Chapter 34

487 29 2
                                    


Nagising ako dahil naramdaman kong may malamig na bagay ang dumadampi sa mukha at braso ko.

Pagdilat ko ay nakita ko si gino na pinupunasan ang mukha ko ng bimpo na nilulublob niya sa malamig na tubig na nasa maliit na planggana.

Nilibot ko ang mata ko at doon ko napansing hindi pamilyar ang lugar na to sakin. Para kaming nasa isang kubo dahil puro kawayan ang nakikita kong pader ng kinaroroonan namin.

Naririnig ko din ang malakas na buhos ng ulan mula sa labas.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" biglang tanong ni gino kaya agad akong napaharap sa kanya.

"Okay na" sagot ko at saka naupo "Nasan tayo?" tanong ko sa kanya.

"Kubo" sagot niya "Eto lang ang nakita kong malapit na masisilungan" sabi niya.

"Ano bang nangyari?" kunot noong tanong ko.

Agad niya akong hinarap nang nakakunot ang noo "Nasa gitna ka ng mga puno habang naliligo sa malakas na ulan, nang makita kita ay agad kang hinimatay" kunot noong kwento niya.

Agad kong naalala ang nangyari. Iniwan ako nila fran. Sisikmuraan ko ang babaeng yon kapag nakabalik ako don.

"Oh kainin mo to para makainom ka ng gamot" inabot sakin ni gino ang naka styro na pagkain na kinain ko agad, nagugutom ako eh "Inumin mo na to" sabi niya at inabot sakin ang gamot.

Agad kong ininom yung gamot na yon tsaka uminom ng tubig na hawak ni gino. Sandali kaming natahimik matapos kong uminom ng gamot.

"Paano ka nakarating don?" tanong ni gino

"Sinama ako nila fran" parang batang sumbong ko.

Agad sumama ang tingin niya sa harap "Bakit ka sumama sa kanila?" parang inis na tanong niya.

"Eh nagsorry naman na siya tsaka naghahanap din sila ng kagrupo kanina" paliwanag ko.

Bumuntong hininga nalang siya at sumilip sa bintana. Matapos similip ay umupo siya sa gilid ng hinihigan ko tsaka nagsalita.

"Kilala mo ba ang tatay mo?" biglang tanong niya.

Agad akong tumingin sa kanya "Oo kilala ko siya" sagot ko na ikinagulat niya.

"Bakit hindi mo siya kausapin?" tanong niya kaya agad nangunot ang noo ko.

"Hindi pa kasi ako nakakadalaw sa puntod niya, isa pa hindi ko alam kung saan siya nakalibing" sabi ko at tumingin sa mga kamay ko.

"Buhay ang tatay mo!" sabi niya kaya awtomatikong bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Paano mo nalaman? Kilala mo ba ang tatay ko?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Si Sir Anthony Santiago" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Ang may ari ng school namin?! Parang hindi naman kapanipaniwala yun, mas maniniwala pa ako sa sinabi ni mama na patay na ang tatay ko.

Peke akong tumawa "Sinong maniniwala sa sinasabi mo?" kunyari natatawang sabi ko.

"Bakit hindi mo kausapin ang tatay mo?" tanong niya ulit.

Kahit papaano ay gusto kong makilala ang taong sinasabi niya. Ni minsan ay hindi ko pa nakita ang may ari ng school namin dahil lagi siyang busy.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap o makita siya, wala akong ideya sa kung anong itsura niya. Kung nakita ko siya ay masasabi kong mapagkukumpara ko ang mukha nila ng tatay ko.

"Athena" tawag sakin ni gino "Andyan ang tatay mo sa labas, gusto mo bang kausapin?" tanong niya na ikinatulala ko.

Gusto ko ba siyang harapin? Kaya ko bang makita siya? Ang sabi ng nanay ko ay patay na ang tatay ko. Kakayanin ko bang makipagusap sa kanya gayong ang alam ko ay patay na siya?

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon