Chapter 35: I'll Turn a Blind Eye, For You

19 1 0
                                        


• The Author •



Matapos ang seremonya ay lumayo muna si Lucifiene sa napakaraming tao. Binati naman siya ng mga taong nadadaanan niya at pilit naman itong sinusuklian ng isang tipid na ngiti ng reyna. Sa isang pasilyo, patungo sakaniyang malawak na hardin ay may lumapit sakaniyang isang kawal at may ibinulong ito. Agad namang napalingon si Lucifiene at hindi siya lubos makapaniwala sa taong nasa harap niya ngayon.

"My apologies to interrupt your peace, your majesty. But this man here requests your presence. And... And that he is the son of our former general Wraith." Agad namang yumuko at lumuhod ang kawal bilang pagpapakita ng paumanhin. Sinenyasan lamang ito ni Lucifiene na umalis na, at nanatili paring nakapako ang mga mata niya sa lalaking nasa harap niya. Kay tagal niya ring inasam na muling makita ang kumikinang na asul na mga mata ni Alaron. Nag unahang pumatak ang mga luha ni Lucifiene. Nabitawan niya ang kaniyang hawak na magarbong pamaypay sa sahig. At walang alinlangan na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Alaron.

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Alaron mula kay Lucifiene na siyang dahilan upang mawalan siya ng balanse at natumba silang dalawa. Ngunit hindi ito binigyang pansin ni Alaron. Sa mga sandaling iyon ay walang makapagsalita ni isa sakanila. Gusto lamang mahagkan ni Lucifiene ang huling tao na makakaintidi sa kung anong nararamdaman niya.

"Alaron," bulong ni Lucifiene habang hindi parin tumatahan sa pag-iyak. Hinaplos na lamang ni Alaron ang ginintuang buhok nito at sumagot ng,

"Andito na ako, mahal kong reyna. At hinding hindi na ako muling aalis sa tabi mo."


Ilang sandali pa ang itinagal nila sa posisyong iyon, ramdam mo ang pagkasabik ng dalawa na makitang muli ang isa't isa. Si Alaron ang naunang kumalas sa yakap at hinaplos ang pisngi ni Lucifiene. Tiningnan niya ito ng mataman sa mga mata.

"Alam kong marami akong pagkukulang, marami akong atraso. Ni isang sulat ay wala kang natanggap, alam ko. Alam kong ayaw nila tayong muling magkita, pero gumawa ako ng paraan. Alam kong sobrang tagal mong naghintay, pero andito na ako ngayon. Bumalik ako na may maipagmamalaki, Lucifiene. Now, I am fitted to stand beside you, my Queen." Lalo lamang naiyak si Lucifiene sa mga binitawang salita ni Alaron.


"Ngunit bakit ganoon, kung alam mong hindi ko natatanggap ang mga sulat mo, na saan na ang mga ito ngayon?" Tanong ng reyna.

Umiling si Alaron, ayaw niya na sanang banggitin ito kay Lucifiene dahil baka lalo lamang sumama ang loob nito. Ngunit wala na rin siyang magawa dahil ayaw niyang maglihim sa harap nito.

"Kinukumpiska ng mga kawal ng dating reyna ang mga dumarating kong sulat, Lucifiene. Iyon naman ay naintindihan ko. Nais lamang ng iyong ina na ika'y mapabuti." Mahinahong sagot ni Alaron. Matapos marinig iyon ni Lucifiene ay dahan dahan na itong tumayo na siya namang inalalayan ng lalaki, pinagpagan ng kaunti ang suot na damit at tumitig muli sa mga mata ni Alaron. Hindi mawari ni Alaron ang tumatakbo sa isip ni Lucifiene sa mga sandaling iyon. Ang tanging alam niya lang ay ang malakas na pagtibok ng puso niya, ang magandang mukha na nasa harap niya habang natatamaan ito ng sinag ng lumulubog na araw mula sa nagtataasang bintana na gawa sa salamin sa pasilyong iyon.



• • • •





Itinuro ng mga kawal kay Alaron ang kaniyang magiging silid. Kung ikukumpara sa bahay na tinitirhan niya ng kaniyang pamilya ay dalawang beses na mas malaki ito kaysa doon. Hindi parin mapigilang mamangha ni Alaron sa disenyo ng palasyo kahit na tumira na sila dito noon. Ilang taon na ang lumipas nung huling kita niya sa palasyo, pati narin kay Lucifiene. Ni wala manlang siyang maski isang litrato. Umupo si Alaron sa malambot na kama, at napag isip-isip ang mga bagay bagay. Hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang mahigpit na yakap na ibinigay sakaniya ni Lucifiene. Napagpasiyahan nalang ni Alaron na itulog na lamang ito. Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ngunit hindi parin maalis sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit na nakikita niya ang mukha ni Lucifiene sakaniyang isipan. Dahil doon ay hindi dinalaw ng antok si Alaron. Bumangon na lamang siya at napagpasiyahang maglakad lakad sa labas.

Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon