Chapter 9: Words to Words, and Sword to Sword

48 6 2
                                    

⚫ Marcus ⚫

"Are you mocking me, Marcus?" Mahinahon ang pagkakasabi ni Fienel, pero bakas ang galit dito. Yun agad ang tinanong niya sakin pagkapasok namin sakanyang opisina dito sa mansyong tinutuluyan nila. Nanatali akong tahimik at naikuyom ko nalang ang mga kamao ko. Nakatalikod siya sakin at nakaharap sa malaking bintana. Nakita ko pa siyang napahilamos sa mukha, kahit na nakatalikod siya sakin. Dahil hindi ako umimik, hinarap niya ako. Kita ko ang pagkainis sa mukha niya. Oo, nakita ko na kung paanong magalit si Fienel. Pero kahit kailan, hindi ako naging isa sa mga dahilan noon. Ngayon lang talaga, ngayon lang.

"I'm asking you, Marcus." Humugot pa siya ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Are you mocking meTOGETHER WITH THE WHOLE EVERBLEEDIAN COURT?!" Doon na siya sumigaw, hinampas niya pa ang palad niya sa mesa.

"No I'm not, your highness." Pormal na pagkakasabi ko sakanya. Napayuko pa ako doon. Kahit anong mangyari, kailangan kong habaan ang pasensya ko. He's the prince, after all. And I am just his knight. Narinig ko ang pagtawa niya, pero agad din namang naglaho.

"Are you expecting me to believe you? For pete's sake, Marcus. I just said it yesterdayㅡLucille is going to be my Queen! Tapos makikita ko nalang kayo doon sa ilog? You were so close to her like you're about kiss her! Tell me, dahil lang ba iyon sa magkababata kayo? O may iba kanang motibo?"  Nakipag titigan siya sakin ng mata sa mata, katulad ng dati ay wala na naman akong lakas ng loob para sabihin sakanya ang mga gusto kong sabihin. Dahil nga, isa siyang prinsipe.

"From now on, you must stay away from her." Seryoso niyang pagkakasabi na siyang ikinagulat ko. Siguro sa ngayon, puputulin ko muna ang limitasyon ko. Hindi niya pwedeng sabihin sakin yan, no. Not Lucille. She's the only thing I have.

"A-Ano? Hindi mo pwedeng gawin yan." Napataas ang kilay ni Fienel sa sinabi ko.

"Sabihin mo sakin kung bakit. Have you forgotten? You clearly heard what I've said. Whoever stands in my way, will be my enemy." Sa sinabi niyang iyon, tila nasagad na ang pasensya ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumagot. Hindi lahat ng bagay makukuha niya ng dahil lang na siya ay may dugong maharlika.

"Pero hindi mo nga pwedeng gawin 'yon!" This time, siya naman ang nagulat sa sinabi at pagsigaw ko.

"Nauna kong nakilala si Lucille, inaamin ko na mahal ko siya. And I already promised to her that I will never leave by her side, and that I will marry her. Hindi ko pwedeng biguin si Lucille. Ngayon, do you still want to pursue? Kahit na malaman mong ako naman talaga ang gusto ni Lucille? Ipagsisiksikan mo ba talaga ang sarili mo sa taong hindi ka naman gustoㅡ" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa pagtama ng kamao ni Fienel sa mukha ko. Sa lakas ng suntok niya ay napaupo at pumutok ang labi ko. Dahilan para malasahan ko ang sarili kong dugo.

"Then it's clear. I won't lose to an enemy like you." Dahan dahan akong tumayo at nakipag tagisan ng tingin sakanya. Pinunasan ko din ang dugong tumulo mula sa labi ko.

"Did you also forgot? You said that if ever you hurt Lucille, I have the rights to raise my sword against you." Hinugot ko ang espada mula sa lalagyan na nasa aking tagiliran. Talaga bang hahantong kami sa sukdulan ng dahil kay Lucille? Kung oo, nakahanda ako.

"Ngayon palang, sinasaktan mo na siya. Bakit mo siya ipipilit sa isang bagay na hindi niya gusto?" Agad din namang kumuha ng espada si Fienel na mula sa mga naka display na armor dito. Winasiwas niya iyon at nasalag ko naman. Muling nagtagpo ang tingin namin sa pagitan ng mga naka-ekis na patalim.

"Wag kang magsalita na parang alam mo na ang lahat!" Sa muli niyang pag wasiwas ng espada niya at pagsalag ko ay nadanggi namin ang lampshade na nandito. Nahati iyon at nahulog, kasama pa ang ibang mga gamit. Lumikha iyon ng ingay pero hindi namin iyon alintana. Gumaganti din ako sa mga atake niya pero ang madalas na ginagawa ko ay depensahan ang sarili.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon