Chapter 31

560 32 7
                                    


"Oh inumin mo muna to" biglang sulpot ni gino sa tabi ko

Binuksan niya ang tubig at inabot sakin. Nandito kami sa tapat ng isang convinience store dahil hindi ko pa kayang umuwi. Mema arte lang ganon

Sinabi ko kay gino na iwanan niya na ako pero ayaw niya. Pinilit niyang sumama sakin dito! Ewan ko ba kung bakit nabubwisit ako dito kahit sinabi ko kaninang may makakasama ako dahil nandiyan siya. Moody yarn?

Kinuha ko ang tubig na inaabot niya at ininom yon. Parang nabunutan ako ng maliit na tinik sa dibdib ko dahil sa ginawa ko. Alam kong mali pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Sasama ka ba bukas?" tanong ni gino at umupo sa tabi ko.

Tinitigan ko siya at napaisip. Paano kung hindi ako sasama? Anong gagawin ko dito? Wala si karylle at jaydee dahil sasama sila. Kung kay ally naman ay baka magtalo kami ng magtalo ni tita tsaka isa pa hindi pa kami ayos ni ally noh!

Wala akong ibang choice kung hindi ang sumama.

"May choice ba ako?" sarkastikong sabi ko sakanya

Nilapag niya ang bote ng tubig na hawak niya sa lamesa at humarap sakin "May problema ka ba sakin? Kanina ka pa ah!" inis na sabi niya.

Tinignan ko siya at inirapan "Alam mo para ka talagang babae! Nakakarindi yung boses mo!" inis na sabi ko sakanya.

"Bakit kase ganyan yung ugali mo?" tanong niya pero hindi ko na yun pinansin. Nabubwisit talaga ako sa taong toh!

Tumayo na ako at lalakad na palayo nang biglang maramdaman kong may pumulupot sa bewang ko. Nang tignan ko yun ay nakita ko ang kulay itim na jacket ni gino na nakatali sa bewang ko. Agad ko siyang nilingon at nakangiti naman siya sakin.

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong "May pads diyan sa bulsa ng jacket ko tapos yung cr ay nandon sa likod ng convinience store. Magpalit kana babantayan kita" bulong niya at umatras ng konti para makakilos ako.

Yon ang naging sagot sa mga kilos ko! Kung bakit ang bilis magbago ng mood ko. Sinunod ko ang sinabi ni gino. Lumakad ako papunta sa likod ng convinience store at nakita ko ang isang puting pintong nakasara.

Pumasok ako don at nakita kong walang lock yung doorknob. Malinis naman ang c.r na yon pero walang lock! Tinignan ko si gino na nakasandal sa may puno malapit sa cr na nakatingin sakin atsaka tinuro ang doorknob

"Kaya nga babantayan kita eh" sabi niya

Sinarado ko nalang ang pinto dahil nararamdaman kong naglalagkit na ako. Gusto kong magpasalamat kay gino dahil sa ginawa niya. Kung uuwi akong may tagos paniguradong mapapahiya ako.

Nang matapos ay lumabas na ako at nakita ko si gino na may kinakausap na bata. Sino naman kaya to?

"Sabi nila may pakalat kalat daw na multo dito kaya dapat hindi ka gumagala magisa" dinig kong pananakot ni gino sa bata.

"Sabi ng papa ko hindi naman daw totoo yon eh" sagot naman nung batang babae

"Totoo yon kase ako nagsabi eh" sabi pa ni gino.

"Bakit sino ka ba?" mataray na tanong nung bata. Gusto kong matawa nang biglang nanlaki yung mga mata ni gino.

"Ako?" nakataas ang kilay na tanong niya at tumingala pa na akala mo'y nagiisip "Ako ang isa sa mga multo" sabi niya at parang natawa naman siya sa sarili niyang sinabi kaya napangiti siya.

"Ang korni niyo po" sabi nung bata kaya natawa naman siya "Ang tanda tanda niyo na naniniwala pa po kayo sa ganyan" gusto ko ulit tumawa dahil sa kabibohan ng batang to nagagawa niyang barahin si gino HAHAHA "Gusto ko lang naman po mag-cr pero tinatakot niyo na ako" nakangusong sabi ng bata. Ang cute

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon