Chapter 45

493 25 0
                                    


"Joke lang pala yung sinabi ko mam" biglang sabi ni jannah "Hindi mo naman kasi sinabi na si tito pala yung nanloko sayo sana pala sinapak ko na to" natatawang sabi niya.

"Pwede ba tayong magusap?" seryosong tanong ko kay gino.

Agad naman siyang tumango at tumingin kay jannah na sumenya na lalabas muna ng room at kakain sa canteen.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" diretsong tanong ko "Sana ay ongoing pa ang relationship natin" natatawang sabi ko.

"Gusto kong magexplain pero hindi mo ako pinakinggan" sabi niya "Hindi kita sinisisi pero kung pinakinggan mo ako, sana ay may ideya ka" dagdag niya pa.

Sa nagiging usapan namin ngayon ay masasabi kong magiging mabilis ang pagpapatawad ko. Mabilis magiging maayos ang relasyon namin ngayon ni gino. Pero hindi ngayon!

Pero kahit ganun ay hindi ganon kabilis babalik ang tiwala ko. Kung babalik man ang tiwala ko sa kanya ay hindi na katulad ng dating tiwala na ibibigay ko sa kanya.

Ang tiwala ay matagal makuha pero ang bilis mawala kaya dapat iniingatan yan. Kung sakali mang babalik ang tiwala, kagaya ng sinabi ko ay hindi na katulad ng dati.

"Sorry kung hindi kita napakinggan noon. Sorry kung pinangunahan kita" sabi ko "Kung inaasahan mong magiiyakan tayo ngayon pero pasensya at ayoko na ng drama" sabi ko kaya natawa siya.

"Alam ko namang hindi ka madramang tao" natatawang sabi niya "Pero pwede bang manligaw ulit?" tanong niya na nakapagpalaki ng mata ko.

"Ang bilis ah!" sabi ko "Hoy! Mahiya ka sa kapatid mo, kailangan ka niya kaya sumunod kana sa kanya" sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Baliw ka na ba? Bat mo ako pinapasunod kay shane?" nanlalaki ang matang tanong niya "Mahal ko ang kapatid ko pero mas mahal kita" biglang sabi niya kaya agad akong nabuntong hininga.

Smooth.

"Bumalik kana sa inyo dahil hindi ko kailangan ng panliligaw mo, marami pa akong gagawin kaya ayoko ng magulo" sabi ko at tinalikuran na siya.

Mabilis akong pumunta ng faculty room at doon huminga ng malalim. Ano yon? Bakit naging ganon? Bakit parang ang bilis? Bakit parang napakadali? Sa siyam na taon na paglimot ko ay hindi pwedeng ganun lang kadali nang makita ko siya?

Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na yon pero ang alam ko lang ay nakauwi ako ng maayos sa bahay na walang iniisip na problema.

Lumipas ang araw na patuloy ang pagsulpot ni gino sa harap ko. Nailibing na din si shane kaya may dahilan nanaman para magkita kami. Ngayon ay sabado at kailangan kong mag empake dahil uuwi kami sa bulacan dahil bibisita daw sila lola.

Dalawang linggo ang leave na finile ko sa admin's office na agad namang naaprubahan. Sinabi ko na din kay daddy na uuwi ako ng bulacan dahil dadalaw sila lola.

Kasama ko yung tatlo sa paguwi ko kaya hindi naman ako nabored dahil hindi rin natigil ang mga bunganga nila kakakwento at tanong.

"Ano nga palang balita sa inyo ni gino?" biglang tanong ni jaydee sakin na ikinakunot ng noo ko.

"Anong balita?" takang tanong ko.

Agad namang tumaas ang dalawa niyang kilay "Kinweto sakin ni alex na balik kilig ka daw" natatawang sabi niya kaya napangiwi ako.

"Balik kilig?!" gulat na tanong ko "Kelan ako kinilig?" tanong ko pa.

"Sabi ni alex nagpunta daw si gino sa school niyo nung nakaraan" takang sabi niya.

Agad akong napapikit ng mariin. Anong nakakakilig don?! Paano nila nasabing kinilig ako non? Anak ng...

Tumahimik lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Kahit malapit lang ang bahay nila ally samin ay sa bahay parin siya dumiretso dala ang gamit niya.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon