• Fienel •
"The Red Kingdom," seryoso akong nakatingin sa envelope na hawak ko. Ano naman kaya ngayon ang kailangan nila? Talagang napaka-gahaman ng kahariang ito. Hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila.
"Bakit, mahal kong hari? May problema ba?" Napasulyap ako kay Lucille ng bigla siyang magsalita. Sa isang iglap ay nawala ang pangamba at inis ko. Isinilid ko na lamang ang sobre sa bulsa ng aking damit. Nginitian ko si Lucille at hinalikan sakanyang noo.
"Wala kang dapat ipag-alala aking reyna. Nasa ayos ang lahat. Sa tingin ko dapat kanang magpahinga. Hindi ka pwedeng mapagod lalo na't buntis ka." Pagkatapos nun ay hinawakan ko ang kanyang kamay at hinatid siya patungo sa aming kwarto. Ng masiguro ko na makakapag pahinga na siya ng maayos, nagpaalam ako sakanya na mananatili muna ako sa aking silid kung saan inaasikaso ko ang mga papeles para sa aking kaharian. Doon ko narin babasahin ang sulat na ipinadala saakin.
Pagkaupo ko palang ay agad ko ng binuksan yung sobre. Agad akong nakaramdam ng galit dahil sa nabasa ko.
The Land of Red
The Most Reverend and Divinely Favored, King Aztalt VisciousKing Fienel Lucid Everbleed of the Golden Kingdom, we expect you, and your army's presence tomorrow at dawn; in the field of fallen warriors. I shall raise war because of your arrogance. Think not, for I will not sit silence anymore as I reminisce the havock you carried to my country's land.
The time has come that I shall avenge my people and my soldiers. If you defy on showing presence, then your country is our battlefield.
(Red Kingdom's Emblem)
Binalik ko na sa sobre ang sulat na ibinigay saakin ni Aztalt. Akala ko ay nagawan ko na ng solusyon ang problema noon. Nakakainis kasi malinaw naman kung sino ang nagsimula, I was just so furious that time na nagawa kong sumugod sa kaharian niya ng walang pasabi. Doon, I raised war. Pero wala akong aasahan sa Aztalt na 'yon. Malinaw din ang napag-usapan namin. Ititigil ko ang gyera, kapag hinayaan na niya ang aking kaharian. We even signed a truce. Pero ano 'to? Kung may masama man siyang balak, ako ang makakalaban niya. I won't ever let him lay a single touch on my country. Lalo na't ipinagbubuntis ni Lucille ngayon ang aming anak.
Ibinagsak ko ang sobre sa aking mesa na kanina ko pa hawak. Talagang ginagalit ako ni Aztalt. Hindi ko siya uurungan.
"CARYLE!" Tawag ko sa aking kanang kamay. Agad naman siyang pumasok saaking silid at nagbigay galang saakin.
"Ano po ang maipaglilingkod ko, Haring Fienel?" Magalang nitong wika saakin. Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at marahang hinahaplos ang baba ko habang malalim ang iniisip. Lumipas muna ang ilang segundo bago ako nakasagot.
"Sabihin mo kay Marcus na ihanda ang aking mga kawal. Tomorrow, at dawn. We will march to the field of fallen warriors. Dapat ko ng tapusin ang alitan sa pagitan namin ni Haring Aztalt."
"Masusunod, Haring Fienel. Wala na po ba kayong ibang ipag-uutos?" Tiningnan ko si Caryle ng seryoso, bumuntong hininga ako bago tuluyang sabihin ang huli kong utos.
"Ihanda mo na rin ang aking armor, ako ang kakausap kay Aztalt ng harapan." Nagulat si Caryle sa sinabi ko.
"S-Sigurado po ba kayo, kamahalan? Masyadong delikado. Pwede namang mga ambassador mo nalang ang magpakita." I shooked my head as a sign that I disagree.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasíaTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...