⚫ The Author ⚫
"Saan tayo pupunta, Al?" tanong ni Lucifiene habang patuloy parin silang tumatakbo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang gown para hindi niya ito matapakan.
"Hindi ko alam, basta hindi sa lugar na'to." sagot ni Alaron ng hindi manlang tumitingin kay Lucifiene dahil nakapako ang tingin nito sa kanilang dinadaanan.
"Pero, kahit umalis tayo hindi parin tayo makakalabas ng palasyo sa dami ng mga nagbabantay. Lalo na't may nangyaring hindi maganda kanina." malungkot na wika ni Lucifiene. Narinig naman ng batang babae ang pag-iling ni Alaron.
"I know," hindi maintindihan ni Lucifiene kung anong tumatakbo sa isip ni Alaron. Naramdaman na lamang niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
"But definitely, I will do anything to take you out of this mess." nanlaki ang mga mata ni Lucifiene sa sinabing iyon ni Alaron. Hindi niya 'yon inaasahan. Hindi niya akalain na sa mundong ginagalawan niya ngayon, may mga katulad pa pala ni Alaron. Sa lalim ng iniisip ni Lucifiene, hindi niya na namalayan na nakarating na pala sila sa likod ng palasyo. May malawak na patag doon, bago mo makita ang dagat. Tumigil sila saglit sa gitna ng damuhan, parehong hinihingal. Ng makabawi na sa pagod ang batang babae, tumayo na siya ng matuwid at doon nasilayan ng kanyang mga mata ang napakagandang paglubog ng araw. The strands of light shined through her eyes, she never thought that seeing a sunset could move her heart. So beautiful it made her stare for awhile, appreciating its beauty. The color of the sky, and the clouds. As if it was a large painting infront of her. A smile formed on her lips, her eyes began to become teary.
"Alaron, you don't have to do this." she said.
"Hmm? Do what?" tiningnan ni Lucifiene si Alaron. Nagkatagpo ang kanilang mga mata. Nakangiti ang batang lalaki sakanya, such a beautiful innocent smile.
"Bakit..." hindi maituloy ni Lucifiene ang kanyang mga salita, naunahan ito ng sunod sunod na hikbi. Di nagtagal ay isa-isang pumatak ang kanyang mga luha. Nagulat naman si Alaron sa reaction ni Lucifiene.
"L-Luci, bakit ka umiiyak?" natatarantang wika ni Alaron. Hindi niya malaman kung anong dapat gawin para mapatahan ang babae. Hindi naman nakasagot agad si Lucifiene dahil hindi niya na mapigilan ang kanyang mga luha. She felt so embarrassed, breaking infront of Alaron. She lost her elegance, her nobility. All she wanted right now is to let go of her emotions—what she's keeping inside.
Naglakad palapit si Lucifiene kay Alaron at tinitigan niya ito. Hindi narin siya nag-abalang punasan pa ang kanyang mga luha.
"L-Luci?"
"Bakit mo kailangang gawin 'to para sakin?!" sigaw ni Lucifiene. Hinampas niya ang dibdib ni Alaron, at nasundan pa ito ng ilang ulit na hampas. Pinabayaan naman ni Alaron si Lucifiene, naiintindihan niya ang prinsesa. Malungkot niya itong pinagmamasdan.
"You don't have to stick with me anymore! Why do you still want to be friends with a cursed child like me?!" sa pagkakataong iyon, sinalo ni Alaron ang isang kamay ni Lucifiene na akmang hahampas sa dibdib niya. Natigilan din naman doon si Lucifiene, at dahan dahan niyang inangat ang ulo niya para tingnan ang lalaki.
"Lucifiene, you're not a cursed child to me." seryosong wika ni Alaron, habang pinupukulan niya ng isang malumanay na tingin si Lucifiene. Ibinaba ni Alaron ang kamay nito, at doon bigla niya itong niyakap ng mahigpit.
"If you feel like you are worthless, then I am too. I can't promise you that I won't you make you cry, but I swear to god that I will never leave by your side." nanatili silang magkayakap ng ilang sandali. At naramdaman ni Alaron na unti-unti ng kumakalma si Lucifiene. Pagkatapos 'non ay pinunasan niya ang mga luha nito.
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...
