⚫ Lucille ⚫
Napaluha ako ng makita ko si Marcus ngayon. Ibinuka niya ang kanyang dalawang kamay para saluhin ako. Sa ngayon, iisipin ko muna ang sarili ko. Magiging makasarili muna ako, kahit ngayon lang. Hindi ko talaga kayang isipin na hindi si Marcus ang lalaking pakakasalan ko. Ma, Pa. Sorry kung gagawin ko ito. Wala na akong maisip na ibang paraan. Masyado na kasi akong nahihirapan.
Dahan dahan kong itinaas ang skirt ng pantulog ko, bumuntong hininga ako bago tuluyang tumalon. Kinabahan pa ako nung una kasi akala ko hindi ako masasalo ni Marcus. Pero gaya nga ng dati, hindi niya ako pababayaan. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan, ang kanyang amoy at yakap. Sobra ko itong namiss agad. Paano pa kaya kung malalayo ulit ako sakanya ng matagal? Ng makatalon ako ay hindi agad ako humiwalay kay Marcus. Nanatili akong nakayakap sakanya habang umiiyak. Hinaplos naman ni Marcus ang buhok ko.
"Shh, tahan na. Nandito na ako." Mas lalo lang akong naiyak ng marinig ko ang boses niya. Matagal kaming nanatili sa ganung posisyon hanggang sa kumalma ako.
"I knew you would come," sabi ko sabay ngumiti sa kabila ng pag-iyak ko.
"I'm sorry for taking you away now. If this is the only way to be with you, then I beg your parents my pardon." Sabi niya at nilahad ang kamay niya. Agad ko iyong tinanggap at naglakad na kami papunta kay Maximus. Bago pa man ako makasakay ay tinanggal ni Marcus ang itim niyang cloak. Isinuot niya ito saakin at binuhat ako pasakay sa likuran ni Maximus. Umupo na din siya sa bandang likuran ko. At tuluyan na kaming umalis. Nilingon ko muna ang bahay namin. At muli akong humingi ng tawad sa mga magulang ko sa huling pagkakataon.
Malamig ang simoy ng hangin na dumidikit sa aking balat. Hindi ko na itinanong kay Marcus kung saan kami pupunta. Ganun naman lagi diba? Kasi nasanay na ako. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Isang malaking kahangalan itong ginagawa namin, sadyang ganyan talaga. Marami kang nagagawang hindi inaasahan ng dahil lang sa pag-ibig. Kahit alam mong mali, gagawin mo parin. Bakit nga ba madalas ginagawa parin ng tao kahit mali? Para sakin, tama itong ginagawa namin. Matagal tagal rin ang itinakbo ni Maximus. Hanggang sa pumasok kami sa isang kagubatan. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Marcus at tiningnan ang mukha niya. Seryoso lang siya, pero kahit wala naman siyang ginawaㅡbumibilis ang tibok ng puso ko. At the same time, sumasakit. Bakit? Kasi alam kong hindi rin 'to magtatagal. Dahil habang tumatagal na kasama ko si Marcus, unti-unti ng nag sisink-in sa utak ko ang realidad.
Na ang salitang 'masaya' ay malabo na para samin.
"Where do you think you're going?" Agad napahinto ang kabayo ni Marcus dahil may lalaking nakatayo sa harap namin. Kinabahan ako kasi kilala ko ang boses na 'yun. Nakasandal 'yung lalaki sa isang puno at sa tabi niya ay may puting kabayo. Ngunit hindi lang siya nag-iisa, marami siyang kasama. Napaatras ang kabayo ni Marcus na si Maximus. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Marcus sa bewang ko. Tiningnan ko siya at nakakunot ngayon ang noo niya.
"Shit. Shit." Rinig kong sabi niya kahit halos pabulong na iyon. Muli kong sinulyapan 'yung lalaking nagsalita. Mabagal siyang naglakad papunta doon sa parteng maliwanag, kung saan doon tumatama ang sinag ng buwan. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Si Fienel nga ito. Kasama ang napakarami niyang kawal.
"Now, will you hand me down my fiancè?" Buong sistema ko ay agad na umatungal sa salitang 'fiancè'. Naglakad palapit si Fienel saamin pero nanatili paring nakahawak sa bewang ko si Marcus. Kahit naman na takasan namin sila, imposible. Dahil masyado silang madami at napaikutan agad nila kami.
"Hindi, hindi ko siya ibibigay sayo." Matigas na pagkakasabi ni Marcus. Bakas sa mukha ni Fienel ang pagka-inis.
"Sinasagad mo ba talaga ang pasensya ko, Marcus?" Pinasadahan naman ni Fienel ang buhok niya gamit ang mga daliri niya, out of frustration.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...