• The Author •
Kinabukasan ay maagang nagpaalam ang prinsipe sa reyna upang tumuklas ng mga bagay na maaring makatulong sakaniyang kaharian. Nais din sanang sumama ng reyna ngunit hindi ito makakasama dahil marami pa siyang dapat asikasuhin bilang isang reyna. Agad namang nakarating sa kapitolyo ang grupo ng prinsipe at kapansin pansin ang magarbo nitong karwahe. Kung kaya't naisip ng mga tao na ito na nga ata ang prinsipe mula sa asul na kaharian na nakatakdang bumisita sakanilang lugar.
"It's not that bad like what Vivienne said." Wika ni Xavier habang inaalala ang sinabi ng kapwa niya maharlika na si Vivienne. Matagal na niyang alam ang inggit na meron ito mula kay Lucifiene kung kaya't hindi niya hinahayaan ang ganitong pag-uugali ng prinsesa. Lalong tumindi ang inggit nito nang malaman niyang si Lucifiene na ang nakaupo sa trono at ang kaniyang kaharian ang nangunguna sa lahat, sa kahit na anong industriya.
"Indeed, my prince. But we should not let our guard down. We all know about that strange power the Queen possess andㅡ" Pinutol na ni Xavier ang sasabihin nito dahil hindi na niya nagugustuhan kung saan patungo ang kanilang usapan ng kaniyang mayordomo.
"The Queen is powerful thus she has every right to rule over this kingdom." Wala nang nagawa ang kabilang panig at sumang-ayon na lamang sa prinsipe bilang pagbibigay respeto.
"Andito na po tayo, mahal na prinsipe." Sambit nito ng marating na nila ang kanilang destinasyon. Pinagbuksan niya ng pinto si Xavier at agad naman nilibot ng prinsipe ang kaniyang paningin sa lugar. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay natuon ang kaniyang mga mata sa isang flowershop.
May nakita siya doong isang magandang babae na may luntiang buhok. Nag-aayos ng mga bulaklak ang dalaga habang ito'y mahinang kumakanta. Ngunit sapat para marinig ng prinsipe kung gaano kaganda ang tinataglay nitong boses. Mahaba ang buhok nito na nakatali at kutis porselana. Para siyang isang manika at natural ang mamula mula nitong mga pisngi na parang mga rosas.
"Your highness?" Nabalik sa ulirat si Xavier at sinenyasan ang kaniyang tagapagsilbi na siya ay susunod. Sinulyapan niya pa ng isang beses ang babaeng nakaagaw ng kaniyang pansin. Tuluyan ng pumasok ang babae sa flower shop at napangiti na lamang si Xavier ng hindi niya namamalayan.
• • •
Maraming pinuntahan ang grupo ng prinsipe noong araw na iyon kaya't napag pasyahan ng kaniyang mayordomo na sila'y umuwi na sa palasyo. Pumayag ang prinsipe ngunit may ibang tumatakbo sakaniyang isip. Ayaw niya talaga na may maraming kasama dahil hindi niya nasusulit ang lugar na pinupuntahan. Kung hindi siya pinapanatili sa isang lugar ay nasa loob naman siya ng karwahe o di kaya ng isang silid. Naiintindihan niya naman ang kaniyang mga kawal at tagapagsilbi na ginagawa lamang nila ito upang protektahan siya lalo na't siya ang susunod na hihiranging Hari.
Pero kaya din naman niyang protektahan ang sarili niya kung sakaling may magtangka sakaniyang buhay. Bata pa lamang siya ay sinanay niya na ang sarili sa pakikipaglaban, at pag obserba sa mga taong maaring maging traydor sakaniyang pamumuno.
Pagkarating sakaniyang silid ay binuksan ni Xavier ang isang drawer at kinuha ang maskara. Ito ang madalas niyang sinusuot sa tuwing siya ay pumupuslit sakanilang palasyo at kailanman hindi pa siya nahuli ng kaniyang mga kawal na nawawala o di kaya'y nasa labas. Ibang iba man at di hamak na mas malaki ang palasyo ng gintong kaharian ay kayang kaya pumuslit ni Xavier dito.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...