Chapter 14: Unfaithful Vows

53 5 1
                                    

Imagine them as Marcus, Lucille and Fienel :D

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Imagine them as Marcus, Lucille and Fienel :D


⚫ The Author ⚫

Dumaan ang mga araw hanggang sa dumating ito sa mismong araw ng kasal nina Lucille at Fienel. Masayang masaya ang lahat ng tao, lalo na ang pamilya ni Lucille at Fienel. Sa mismong kasal din nila magaganap ang coronation, kung saan sila na ang hihiranging bagong hari at reyna. Sa mga nagdaang araw, parang wala lang nangyari sa tatlo. Nanatiling nagsisilbi si Marcus biglang Knight ni Fienel at si Lucille naman ay hindi na masyadong nakikipag-usap kay Fienel. Hinahayaan niya nalang ito sa kung anong gusto nitong gawin. Kahit gaano ka-normal ang pakikitungo ng tatlo sa isa't-isa, nakatago parin sakanilang puso kung gaano sila nasasaktan. Pare-pareho silang nasasaktan, pero sino nga ba ang mas nasasaktan?

Kasalukuyang inaayusan si Lucille sakanyang silid. Napakagandang tingnan. Puno ng dyamante ang gown ni Lucille at kapag tinamaan ito ng sikat ng araw ay talaga namang magmumukhang anghel si Lucille. Nakaayos ang kanyang buhok at patapos na ito sakanyang makeup. Pati mga katulong nila ay mas masaya pa kaysa sa mismong ikakasal. Pero kahit ano pa mang gawin ni Lucille, hindi niya talaga magawang maging masaya. Hindi niya magawang ngumiti sa harap ng salamin. Straight lips, and emotionless eyes. Kahit gaano pa ka-ganda ang kanyang damit, kahit gaano pa ka-engrande ang kanilang kasal, kahit anong pagpapaganda sakanya, hindi talaga niya magawang sumaya kahit kaunti lang. Pakiramdam ni Lucille na sa bawat segundong lumilipas ay parusa para sakanya.

♠ ♠ ♠

Pagkatapos ayusan si Fienel ng kanyang mga katulong ay nagpa-iwan muna ito sa kwarto. Tinitigan niya ang kanyang sarili sa salamin. Gwapo, mayaman, at higit sa lahat makapangyarihan. Hindi niya maintindihan kung anong kulang sakanya kumbakit hindi siya magawang mahalin ni Lucille. Mahal niya naman ito ng higit pa sa kung anong meron siya, pero ano nga ba talaga ang kulang sakanya? Ngayong ikakasal na siya, masaya siya. Masaya siya kasi sa wakas magiging asawa na niya ang babaeng pinapangarap niya.

"Masaya nga ba talaga ako?" Napatanong ni Fienel sa sarili. Inulit niya ito sakanyang isip. Masaya nga ba siya sa ginawa niya? Kahit alam niyang hindi siya mahal ni Lucille? 'Yung kahit abot langit ang saya niya dahil mapapangasawa niya si Lucille, pero parang impyerno naman ito para sa babae? Kahit ano pa man yan, hindi na babawiin ni Fienel ang mga nagawa niya. Matapos ng ilang segundong pagtayo doon ay napag pasyahan niya ng lumabas. Gusto niya mang makita si Lucille suot ang wedding gown nito ay pinigilan niya ang sarili. Parte kasi ng tradisyon nila na huwag makita ang bride bago ang kasal.

Pagkalabas ni Fienel ay nakita niyang naghihintay doon si Marcus. Nakatanaw lang ito sa malayo. Nakasuot ito ng itim na tux, nakaayos ang buhok na may pagka-haba na. Kagalang galang tingnan. Napansin naman ni Marcus ang prisensya ni Fienel kaya agad itong yumuko para magbigay galang.

[BGM: The Butterfly and Flower and Spider by Kagamine Rin and Len. Isipin niyo nalang ulit mala-music video ang dating ng bawat eksena. Hahahaha. Dami alam ni otor -_-"]

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon