• T he Author •
Isang masamang balita ang bumalot sa buong kaharian ng Everbleed. Nabalot ang buong paligid sa kalungkutan. Ang lahat ng tao ay nagluluksa. Ng gabing iyon ng pakikipaglaban ni Fienel, hindi inaasahan na sa dalawang espadang nag-aapoy, ang kanya ang unang napawi. Napaluhod na lamang si Lucille ng makarating sakanya ang balitang ito. Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin niya. Tila nablanko ang kanyang pag-iisip. Kahit ang mga salita ni Lucifiene na pilit nagpapakalma sakanya ay walang epekto. Nabingi na siya at namanhid.
"It is an honor to serve our King." Wika ng isang heneral sa tabi ni Lucille at naglapag ng kanyang sombrero sa ibabaw ng kabaong ni Fienel. Ang lahat ng tao ay naroon upang magluksa. Umiyak na lamang ng umiyak si Lucille, kahit ayaw niyang harapin ang katotohanan ay wala na siyang magagawa. Hinaplos ni Lucille ang salamin sa kabaong at doon isa-isang pumatak ang kanyang luha.
"The fire in your soul has dimmed, and there's nothing I can do." Sa di kalayuan naman ay naroon nakatayo si Alaron at ang kanyang ama na si Marcus. Nakikiramay sa nangyari kay Lucifiene. Hindi pa nakakausap ni Alaron ang batang babae sa araw na iyon kaya gustong gusto na niya itong lapitan para samahan. Isang sandali ay bigla na lamang lumingon si Lucifiene at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kitang kita sa mga mata ni Lucifiene ang sakit. Namumula ang mga mata nito kakaiyak. Dahil sa kanyang nakikita ay parang kinukurot ang kanyang puso. Ayaw na ayaw niya talagang nakikita na umiiyak ang babaeng ito.
Matapos ang seremonya para sa pagbibigay dangal sa pumanaw na hari, ipinasok muna ito sa loob ng palasyo at bukas ito ay ililibing. Pumasok na rin ang mag-ina. Gusto pa sanang sundan ni Alaron si Lucifiene pero pinigilan siya ng kanyang ama. Napabuntong hininga na lamang ang batang lalake at hinayaan nalang muna na mapag-isa si Lucifiene. Umuwi na silang dalawa matapos 'non at doon naghihintay sakanila ang kanyang ina na si Solenn.
°°°°°
"Lucifiene," napalingon si Lucifiene ng marinig na ang boses ng kanyang ina. Pumasok ito sa loob ng kanyang silid at umupo sakanyang kama. Lumapit siya dito at nginitian siya ni Lucille.
"Ngayong wala na ang iyong ama, kailangan mo ng ihanda ang sarili mo." Napakunot ang noo ni Lucifiene at nakaramdam na rin ng konting kaba sa mga sinasabi ni Lucille.
"You have to prepare, to become a wise queen." Sabi nito sakanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Pero ma, hindi ko pa kaya. At masyado pa akong bata." Sagot niya.
"Lucifiene, makinig ka sakin. Tandaan mo na maraming kaharian ang gustong patalsikin ka. At nakakalimutan mo bang pinatay ng mga taga pula ang iyong ama? Dapat lang na lumaban ka Lucifiene." Hinawakan ni Lucille ang magkabilang pisngi nito.
"Maybe now is the time to tell you the whole truth." Pumatak ang mga luha sa mata ni Lucille habang nakapako ang tingin sa mga matang nagtatanong ni Lucifiene.
"It is my fault that you have been cursed, Lucifiene. Because of my selfish reasons, all of this happened. Naalala ko na ngayon. Naaalala ko na ang kinalimutan kong nakaraan. Naaalala ko na ang lalaking talagang minahal ko noon ay si Marcus. At dahil sa napilitan akong ipakasal kay Fienel, kinailangan kong ipilit na mahalin siya. At dahil hindi ko kaya, I went after to the flower's power."
"H-How could you...mother?" Hindi makapaniwalang wika ni Lucifiene sakanyang ina. "Father loved you with all his heart, but you were just pretending to love him?" Tumayo nalang bigla si Lucille at nagpunas ng luha.
"I was able to love him truly in the end, Lucifiene." Tila nagbago ang tono ng pananalita ni Lucille. Naglakad na ito patungo sa pinto ng silid ni Lucifiene pero bago ito umalis ay tiningnan niya muna ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasíaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...
