Chapter 45: Revolt; Castle Seige

17 2 1
                                    

• The Author •






"There is no doubt, your majesty. The parts that we have gathered from the weapons used to attack our cities are from the Kingdom of Gold." The King of Green punched the table in front of him out of anger.



"I will not let this slide. Hurry up and gather my men. After we draw our battle plan, we will attack kingdom of Gold as soon as possible." The King commanded and his servants immediately rushed to do their tasks.




"How about the treaty, my king?" The worried Queen held her husband's hand because she knew he was confused and mad at this moment.




"What if they attack again? I can't stand by watching our land being burned." The King sighed out of frustration.








• • •








"Oh, it's tea time!' Masayang wika ng Reyna habang nag hahanda ng tsaa si Alaron.



Napasulyap naman ang binata sa kalangitan dahil may nararamdaman siyang kakaiba. Masama ang kaniyang kutob pero natigil siya sakaniyang malalim na pag-iisip matapos niyang maramdaman ang kamay ni Lucifiene.





"Ano ulit 'yung gusto mong sabihin?" Tanong nito habang umiinom ng tsaa.




"Gusto ko sanang bisitahin ang pamilya ko." Sagot naman ni Alaron.




"Walang problema. Ipapahanda ko sa mga tagapagsilbi si Maximus." Ngumiti si Alaron at umupo sa bakanteng upuan na nasa tapat ni Lucifiene.





"Don't worry, my Queen. I'm just gonna be quick. I'll be back at dawn."




Matapos nilang mag-usap ay agad ng nag-ayos si Alaron para sakaniyang pag-alis. Hindi parin siya mapalagay. It seems like a storm is brewing.




"Hiyaa!" Sigaw nito at mabilis na umalis sa palasyo. Sumagi na naman sa isip niya ang nakangiting Soleil. Sa ngayon ay gusto niyang makita ang kaniyang ama. Gulong gulo ang kaniyang isipan at sa tingin niya ay makakatulong ang kaniyang ama sakaniya.


Hapon na nang marating ni Alaron ang kaniyang dating tahanan. Tahimik ang bahay at napangiti nalang siya sa mga ala-alang bumalik sakaniya. Kung pwede lang na hindi na matapos ang mga masasayang araw. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Kumatok siya sa pinto ngunit walang sumasagot. Hindi niya alam kung nasa bahay ang kaniyang mga magulang kaya napag pasiyahan niyang buksan na ito. Nakita niyang nakaupo sa sala ang kaniyang ama, umiinom ito ng alak at halatang lasing na.






"Father?"





Nilingon ni Marcus ang anak niya at ngumisi ito sakaniya. Nagtaka naman si Alaron. Lumagok ulit ito ng alak bago magsalita.





"Soleil's not with you?" Tanong nito. Napayuko na lamang si Alaron at naikuyom ang mga kamay nang marinig niya ang pangalan ng kapatid.





"I...she's not with me." Sagot niya. Nahalata naman ng ama ang kakaibang kinikilos ni Alaron.





"Solenn..she just passed away today. I was hoping that Soleil was with you. So that she could bid her final goodbye to her mother." Unti-unting namuo ang mg a luha sa mata ni Alaron. Paano nga ba niya sasabihin sa ama ang nangyari? Lalo na ngayon na pumanaw ang kaniyang ina, hindi malaman ni Alaron kung ito ba talaga ang gustong mangyari ng tadhana. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya nito. Ano pa ba ang kailangan niyang tiisin?







Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon