Nasa canteen kami ni gino dahil alam ko namang hindi ako tatantanan nitong epal na to. Canteen lang! Aba ang tigas naman ng mukha niya kung magdedemand pa siya na kakain kami sa labas!
"Nakwento sakin ni Jam na umiyak ka nung makita mong naghahalikan si fran at alex" sabi niya "Nalaman ko din na hindi mo na siya pinapansin matapos non?" Patanong na sabi niya pa "Childish" dinig kong bulong niya kaya inirapan ko nalang siya.
"Ano bang pakielam mo?" kunyari inis na tanong ko.
"Gusto mo siya noh?" diretsong tanong niya na ikinalaki ng mata ko! Ang lakas pa kase ng pagkakasabi niya non kaya napatingin ako sa paligid at mabuti nalang dahil busy sa pagkekwentuhan ang ibang malapit sa lamesa namin.
Nilakihan ko siya ng mata "Baka gusto mo bigyan kita ng mic?" nanlalaking tanong ko pa "Nakakahiya naman sayo baka nahihinaan ka pa sa bunganga mong lalaki ka!" pabulong na sigaw ko "Kalalaking tao ang lakas lakas ng boses" pahabol na bulong ko pa.
Wala na kaming ibang ginawa dito sa canteen mula kanina kung hindi ang magbangayan lang! Aasarin niya ko tapos aasarin ko din siya. Magiging seryoso siya syempre magiging seryoso din ako! Mambubwiset siya syempre di ko siya uurungan! Lintek na lalaking to! Walang ibang ginawa kung hindi manira ng araw.
"Gusto mo dun tayo sa bench sa gilid ng school para wala masyadong tao?" seryosong tanong niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata "Nakikita kong may binabalak kang masama" nanlalaki ang mga matang sabi ko sakanya habang dinuduro siya sa mukha.
"Tch! Kung gagawa man ako ng masama ay hindi ikaw! Minsan pwede ding maging choosy pagdating sa itsura" nandidiring sabi niya
Napanganga ako dahil sa lakas ng loob ng taong to! "Aba! Athena Brielle Santiago na ata yung gagawan mo ng masama" pagmamalaki ko.
Tinaasan niya ako ng kilay "Gusto mong gawan kita ng masama?" nakangising tanong niya.
Nanlaki ang mata ko at hinapas siya "Ang kapal ng peys mo! Tara na!" sabi ko at tumayo na papunta sa sinasabi niyang bench sa gilid ng school.
Medyo tago ang bench na yon kaya wala masyadong tao ang makakakita sayo. Minsan nga gusto kong libutin ang buong school dahil mula nang magaral ako dito ay di ko pa alam kung ano pang meron dito. Tanging classroom at canteen lang ang alam ko. Hindi ko nga alam na may refillan pala ng tubig dito. Kung hindi sinabi sakin ni hans ay hindi ko pa malalaman.
Nang marating ko ang bench ay padabog akong umupo. Mema arte lang ganon. Kasunod ko ay si gino na tumabi na din sakin.
"Alam mo bang hindi ka makakapasok sa rooftop?" biglang tanong niya nang makaupo siya.
Taka akong napatingin sakanya "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko.
Nginitian niya ako "Isang beses ay may
tumalon mula roon upang tapusin na ang buhay niya. Kagaya mo ay bagong estudyante siya at nagiisang babae sa campus namin dati" kwento niya "Parating may nakabantay sa pinto papasok ng rooftop kaya hindi kana makakatapak doon. Kahit ano pa ang idahilan mo ay hindi ka papasukin doon" dagdag pa niya."Eh panong hindi magpapakamatay yon kung pinaglalaruan niyo yung feelings?" nakataas ang kilay na tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya "Pinaglalaruan ang feelings?" tanong niya na tinanguan ko "Paano mo naman nasabing pinaglalaruan ang feelings?" tanong niya ulit.
"Sabi sakin nila carl na bawat babaeng estudyante na pumapasok sa school na to ay nagugustuhan niyo. Kaya hindi na kayo pumapayag na may nagaaral na babae dito ay dahil nafafall kayo sakanila" sagot ko sakanya.
"Huh? Sinabi ni carl yon?" gulat na tanong niya "Hindi totoo yon promise!" sabi niya at nagcross my heart pa! "Kaya hindi na nagpapasok ng babae dito ay dahil kami nga ang nagiging dahilan. Ginagamit nilang threat ang pagpapakamatay para lang mapansin sila ng mga lalaki dito. Hindi ko alam kung gaano sila kadesperada" mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Our Campus
Teen FictionAno nga ba ang kadalasang nagiging reaksyon ng mga tao ngayon kapag nalaman nilang nagiisa lang silang babae sa buong campus na inenrollan niya? Wala lang ba para sa kanila yon o gagawa sila ng paraan para umalis sa campus na yon? Paano kung malama...