Chapter 15: Cutting Ties

46 5 0
                                        

⚫ The Author ⚫

After all the things that happened between them, the days past in a blur. They continued their lives like nothing happened. Like they didn't struggle for the thing they wanted. But of course, pretending to feel nothing was the hardest thing Lucille has done. Lucille became a Queen, Fienel became the King. And Marcus was the most respected Knight in their country.

"Llorona? Grabe. Ang tagal na nating hindi nagkita!" Masayang wika ni Lucille at niyakap si Llorona. Nasa may balcony ang dalawa ngayon. Matapos ang dalawang taon ay ngayon nalang ulit sila nagkita.

"Grabe, ang dami ng nangyari satin 'no?" Sabi ni Llorona sabay humigop ng tsaa. Tumango naman si Lucille sabay ngiti.

"Tama ka diyan. Akalain mo? Ikaw yung napiling pakasalan ng prinsipe ng land of blue." Tumawa naman si Llorona.

"Tapos ikaw? Akalain mo, ikaw na ang reyna ng Everbleed Country." Sa sandaling iyon, nalimutan ni Lucille ang mga problemang matagal niya ng dinadala sa sarili. Talagang masaya siya na makausap muli ang matalik na kaibigan.

"Ano? Kumusta ka naman ba dito? Hindi ka ba nahirapan sa pagiging reyna ng isang malaking bansa?"  Sabi ni Llorona. Angat na angat ang kagandahan nito sa paglipas ng dalawang taon. Kumikislap pa ang kanyang kasuotan na dinesenyuhan ng mga dyamante. Kulay asul din ito na sumisimbolo sa kulay ng kanilang bansa.

"May mga sandaling oo. Pero masasabi ko naman na naging smooth ang lahat. Hindi kasi nakakalimutan ni Fienel na alalayan ako. Lagi siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. Naging mabait siyang asawa saakin. Ako nalang yata yung problema." Tumikhim si Llorona sa sinabing iyon ni Lucille.

"Ibig mo bang sabihin, si Marcus parin?" Napaiwas ng tingin si Lucille kay Llorona. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Llorona. Na para bang hindi ito sumasang-ayon.

"Dapat mo ng itapon ang nararamdaman mo sakanya Lucille. Wala na. Matagal na." Sabi nito.

"Alam ko," sabi ni Lucille habang nangingilid ang luha. Naramdaman niya namang tinapik siya sa balikat ni Llorona.

"Kung talagang hindi mo na kaya, may alam akong paraan para makalimutan mo si Marcus. Tawagin mo ako kapag handa ka na talagang kalimutan siya." Naguluhan si Lucille sa sinabi ng kaibigan. Matapos noon ay tumayo na si Llorona na agad naman inalalayan ng servant nito.

"Sinisigurado ko Lucille, makakalimutan mo si Marcus sa paraang alam ko. Basta ba handa kana. Okay?" Hindi na nagawang magtanong ni Lucille dahil nabalot na naman siya ng malalim na pag-iisip.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita, Lucille." Tumayo si Lucille at niyakap si Llorona. "Salamat sa pagbisita Llorona."

♠ ♠ ♠

⚫ Marcus ⚫

Hindi ko alam kung paano ko pa kinakaya ang lahat ng 'to. Na lagi ko silang nakikitang magkasama. Na lagi kong pinapaalala sa sarili kong hindi na siya akin. Na lagi kong inuulit sa aking isip na kalimutan siya. Kaya simula nung ikasal sila ay hiniling ko kay Fienel na ipadala ako sa malalayong misyon. Pumayag naman siya. Kaya noon pa man, lahat ng bansang gusto kaming sakupin ay nandoon ako para pigilan iyon. Ilang digmaan na ba ang pinuntahan ko para lang makalimot sa nakaraang hindi ko na maibabalik? Ilang buhay na ba ang kinitil ko para lang maibuhos ang galit ko na hindi maubos-ubos? Gaano ba ako nagpaka-pagod para lang mawala ang pagsisisi ko ng hindi ko magawang ipaglaban si Lucille? Pero bakit? Hindi parin ako napapagod na mahalin siya. Bakit ayaw akong hayaan ng puso ko na kalimutan siya? Masyadong mahaba na ang panahong lumipas. Madami ng nagbago. Pero ang nararamdaman ko sakanya ay kailan man hindi nagbago.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon