•The Author •
"Luci," agad napatigil si Lucifiene sa gitna ng kaniyang pagsusulat. Nasa loob sila ng kaniyang office ngayon. Marahil ay may tinatapos lamang siyang ilang problema sa kaniyang nasasakupan, at pati na rin ang paghahanda sa parating na gyera. Agad naman niyang binigyan ng isang matamis na ngiti si Alaron nang makita niya ito. Yumuko nalang si Alaron bilang pagbigay galang sa reyna.
"May problema ba, Alaron?" tanong ng reyna sakaniya.
"Nais ko lamang magpaalam kung maaari ba akong lumabas ng palasyo. May isang tao sana akong gustong bisitahin." Ibinaba ni Lucifiene ang hawak na balahibo na siyang ginamit niya sa pagsulat.
"Walang problema. At dahil lalabas kana rin naman, obserbahan mo na rin ang bayan kung may mangilan ngilan pa bang problema na dapat kong pagtuunan ng pansin." Agad yumuko si Alaron bilang pagsang-ayon.
"Masusunod."
"Take care, Alaron." sambit ni Lucifiene bago tuluyang lumabas ng silid si Alaron.
Agad siyang dumiretso sa stables at inihanda si Maximus para sakanilang paglabas.
"Hey, hey. I know you're excited. Stay calm." Natatawang wika ni Alaron at sumakay na nga kay Maximus.
Paglabas niya sa gate ng palasyo ay narating niya agad ang bayan ng wala sa oras. Maraming tao at masigla parin ang bayan, walang pinagbago nung huli niya itong nakita. Maraming bata ang naglalaro malapit sa may fountain, mga nagtitinda na hindi napapagod magtawag ng mamimili. Sumilay ang isang maikling ngiti sa labi ni Alaron at dumiretso na sa lugar na kaniyang patutunguhan.
Huminto siya sa harap ng isang flowershop. Napansin niya na marami rami ang tao sa loob. Bumaba na siya kay Maximus at itinabi ito sa isang ligtas na posisyon. Tinapik niya ang kabayo at sumilip sa labas ng pintong salamin ng flower shop. Maya-maya lamang ay may nakapansin sakaniyang isang babae na mukhang nagtatrabaho doon sa flower shop. Lumabas ito at binati si Alaron.
"Good day, sir! Perhaps you are looking for something?" Agad napansin ng babae ang magandang pangangatawan ni Alaron, makinis na mukha at oo, sadyang maitsura si Alaron dahilan para mapatitig sakaniya ng matagal ang babae.
"Ah, yes. If I'm not mistaken, a girl with blue green hair is working here? Oh, and her name is Soleil." Bakas ang pagka dismaya sa mukha ng babae ng marinig niya ito. Agad pumasok sa isip niya na may kasintahan na pala ito.
"Yes, sir. Hold on, I'll call her for you. Why don't you wait inside, sir?" Nakangiting wika nito, pilit itinatago ang pagkadismaya. Ngumiti si Alaron dito at tumango. Sumunod agad siya sa loob ng flower shop. Gayunpaman, hindi mapigilan ng babae ang pamulahan ng ngukha nang ngitian siya ni Alaron.
"Soleil!" tawag nung babae na kausap ni Alaron kanina. Lumingon agad si Soleil na kasalukuyang nag aayos ng mga bulaklak.
"Bakit?" tanong nito. Lumapit sakaniya ang babae at bahagya itong siniko.
"May isang gwapong ginoo ang naghahanap sayo sa labas. Ikaw, di ka nagsasabi samin may kasintahan kana pala. Hanapan mo naman ako." Nagulat si Soleil sa sinabing ito sakaniya. Narinig naman iyon ng iba pang mga babae na nagtatrabaho rin doon at nagtawanan ng bahagya. Namula ang mukha ni Soleil.
"Anong ibig mong sabihin, wala akong kasintahan!" pagtanggi ni Soleil. Ngumiti na lang ang babae.
"Hay nako puntahan mo nalang doon para makita mo. Mukhang mayaman yung lalake at magarbo ang suot. A Knight, maybe? Knight in shining armor mo, Soleil." Soleil shooked her head.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...