Chapter 7: The Rivalry

61 6 0
                                        


⚫ Lucille ⚫

Nagising nalang ako bigla dahil sa sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto. Asar na asar akong bumangon dahil sa puyat ako. Hindi agad ako nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung bawat pangyayari kagabi. Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil walang preno si Mama kakatawag ng pangalan ko. Sa inis ko ay marahas kong inalis 'yung kumot at bumangon na.

"Teka nga lang! Andiyan na!" Yamot kong wika at sinigurado kong maririnig iyon ni Mama sa labas. Naligo na ako at nagmadaling magbihis. Kahit hirap talagang magsuot ng damit mag-isa, nasanay na ako. Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok at hindi na nag-abalang mag-ipit. Agad akong bumaba pagkatapos gawin ang mga kailangan gawin.

"Bakit, ano bang meㅡ" nawala ang inis sa mukha ko at antok ng makita ang nasa harap ko. Si Mama naman ay ngiting ngiti na nakatingin sakin. Napatakip ako ng bibig, I swear gusto kong lamunin ng lupa right here and then.

"M-Ma, bakit nandito ang prinsipe?" Nauutal kong bulong kay Mama. Nabibigla parin talaga ako sa nangyari. Anong ginawa ng lalaking yan dito? Nakaupo siya ngayon sa isa sa mga sofa namin. Nakapatong ang dalawang braso niya sakanyang legs, naka-intertwine ang mga daliri niya at tila malalim ang iniisip dahil nakayuko ito. At ng mapansin niya ang prisensya ko, agad siyang tumango at nginitian ako. Bakit ba sa tuwing ngumingiti siya, na-iimagine kong may background itong pagsikat ng araw? His smile is dazzling. Oh, forget that. Rolls my eyes. As expected from a prince. Pero bakit ba kasi siya nandito? Oh no. Nandito kaya siya para ibigay ang parusa ko dahil sa pagsampal sa malambot at makinis niyang mukha?

"Good morning, Lucille." Tila nagulat ako sa pagsasalita niya dahil nag-react ang katawan ko sa pagkagulat.  Dahil sa matagal akong nakasagot, siniko ako ni Mama.

"G-Goodmorning, Prince Fienel." Ged demmet. Nauutal ako. Nauutal ako sa harap niya. As if I'm a guilty person for my crimes.

"Maupo muna kayo, maghahanda lang ako ng almusal. Nako, mahal na prinsipe. Sana ipinaalam niyo saamin na pupunta ka. Para mas nakapag handa kami." Sabi ni Mama pagkatapos nun ay yumuko siya para magbigay galang.

"It's okay. Sinadya ko talaga 'to. At isa pa, may nakahanda akong regalo para sainyo." Ano daw? Regalo? Nagkatinginan kami ni Mama at pareho kaming walang alam sa kung anong nangyayari. Maya-maya lang ay sinenyasan ni Prinsipe Fienel ang kasama niyang lalaki na nakatayo sa tabi niya. Tumango ito at lumabas. Di nagtagal ay bumalik din ito sa tabi ng Prinsipe. Doon na isa-isang pumasok ang mga katulong nilang may dala na iba't-ibang klase ng pagkain. Yung iba may dala pang boxes. Hindi ko na napigilang magtanong.

"P-Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong. Ngumiti na naman siya. And yea, don't forget some sunshine on the background whenever he smiles.

"Pasasalamat. Because of you, I wouldn't be a man until now." He wouldn't be man? Anong? Tungkol kaya ito kagabi? And by just hearing that, malamang iba ang iniisip ni Mama! Hindi ko pa nak-kwento kay Mama ang nangyari at wala akong balak i-kwento 'yon. At kung walang alam si Mama, isa lang ang iisipin non kumbakit nasabi ng Prinsipe na 'he wouldn't be a man' daw. Ugh.

"Kung hindi dahil sa mga sinabi mo, hindi ako malilinawan kung ano ba talagang ibig sabihin ng pagiging prinsipe." Nakita kong napa-buntong hininga si Mama. Kahit ako din. Siguro naman na-realize na ni Mama na mali ang iniisip niya. Phew.

"W-Wala iyon. Hindi mo na kailangang gawin 'to." I'm so tensed. Sino ba namang hindi? Early in the morning, magigising ka sa sigaw ng nanay mo. Then pagbaba mo may prinsipeng naghihintay sayo. And my dala pang, err mga pagkain at stuffs?

"Isa na din 'to sa mga paraan ko para makahingi ng tawad saㅡ" napaiwas siya ng tingin at tumikhim. Then tumingin ulit sakin. " ㅡalam mo na, nagawa ko." Wait, wait.  Am I seeing things? Nagb-blush ang prinsipe? Halatang halata kasi maputi siya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi. I didn't know I'll find him cute when blushing.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon