Chapter 3: Childish Dreams

102 7 0
                                        


⚫ Lucille ⚫


Hindi ko ipagkakaila na mabait si Marcus. Sa katunayan nga, palagi na siyang nandito sa bahay namin. Tuwang tuwa naman sakanya sina Mama at Papa. Lagi itong tumutulong sa mga gawaing bahay kapag kinakailangan. Kapag naman wala kaming magawa, madalas kaming maglaro.Halos malimutan na nga ng mga magulang ko na nandito pa ang anak nilang babae, dahil si Marcus ang lagi nilang ka-kwentuhan. Pero hindi naman sumasama ang loob ko. Natutuwa ako para kay Marcus. Alam ko na gusto niyang maranasan kung ano ang pakiramdam makipag bonding sa mga magulang.

Kasalukuyang sinusuklay ni Mama ang mahaba kong buhok. Nasa tapat kami ng aming full-sized mirror. Nakangiti si Mama habang sinusuklay ang buhok, habang kumakanta pero yung hum lang.

"Nalulungkot ako para kay Marcus, Lucille. Napakabait na bata. Hindi naman siguro niya dapat nararanasan ang ganitong hirap ng buhay." Rinig kong wika ni Mama habang abala parin sa pagsusuklay. Maya-maya ay sinimulan niya na itong i-braid. Matagal na pala nilang alam na ulila itong si Marcus. Simula palang nung napadpad ito sa bakuran namin.

"Tama ka, Mama. Pero masaya naman si Marcus. Wala siyang pinagsisihan." Nakangiting wika ko habang inaalala kung paano siya tumawa at kung paano niya ako ngitian. Sa mga sandaling yun ay hindi ko namalayan na nakatingin na pala sakin si Mama. Natigil ako sa pag ngiti, at si Mama naman ngayon ang napangiti. Kita ko kasi ito sa harap ng salamin.

"Sabihin mo nga sakin, anak. Gusto mo si Marcus ano?" Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong namula ang mukha ko. Napayuko ako ng bahagya dahil doon.

"M-Ma! Bakit niyo naman nasabi yan?" Nauutal kong tanong. Inulit ko pa sa isip ko yung tanong ni Mama. Gusto ko na nga ba si Marcus? Hindi ko masabi. Kaibigan, yun lang.

"Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, ayaw mo ng mawalay sa tabi ni Marcus. Palagi mo pang hinahanap kapag wala siya. Parang dati lang, ayaw na ayaw mo siyang makita." Sabi ni Mama at tumawa ng mahina.

"E-Eh, kaibigan lang tingin ko sakanya  Ma. Masyado pa akong bata diyan." Natapos na sa pag-iipit sakin si Mama. Nakaayos ng mabuti ang buhok ko at pakiramdam ko napakaganda ko. Napangiti ako ng palihim. The best talaga ang Mama ko, hahaha.

"Anak, limang taon na kayong magkaibigan ni Marcus. Hindi na ako magtataka kung mahulog ang loob mo sa batang yun." Oo nga pala, napaka bilis ng takbo ng oras. Akalain mo yun? 9 years old kami pareho noong pinagtagpo ang landas namin. At ngayon, pareho na din kaming katorse. Pero naglalaro pa din? Oo. Hahaha nakakabagot naman kasi.

"Ayan, tapos na. Itutuloy ko lang yung nililinis ko sa kusina." Sabi ni Mama at nauna ng lumabas  ng kwarto. Sumunod nadin ako at paikot-ikot pa ako sa hallway ng bahay namin habang naglalakad. Feel na feel ko yung suot kong damit ngayon. Kulay pink ito na may halong red. Hawak hawak ko ang laylayan ng palda ko.

"Ang ganda," natigil ako sa kabaliwang ginagawa ko ng marinig ko ang boses niya. Para akong kinabahan na nahihiya dahil nakita niya ang ginagawa ko. Agad ko siyang nilingon, naka-sandal siya sa pintuan habang naka-cross arms. Isa lang ang masasabi ko. Ang gwapo niya. Binata na nga, kung titingnan. Nakasuot pa siya ng sombrerong itim. Kulay itim din ang suot niyang coat. Pormal na pormal ang dating. Ang lakas ng karisma. Ang lakas ng epekto sakin. Naalala ko tuloy yung tanong ni Mama. May gusto na nga kaya ako kay Marcus? Hay nako naman si Mama. Binabagabag tuloy ako.

"May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong ng mapansin na hindi agad ako nakasagot. I smiled sheepishly.

"Wala naman, haha." Palusot ko.

"Lumakad na kayo at mag date, kanina ka pa niyan hinihintay ni Lucille." Agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Mama. Sa mga sandaling yun, gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon