⚫ Lucille ⚫
"Hoy, ano Lucille. Kanina ka pa nag d-daydream diyan. Wala ng balak kumilos?" Nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Llorona, ang matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya dito sa pinagta-trabahuan ko. Isa kaming mananahi, at kilala na kami sa bayan. Hawak hawak ko yung mga sulat na pinadala sakin ni Marcus. Nakakalat ang lahat ng yun sa mesa ko habang yung huling sulat na pinadala niya ay yakap yakap ko saaking dibdib habang nakapikit pa. Medyo nahiya ako ng mahuli ako ni Llorona sa ganung posisyon. Naka-pamewang ito saakin ngayon at nakataas ang isang kilay.
"Alam kong namimiss mo na yang binatang nakabihag ng puso mo, pero ipapaalala ko lang na marami tayong gagawin ngayon." Mahinanong wika ni Llorona, like a boss lang ang dating ng isang 'to. Iniligpit ko na yung mga sulat sa isang kahon na nakalaan lang para sa mga sulat ni Marcus.
"Alam ko naman. Tsaka pasensya nadin. Hindi ko kasi mapigilan." Sabi ko at pagkasara nung kahon ay napabuntong hininga ako. Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Llorona at tinapik ang balikat ko.
"Malapit ng bumalik yun, tiwala lang." Nakangiti niyang sabi. Napangiti narin ako dahil kahit papano gumaan ang loob ko. Pero agad ding nawala 'yun.
"Oh. Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa diyan." Sabi ni Llorona ng mapansin ang pagbabago ng mood ko.
"Paano kasi, hindi na sumusulat pabalik si Marcus. Noong nakaraang buwan pa yung binigay kong sulat sakanya. Nag-aalala tuloy ako kung anong nangyayari sakanya." Si Llorona naman ang napabuntong hininga ngayon.
"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Malay mo sobrang busy talaga siya." Tumango nalang ako sa sinabi ni Llorona. Tama. Dapat hindi ako magpaka-nega. Isang kabalyero si Marcus, talagang maraming ginagawa yun. Matapos ng pag-uusap namin ni Llorona, dumiretso na kami sa kanya-kanya naming trabaho. Mga bandang hapon ay napagpasyahan na namin ni Llorona ang umuwi. Naglalakad na kami nun ng mapansin namin na ang daming tao ang nakaabang sa may plaza. Nagtaka tuloy kami ni Llorona kaya nagtanong kami sa isa sa mga tao doon.
"Ano pong meron? Bakit nagkakagulo dito?" Tanong ko sa isang babae. Ngumiti naman siya na para bang nagniningning ang mga mata niya.
"Ayan na! Ayan na!" Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtititili ito bigla. Napakunot tuloy ang noo ko at si Llorona naman ay napakibit balikat. Sinundan nalang namin ni Llorona ang tingin nung babae.
"Totoo nga ang binalita nila. Ngayon ang dating ni kabalyerong Marcus. Pero hindi naman nila sinabi na ganito pala siya ka-gwapo." Natigilan ako sa sinabi nung babae. Hindi ko alam kung namali ba ako ng dinig pero alam ko talaga sinabi niyang Marcus. Ngayon ang dating niya? Bakit hindi ko alam? Ni hindi ko nga nabalitaan. Nagkatinginan pa kami ni Llorona matapos nun. At sabay ulit kaming napatingin sa harap. Nagkakagulo yung mga tao. Paano kasi, sa lugar namin ay tanging si Marcus lang ang pumasok bilang kabalyero. Kakaunti lang din ang pumasok bilang kawal naman. Habang nag-iingay at nagkakagulo ang mga tao, may isang magarang karwahe ang huminto. Titig na titig ako doon. Dahan dahang bumukas ang pintuan ng karwahe. At doon, sa mga sandaling yun, tila bumagal ang takbo ng oras.
Kitang kita ko ang pagbaba ni Marcus. Walang duda, si Marcus nga iyon. Para namang lumundag ang puso ko, katulad ng dati na umamin siya sakin. Nakingiti siyang naglalakad at kumakaway pa na akala mo kung sinong sikat. Masyadong malaki ang pinagbago ni Marcus. Mas lalo siyang tumangkad, mas lalong lumapad ang katawan niya. Medyo umitim ang balat niya pero talagang bumagay sakanya ang isang kayumangging balat. Nakaayos ang buhok niya, naglagay at ng gel sa buhok. Habang may mangilan-ngilang hibla ng buhok ang nalaglag sa magkabilang bahagi ng mukha niya. Parang dati lang, nung umalis siya ay mapayat ito. Pero ngayon, brusko na ang pangangatawan nito. Napangiti ako. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...