• The Author •"This isn't happening. Are they out of their minds?!" galit na sigaw ni Fienel ng makarating sakanya ang balita na handang tumalikod sakanya ang apat na kaharian hangga't hindi nito ipapatapon ang prinsesa na siyang kinakatakutan ng lahat. Sa loob ng kanyang opisina, kasama niya ang kanyang kanang kamay na si Louie at ang reyna na si Lucille. Si Lucille naman ay tahimik lamang na nakaupo, pinipigilang pumatak ang luha at pilit na nag-iisip ng paraan upang malutasan ang problema nilang ito.
"At sino namang ipapalit ko bilang tagapagmana ng trono kung sakaling ipatapon ko nga si Lucifiene?" bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Lucille ng marinig niya iyon mula kay Fienel. Ngunit pinipigilan niya ang sarili na magsalita at hinayaan na tapusin ni Fienel ang pagpapahayag sa kanyang opinyon.
"Iminungkahi ng asul na kaharian na humanap nalang kayo ng isang taong karapatdapat na maging tagapagmana. Mula sa pagbibigay ng iba't-ibang uri ng pagsubok upang mapatunayan ng isa ang kanyang sarili. At sumang-ayon ang tatlo pang kaharian sa mungkahing ito." naikuyom na lamang ni Fienel ang kanyang kamao sa narinig.
"Kung sila kaya ang ilagay ko sa sitwasyong ito?! Bata pa lamang si Lucifiene. These kingdoms, are mocking my morals. Do they think I didn't taught my own child with nobility?" napayuko na lamang si Louie sa sinabi ng hari.
"I don't know how, and why, of all children it has to be Lucifiene. That it has to be her to suffer such curse. But whatever it is, she is still my child." nilapitan ni Fienel si Lucille at tiningnan niya ito sa mata. "I will protect the both of you. I promise that. You two are the one giving me a reason to live. And I won't let anyone or anything, steal that reason away from me." napaluha si Lucille at napayakap nalang kay Fienel. Napabuntong hininga si Fienel, dahil alam niya na ang posibleng mangyari matapos mabunyag ang tinatagong sikreto ng kanilang anak.
♠ ♠ ♠
Matapos ang pag-uusap sa opisina ni Fienel, mag-isang binaybay ni Lucille ang mahabamg pasilyo ng palasyo. Mabilis siyang naglakad patungo sa pinakamataas na tore sakanilang kaharian, tiniis ang pagod sa pag-akyat. At di nagtagal, narating na din niya ang dulo ng tore. Kung saan doon ay may nag-iisang silid. Ang silid ng kanyang Priestess. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, nakita niya ang priestess na nakaupo at nakaharap sa nag-iisang bintana nito sa silid.
"What's wrong, my Queen?" wika nito habang nakatingin parin sa labas ng bintana at hindi humaharap kay Lucille.
"My daughter. What can I do to save her? I want her powers to disappear. I know this is the price for making a wish to that sinful flower. But are there any ways to free my child?" Lucille's eyes began to become teary, she tightened her grip to her own hands.
"I apologize my Queen, I have not seen anyone yet breaking the flower's curse. As far as I know, it is irreversible. I know you are aware how simple the trade is. You get what you wish for, and the flower will get whatever it desires. It could be your life, someone else's life. Or it may give you a curse, or someone else to be cursed. And in your case, the one who is paying for the wish you took is your own child. It is expected, for this magical flower chooses the most painful consequences. As for you, a loving mother who wouldn't want her child to be in danger."
"If only I knew..." napapikit si Lucille at pumatak ang kanyang mga luha.
"I know, my Queen. How ironic it is." nawalan na ng pag-asa si Lucille. Dahan dahan siyang humakbang patalikod. Pero bigla siyang pinigilan ng Priestess. Muli itong nilingon ni Lucille. At sa mga sandaling iyon, nakatayo na ito at nakaharap sakanya. She was staring straight to Lucille's eyes.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...