Chapter 18: War Flames

42 5 0
                                    

Lucille •

"Mahal na reyna, oras na po ng inyong pagpapahinga." Nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang tinig ng aking servant. Mula sa pagkakaluhod ay tumayo na ako. Pinasadahan ko siya ng ngiti bago magsalita.

"Sige, hintayin mo nalang ako sa labas." Tumango ito at mabilis na sumunod sa inutos ko. Nandito ako ngayon sa simbahan na nasa loob ng aming palasyo. Pinagdadasal ko na sana nasa maayos na kalagayan lang si Fienel. Kasama narin ang iba pang mga kawal na sumasabak sa gyera ngayon. Nakatitig lamang ako sa imahe ng panginoon at napabuntong hininga.

"Wag kang mag-alala Lucille, magiging ayos din ang lahat." Sabi ko saaking sarili at saka hinimas ang tiyan ko na medyo kalakihan na. Pitong buwan na ang lumilipas pero hindi parin nakakabalik ng palasyo si Fienel at ang mga kawal na kasama niya. Gabi-gabi akong naiiyak sa sobrang pag-aalala. Pero kinakailangan kong huwag malungkot dahil baka makasama pa ito sa baby. Isang buwan narin ang nakakalipas simula nung huling padala ng sulat saakin ni Fienel. Sinabi niya doon na mainit parin ang sitwasyon. Na huwag akong mag-aalala at mahal na mahal niya ako. Na babalik ka siya para saakin, para saamin ng anak niya.

Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Pagkatapos noon ay inayos ko na ang aking sarili at lumabas na ng simabahan. Sa mga nagdaang araw, naging maayos naman ang pamamalakad ko sa kaharian. Kahit na nasa kalagitnaan ng krisis ang aming bansaㅡstill, our country stood amongst all. Our country became the most properous one. Talagang sinigurado ko na pagbalik ni Fienel ay wala siyang problema na kakaharapin. I managed all of it. Kinaya ko ng mag-isa. I did my duty as a Queen. While my King is out there, fighting for the whole country. Ngayon ay hangang-hanga ako kay Fienel. He was not afraid of fighting. I know he loved this country so much. Kaya naiintindihan ko kung bakit kinakailangan niyang umalis.

Pero paano kung may mangyaring hindi maganda sakanya? Kakayanin ko ba? Because I'm madly inlove with him.

♠ ♠ ♠ ♠ ♠


• Fienel •

"Nahanap ko na kung saan ang kuta nila." Wika ni Marcus sabay turo sa isang parte ng mapa kung saan nakalapag ngayon sa aming bilugang mesa. Kasalukuyang nasa base kami ngayon, nagkalat ang mga tent sa labas kung saan nagpapahinga ang mga kawal ko. Habang ako, si Marcus at ang anim ko pang heneral ay nandito sa loob ng isang tent kung saan isinasagawa namin ang aming pagpaplano. Ng marinig ko ang sinabi ni Marcus ay agad kong naihampas ang palad ko sa mesa dala ng inis.

"Ilang buwan na ang nasasayang natin ng dahil sa digmaang ito. Dapat lang na matapos ito." Sabi ko. Inip na inip narin kasi ako. Pakiramdam ko ilang taon na kaming nakikipaglaban. Pero ayaw talaga magpatinag ni Aztalt.

"Mamayang gabi, maaari natin silang sugurin sa oras ng kanilang pagpapahinga. Dito, sa parteng ito." May itinuro si Marcus sa mapa kaya lahat kami ay napadako ang tingin doon. Isa iyong malawak na kagubatan sa likuran ng pinag kukutaan ng mga kalaban.

"Diyan tayo dadaan? Pero may ilog bago makarating sa gubat. Magagawa ba nating makatawid gamit ang ating mga kabayo?" Tumango si Marcus sa sinabi ko.

"Sa ngayon ay wala parin silang kamalay malay na nalaman na natin ang lokasyon nila." Nilagyan ni Marcus ng ekis ang lokasyon ng gubat. At ginuhitan niya ito, tracing towards our base.

"According to my spy, they are planning to march into the mountains of Pyx."

"Pyx?" Nagtataka kong tanong. Hanggang sa napaisip nalang ako kung saan sila papunta. Agad akong napatingin sa mapa. Tracing it with my fingers, it ended in the picture of a castle. Indicating the Red Kingdom in red ink.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon