⚫ The Author⚫
A few years later
"Alaron, bilisan mo at aalis na tayo." Wika ni Marcus sakanyang anak.
"Opo, 'tay! Andiyan na." Sagot naman ni Alaron at nilagay na sakanyang bag ang huling damit na tinupi niya. Agad na niya itong isinukbit sa balikat at lumabas na ng silid.
"Alaron, yung mga bilin ko sayo pagkarating natin doon ah? Wag mong kalilimutan." Sabi naman ni Solenn ng lumabas na ng bahay ang kanyang anak. Ngumiti naman si Alaron dito.
"Paano ko po makakalimutan eh halos araw-araw niyo pong pinapaalala sakin. Huwag maglilikot, huwag mangingialam ng gamit lalo na sa mga tao doon, at huwag magpagala-gala hangga't maaari." Natawa naman si Marcus sa inasta ng anak. Ginulo niya ng buhok nito.
"Tara na nga, para makapagpahinga na din agad." Sabi niya. Sumakay na sa karwahe ang tatlo matapos noon. Si Alaron naman ay nanatiling nakadungaw sa may bintana at pinagmasdang mabuti ang nilisan nilang tahanan.
It's been a week since the King summoned Marcus' family to the Royal Castle. Ilang taong kapayaan din ang namayani sa lupang nasasakupan ni Fienel, ngunit isang problema na naman ang biglaang lumitaw. Dahil dito, nagpasiya ang Hari na manatali ang pamilya ni Marcus sa palasyo. Kakailanganin niya ang tulong ni Marcus simula ngayon at para narin mabilis niya itong matawag kung sakaling may importante silang gagawin.
Napasuklay na lamang sakanyang buhok si Marcus gamit ang kanyang mga daliri sa lalim ng iniisip niya. Mapayapa na at normal ang pamumuhay nila. Tapos may susulpot na naman na problema. Pero dahil utos ng hari na manatili sila sa palasyo, naisip narin ni Marcus na mas ligtas sila doon at mas makakabuti ito sa mag-ina niya. Ilang oras pa ang lumipas at narating na nila ang palasyo. Dinala naman sila ng isang servant patungo sa silid na kanilang titirhan. Namangha naman si Alaron ng makita niya ang kwarto. Di hamak na tatlong beses na mas malaki ito kumpara sa bahay na tinitirhan nila. Kumpleto na ang mga gamit sa loob na halatang mamahalin. May chandelier na nakasabit sa sala, may malaking bintana rin at makapal na kurtina. Bukod sa ito ay tinatawag lamang na 'silid' ng Hari, meron pang tatlong kwarto sa loob nito kung saan nakalaan para lamang tulugan. May mga gamit narin at may mangilan ngilan pang damit sa mga kabinet nito.
"Mag-ayos na kayo." Utos ni Marcus sakanyang mag-ina.
"Ang ganda pala talaga dito, 'tay. Ang ganda ng bahay natin. Tapos, nakita niyo rin po ba 'yung mga painting doon sa hallway? Ang gaganda. Parang gusto ko rin matuto mag pinta." Natawa ng bahagya si Marcus sa kadaldalan ng kanyang anak.
"Sige, anak. Gagawin natin ang mga gusto mo. Pero bago yan, tulungan mo muna ang nanay mo na mag-ayos ha? Aalis muna ako at ipinapatawag ako ng Hari. Babalik din ako agad." Sabi niya. Tumango na lamang si Alaron dito. Pagkaalis ni Marcus ng kwarto ni Alaron, napaisip ang bata.
What life is waiting for him in this huge castle?
Dumako ang tingin niya sa malaking bintana. Naglakad siya at pinagmasdan ang magandang tanawin sa labas.
"What life is waiting for me, huh?" Sabi niya sakanyang sarili habang nakangiti. Habang nakatanaw sa labas, hindi maiwasan ni Alaron na makita ang sariling repleksyon nito sa salamin. Napahawak nalang siya bigla sakanyang buhok, at pagkatapos noon ay sakanyang mga mata naman. Nawala ang ngiti ni Alaron at nabalot na naman ng mga katanungan ang kanyang isip. Ilang beses na niyang tinanong sakanyang mga magulang,
Bakit siya may gintong buhok? Kung ang buhok naman ng kanyang mga magulang ay parehong itim. Bakit siya may asul na mga mata? Kung ang mga magulang niya naman ay pareho ring kahel ang kulay ng mata. 'Yun ang mga tanong na hanggang ngayon ay hindi parin nasasagot. Minsan pa nga ay naiiisip ni Alaron na ampon siya, pero agad ding napapawi iyon dahil kamukha niya naman ang kanyang ina. Pakiramdam ni Alaron hangga't hindi nasasagot ang misteryong ito sa pagkatao niya, hindi siya kumpleto. May kulang. At gusto niyang mapunan iyon.
"Teka, parang may tao dun ah." Sabi ni Alaron sakanyang sarili ng may mamataan siyang pigura ng tao sa isang lilim ng puno. Naisip ni Alaron na puntahan iyon. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nakita niya ang kanyang ina na nagluluto ng pagkain.
"Nay, doon lang po ako." Sabay turo ni Alaron sa labas. Napakunot ang noo ni Solenn.
"Doon? Saan?" Sunod sunod nitong tanong. Natawa naman si Alaron.
"Basta po, babalik po ako agad! Wag po kayong mag-alala, hindi ko po nakakalimutan ang mga bilin niyo." Hindi na nakasagot pa si Solenn dahil tumakbo na palabas si Alaron.
"Hay nako, kapag talaga mga bata kung ano-ano nalang ang maisipan gawin." Iiling-iling na sambit ni Solenn sakanyang sarili.
♠ ♠ ♠
"The red knight, my men saw him in the east side of Memoir sea." Sabi ni Fienel habang nasa harap niya naman nakaupo si Marcus. Silang dalawa lamang ang nag-uusap nito sa opisina ni Fienel.
"You mean, the same Knight who is responsible for the killings in the main marketplace? And the cause of war between us and the red kingdom?"
"Indeed," Fienel rested his chin on his two hands.
"Paano nangyari iyon? Ng matalo ang red kingdom sa digmaan, ang bansa nila ay nasa ilalim na ng iyong pamumuno." Sabi ni Marcus.
"Hindi talaga maiiwasan na may isang tataliwas sa utos, Marcus." Mahinanong wika ni Fienel. Humigop muna ito ng tsaa bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"This notorious Red Knight is well known for its excellent skills in killing. Kahit na siya ay nag-iisa, kayang kaya niyang patumbahin ang maraming kawal. No one has ever seen his face, and no one really knows what is his real name, nor his real motive."
"If he is the only one causing problems to this land, then we have no other choice but to erase his existence." Seryosong tiningnan ni Fienel si Marcus ng ilang sandali. Hindi malaman ni Marcus kung ano ang tumatakbo sa isip ng Hari. Tila ba may bumabagabag sa isip nito. May pagdadalawang isip, may pangamba.
"We have no match for him from very start," huminga ng malalim si Fienel. "And fighting him, has a five percent chance of going back alive."
Nabigla na lang si Marcus sa sinabi ni Fienel. Naguluhan siya. Paano nasasabi ni Fienel ang mga ito at tila siguradong sigurado siya? Ganun nalang ba talaga ka delikado ang taong 'yon? Na kahit ang Hari, ay may pagdadalawang isip?
♠ ♠ ♠
Napatigil sa pagtakbo si Alaron ng narating niya ang kinaroroonan ng taong nakita niya. Ilang metro lamang ang layo niya mula rito kaya kitang kita niya ang likod nito na nakaupo sa ilalim ng puno. Hinihingal pa si Alaron ng mga sandaling iyon ng biglang humampas ang malamig na simoy ng hangin sakanyang balat. Isang babae na sa tingin niya ka-edad niya ang nakaupo. Maikli ang ginintuang buhok nito. Napatitig saglit si Alaron sa likod ng babae. Halatang anak ng mayaman ang babaeng ito dahil sa magara nitong suot. Ang kanyang gown ay kakulay din ng kanyang buhok, na mas lalo namang pinaganda ng mga kulay itim na lace sa paligid ng damit.
Dahan dahang humakbang palapit si Alaron. Ngunit bigla rin siyang napatigil. Napakunot ang noo niya sakanyang nakita. Hindi niya alam kung namamalik mata ba siya o hindi, kaya mas lalo niya pa itong nilapitan. Hanggang sa malinaw niyang nakikita ang bagay na nasa kamay ng babae.
Isang kulay itim na rosas. Naglaho ito na parang abo at sumabay sa ihip ng hangin. Doon nalang napaatras si Alaron ng sumulpot na naman ulit ang itim na rosas sa palad ng babae.
"A-Anong klaseng mahika ito?" Ang tanong na lumabas sa bibig ni Alaron sa gitna ng pagkagulat.
End of Chapter 21
♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦
Dollsienna ❤
BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...
