"Sumunod ka na. Dahil pagkatapos ng laban namin ikaw naman ang may laban" sabi sakin ni gino."Ahh yung dance battle" bulong na sabi ko.
"Hindi! Pagkatapos naming maglaro ikaw naman yung gagawin naming bola!" inis na sabi niya at tumalikod na.
Tch! Attitude! Mas maattitude pa sakin. Red day niya siguro ngayon kaya ganon ang ugali niya. Sumunod nalang din ako sa kanya dahil baka maluha nanaman ako kapag magisa ako.
Walang hiyang jam kase to! Bigla akong niyakap ayan tuloy tumulo yung luha ko! Kung ano ano pa pinagsasabi! Hindi naman talaga ako iiyak dapat eh!
Bigla kasing tumama yung daliri ko dun sa kahoy sa tabi ng puno dahil sa biglaang pagyakap ni jam. Ayan tuloy! Napahagulgol ako.
Nang makarating sa gym ay madami nang tao. Halos wala na akong makitang pwede kong upuan. Halos nagsisiksikan na nga ang ibang estudyante makanood lang.
"Dito! Athena!"
Napaharap ako sa likuran ko nang biglang may sumigaw at tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam na ganon na pala ako kasikat sa campus namin.
Pagharap ko dun sa tumawag sakin ay napamilyara ko ang mukha niya. Ahh si...Ano nga ulit pangalan niya? Nakalimutan ko na! Ang dami ko na kasing nakasalamuhang estudyante sa campus namin eh.
Lumapit ako dun sa pwesto niya at nakita kong may bakanteng upuan pa nga. Naupo nalang ako dahil mukhang wala naman akong choice dahil wala na akong makitang bakanteng upuan sa paligid.
"Hi athena! Natatandaan mo pa ako?" nakangiting tanong sakin ng katabi ko.
Naalala ko siya pero hindi ko maalala yung pangalan niya. Naningkit ang mata ko at inalala kung anong pangalan niya. Diba siya yung may kaaway nung nakaraan.
"Wag kang magalala may girlfriend na ako" sabi niya "Mukha kaseng nagdududa ka kung bakit ko tinanong" nakangiting sabi niya.
Nagdududa? Hindi naman ah! Masyado namamg assuming ang isang to! Iniisip ko lang yung pangalan niya! Ayun naalala ko na!
"Rey! Taga Section B-2" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Akala ko hindi mo na ako natatandaan eh!" nakangiting sabi niya
Natahimik kaming dalawa nang magsimula na ang laro. Nagsilabas na ang mga players na maglalaban. Ang kalaban namin ay A Campus. Malamang wala naman kaming kakalabanin sa S Campus. Pwede pero sa girls division.
Napatayo ako nang makita ang isang tao hindi ko inaakala na hanggang dito ay magkikita kami! Bakit nandito si kenneth? Taga B Campus ba siya? Ganun na ba talaga kalaki ang campus namin para hindi ko siya makita? O baka naman taga A Campus siya? Hindi naman pwedeng maging taga S Campus siya. Depende nalang kung babae talag siya na nagpanggap lang na lalaki.
Nakumpirma ko lang ang nasa isip ko nang makita ang jersey niya. Kalaban siya! Kalaban! Ang mga kalaban ay dapat tinutumba. Ano pang ginagawa ng isang yan diyan? Bakit nakatayo pa? Patumbahin na yan!
Nagsimula na ang laro at sa unang quarter pa lang ay pinakain na ng B Campus ng alikabok ang mga taga A Campus.
2nd quarter na at ganon padin ang laro. Tambak na ang mga taga A Campus pero napansin kong hindi naglalaro si kenneth. Bakit kaya hindi nila pinapasok si kenneth?
"Alam ko yung nasa isip mo"
Napaharap ako kay rey ng bigla siyang magsalita. Nakakatakot naman to! Bigla nalang nagsasalita.
"Siguro nagtataka ka kung bakit hindi naglalaro si kenneth" sabi niya "Siguro aware ka naman na may away na naganap sa pagitan nila gino at kenneth" biglang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...