallet ni gino ay lumabas ulit ako at sakto naman padaan na si gino sa hallway malapit sa guest room kaya agad ko siyang tinawag.

"Okay kana pala" sabi niya "May kailangan ka pa ba? Hindi ka pa makakauwi ngayon kase malakas padin ang ulan sa labas" dagdag pa niya.

"Ahh ok" nasabi ko nalang sabay abot ng wallet niya "Naiwan mo yan sa unit ko kaso hindi ko agad nabalik dahil may dumating akong kaibigan kaya nakalimutan ko na" paliwanag ko pa nang makita ang mukha niyang nagtatanong ng 'Bakit nasayo to'

"Wala namang mawawala dito" nakangiting sabi niya at tinignan ang loob ng wallet niya "Puro picture lang namin ng kapatid ko at picture k-" nakapahinto siya sa pagsasalita nang makitang wala ang picture niya don "ko" huling samibit niya.

"Wala akong pinakialaman diyan promise" depensa ko.

"Hayaan mo na madami pa naman akong ganung picture sa kabila kong wallet" sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi ko din alam kung bakit kinuha ko yung picture niya. Umiral siguro yung kademonyohan ng kamay ko...Gumalaw! Char.

"Bumaba ka nalang dun sa sala andun naman si shane" sabi niya.

"Shane?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Si shane nakababatang kapatid ko" paliwanag niya "Aalis ako dahil may kukunin muna ako kila jam" sabi niya at umalis na.

Bastos talaga siya sis! Bigla biglang umaalis!

So magkapatid sila? Mali ang hinala kong magasawa sila? Sabagay medyo magkamukha sila pero mababakas mo ang pagiging maldita sa mukha ni shane.

Bumaba ako ng hagdan nila at nakita ko nga si shane na nanonood ng kung ano kaya agad akong lumapit don na akala mo close ko na agad siya.

"Girlfriend ka ba ni kuya?" biglang tanong ni shane na ikinabigla ko!

"H-ha?" gulat na tanong ko.

"Tinatanong ko kung girlfriend kaba ni kuya?" ulit niya sa tanong niya.

"Hindi ah!" mabilis na deny ko.

"Eh bakit nandito ka at suot mo pa ang hoodie niya?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"A-ahh kase saktong si Gino ang nandon sa school kanina nung biglang bumuhos ang ulan" paliwanag ko "Classmate ko siya" sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Boy school? Tapos may babae? Niloloko moko!" sabi niya na parang sigurado na siya sa sagot niya.

"Mahabang paliwanag yon eh" sabi ko at bigla siyang sumeryoso.

"Kung sakali mang magkagusto siya sayo o kaya ligawan ka niya ay sana wag mo siyang sasaktan" sabi niya.

"Impossibleng mangyari yon!" pekeng tawa ang lumabas sa bibig ko.

"Naunahan ko pa nga magsyota yun eh" sabi niya "Alam mo ba" sabi niya kaya nakinig naman ako "Natatakot sakin yan kase alam niyang alam ko ang nakaraan niya" seryosong sabi niya "Hindi ko alam kung bakit wala siyang tiwala sakin. Pilit niya akong pinapauwi ng states para hindi masira ang pagkatao niya na akala niya naman ay sisirain ko" parang maiiyak na sabi niya "Naaasar ako! Kasi simula pagkabata hinangad kong maging close kami tulad ng ibang magkakapatid pero hindi! Mas pinili niyang pauwiin ako sa states para hindi ko masira ang pagkatao niya!" naiiyak na sabi niya kaya hinagod ko ang likod niya "Ano bang mali sa nakabuntis at hindi mo pinanagutan kase hindi mo sigurado kung anak mo!"

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon