Chapter 2: Solitary Life of Marcus Wraith

146 5 0
                                    

Lucille ⚫

Iyak lang ako ng iyak habang nakaupo dito sa malaking ugat ng puno. Nakakainis si Marcus! Nakakainis talaga siya. Ng dahil sakanya, nadumihan yung sandals ko! Bakit nga ba hindi ko nakita na may lecheng tae pala don?

"P-Patawad Lucille. Tumahan kana." Mas lalo lang akong naiyak sa inis. Bwisit na Marcus talaga 'to. Sinamaan ko siya ng tingin habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Sana pala hindi na ako nag-aksaya ng oras para pumunta pa dito. Ito lang pala mapapala ko. Bakit kasi kung saan saan mo pinapatae yang aso mo?" Inis kong wika sakanya. Basang basa pa yung mga mata ko dahil kakagaling ko lang sa pag-iyak. Isusumbong ko talaga siya kay Mama at Papa pagkatapos nito!

"Pasensya na talaga," puno naman ng sensiridad ang mga mata at boses niya. Hindi niya alam ang gagawin. Ng biglang kinuha niya yung sandals ko kung saan naapakan ko yung tae. Ugh. Kadiri talaga.

"At saan mo naman dadalhin yan?" Mataray kong tanong sakanya.

"Huhugasan ko. Ako na, tutal kasalanan ko naman at mukhang hindi ka sanay sa mga maduduming bagay." Nakangiti niyang sinabi yun pero parang double meaning yung sinabi niya. 'Mukhang hindi ka sanay sa mga maduduming bagay' halata namang yung sapatos ko yung tinutukoy niya. Kaso parang may parte sakin na kumirot? Ewan ko ba. Kung ano ano na pinagsasabi ko. Matapos niyang linisin yung sandals ko ay pinunasan niya. Siya pa mismo ang nagsuot nitong muli sa paa ko. Nag-init ang pisngi ko ng suotin niya sakin yung sandals ko. Pakiramdam ko tuloy ako si Cinderella, yung laging kinikwento ni Mama bago ako matulog. Waahh. Bakit ako nagkakaganito kay Marcus ang dugyuting bata?

"Ayan, ayos na. Bati na ba tayo?" Tanong niya sakin. Nakanguso pa siya. Anla. Bakit bagay sakanya ang ngumuso? Yung tipong kung sino man ang makakakita nito ngayon, tiyak malulusaw agad ang galit. Kaya ako, wala ng nagawa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Fine. Basta sa susunod, ipa-tae mo sa malayong lugar yang aso mo." Sabi ko na may tonong pandidiri. Isang malawak na ngiti ang isinikuli niya sakin. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos nun.

"Ako nga pala si Lucille Benevile." Pagpapakilala ko. Naisip ko kasi na wala kaming maayos na pagpapakilala sa isa't-isa. Tumawa naman siya. Halos maningkit nga ang mga mata niya kakatawa e.

"Bakit ka naman tumatawa?" Takang tanong ko sakanya. Ng matapos na siya sa kanyang pagtawa, tumingin siya sakin. Medyo nailang pa ako sa tingin niyang yun. Parang sa murang edad kong 'to, natuto ako bigla maging conscious sa itsura ko.

"Alam ko naman ang pangalan mo e. Sakin nalang hindi. Marcus Wraith nga pala." Nakangiting wika niya sakin. Nakaramdam ako ng hiya ng sabihin niya na ako nalang ang hindi nakakaalam sa pangalan niya. Hindi ko naman kasi binalak alamin dati e, kasi asar ako sakanya.

"A-Ano, sorry pala kung lagi kita inaaway. Naiinis lang kasi ako. Lagi mong kinakain ang mansanas namin at kung minsan wala pang pahintulot." Nagcross-arms pa ako at ngumuso. Tumawa na naman ulit siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, pati ako, gusto na ding matawa. Pero pinipigilan ko lang. Wala namang nakakatawa ah!

"Ah, yun ba? Ang sarap kasi ng mansanas niyo dito. Di katulad sa iba. Tsaka ang presko ng hangin dito, tahimik. Kitang kita ko pa yung bayan dito oh. Tsaka sorry din kung naiinis ka sa ginagawa ko. Hindi ko na uulitin. Ito na yung pang huli." Malayo ang bahay namin sa mismong bayan. Dito pinili ni Papa kasi malawak ang lupa, tahimik at talagang solo namin ang lugar. Natahimik ako sa sinabi ni Marcus. Hindi ko alam ang sasabihin e. Nanatili kaming ganun hanggang sa magbago ang porma ng mga ulap at kulay nito. Hapon na.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon