⚫ Lucille ⚫"Susmaryosep naman pala Lucille! Binisita ka talaga ng prinsipe?" Hindi makapaniwalang tanong ni Llorona. Bakas sa mukha nito ang sobrang kilig dahil niyuyogyog pa nito ang mga braso ko. Kahapon lang din naganap ang pagpapakita ni Prinsipe Fienel sa publiko. At syempre, nagkaroon ng malaking salo-salo na tanging mga opisyal lang ang nandoon. Pasaway din 'yung prinsipe na 'yun e. Akalain mong tinakasan ang tagabantay niya para lang makapag liwaliw sa gitna ng gabi. Hindi pa nakuntento at naisip pang manggahasa? Hindi ko naman ikinwento kay Llorona 'yon, tanging kaming tatlo lang nina Marcus ang nakakaalam. Naikwento ko lang sakanya ay yung di inaasahang pagbisita ni Prinsipe Fienel sa bahay namin.
"Umamin ka nga sakin, Lucille. Anong shampoo ang gamit mo?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ha? Anong konek ng shampoo sa sinabi ko?" Umirap nalang ito sabay tawa. Praning talaga 'to minsan si Llorona. Hindi ko ma-gets minsan ang sense of humor niya.
"Nevermind na nga lang. So, ano? Nililigawan ka ba ng prinsipe? Nako, for sure. Kaya 'yun nandun para mag pa-impress sayo." Naging isang malaking "O" ang bibig ko dahil sa mga pinagsasabi ni Llorona. Kaya lang naman nandun si Prinsipe Fienel dahil gusto niya bumawi sa nagawa niya. You know what I mean. Tapos ngayon sasabihin ni Llorona may gusto ito sakin? Like, hello? Prinisipe siya. Malamang marami na siyang nakitang magandang babae kesa saakin. Siguro nga may nakatakda na 'yung asawa. Ganun naman kapag kabilang ka sa Royal Family. Uso ang arranged marriage. Isa pa, hindi ako maganda. As in, no! Isa lang akong normal na babae, hindi mayaman. Pero hindi din naman mahirap. Wala din akong dugong maharlika.
"Imposible yang sinasabi mo, Llorona. At kung magkatotoo man yang sinasabi mo, ayoko parin." Sagot ko sakanya sabay tayo. Nandito kasi siya sa bahay namin, bumisita. Ako naman aalis din maya-maya para kumuha ng mga halamang gamot. Nautusan pa ako ni Mama.
"Bakit ayaw mo? Gwapo naman ang prinsipe, magiging reyna kapa kung sakali!" Masayang wika ni Llorona at tila kumikislap pa ang mga mata. Bumuntong hininga ako at tinigil saglit ang pag-aayos sa basket na gagamitin ko.
"Llorona, hindi ko kailangang maging reyna. Masaya nga 'yun, at the same time mahirap din. Malaki ang responsibilidad na kaakibat ng pagiging reyna. Pero mahal ko si Marcus, Llorona. Kuntento na ako sakanya. I don't need a Prince or a King, I need a man who can fight for me in the middle of struggles." Napairap muli si Llorona at siya naman ngayon ang napabuntong hininga.
"Fine, masyado ka namang seryoso diyan." Sabi nito sabay tawa. Nginitian ko nalang siya at muling inayos ang basket na gagamitin ko.
"Ano nga palang gagawin mo?" Tanong nito sakin habang sinisilip ang ginagawa ko. Nilalagyan ko lang ng puting tela ang loob ng basket.
"Inutusan ako ni Mama na manguha ng halamang gamot. Nagkasakit si Papa e. Gusto mo ba sumama, Llorona?"
"Pasensya kana, kailangan ko narin kasing umalis. May mga aasikasuhin pa ako." Sagot nito at tumango nalang ako. Sabay kaming lumabas ni Llorona ng bahay, naghiwalay din kami dahil dumiretso siya sa bahay nila. Ako naman dumiretso ako sa may kagubatan. Kabisado ko naman ang gubat dito dahil ilang beses narin akong pumunta para manguha ng mga halamang gamot. Pero syempre hindi ako masyadong pumupunta sa malayo. Hindi ako lumalagpas sa may ilog, dahil 'yun ang ginawa kong boundary. Hindi ko na kasi alam kung ano pang meron pagkalagpas sa ilog.
Habang naglalakad ako ay sinasabayan ko ito ng pagkanta, 'yung hindi ganoon kalakas. Para hindi ako mabagot kalalakad. Mataas ang sikat ng araw ngayon pero hindi ko dama ang init dahil narin sa mga malalaking puno na nandito. Ang gaganda din ng mga bulaklak na nandito. Gusto ko sanang pitasin kaso naalala ko na kailangan kong magmadali. Di nagtagal ay agad ko namang nahanap ang pakay ko. Agad na akong nanguha. Ngunit sa gitna ng ginagawa ko ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Doon ko lang napagtanto na malapit lang pala ako sa ilog.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasiTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...