Chapter 24: Piano Sonata

34 3 0
                                    

⚫ The Author⚫


"Gamitin mo ang isip mo, Alaron! Huwag ang nararamdaman mo!" sigaw ng ama ni Alaron sakanya. Nanginginig man ay pinilit paring hawakan ni Alaron ng mahigpit ang kanyang espada. Napapakagat labi siya dahil hindi niya talaga magawa. Hindi niya kayang saktan ang kanyang ama kahit pa na ito ay isang pagsasanay lamang. Nakita ito ni Marcus sa mga mata ni Alaron, kaya naman ay bumitiw na siya sakanyang fighting stance, tumayo ng matuwid at napabuntong hininga.


"P-Patawad, ama." wika ni Alaron na para bang iiyak na ano mang oras. Hinawakan naman ni Marcus ang magkabilang balikat ng anak.


"Tumingin ka sakin, Alaron." sinunod naman ni Alaron ang utos ng ama. "Inilagay ang utak sa itaas kesa sa puso, ay dahil dapat isip ang inuuna, pangalawa ang damdamin. Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko?" isang mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid matapos 'non. Binitawan na ni Marcus ang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ni Alaron. Tumingin si Marcus sa malayo. Hindi narin maintindihan ni Alaron kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng kanyang ama.

"Hindi rin naman masama na sundin mo kung ano ang iyong nararamdaman. Ang akin lang, mas mabuting pag-isipan ng mabuti ang desisyon mo. Alam mo, anak. May isang desisyon ako na talagang pinagsisisihan ko. At ayoko na umabot ka sa ganung sitwasyon." tiningnan ni Marcus ang kanyang anak. Those innocent blue eyes, that resembles much of a sea.


"Well, shall we start again Alaron?" sabi ni Marcus at naghanda na. Tumango naman si Alaron. "Opo." sagot naman niya. Mabilis na winasiwas ni Marcus ang kanyang espada patungo kay Alaron. Agad naman itong nasangga ng bata, sabay buong pwersa niyang itinulak si Marcus para ito ay mapaatras at makagawa siya ng kaunting distansya. Sa mga sandaling iyon, naisip ni Alaron na kung hahayaan niyang pangunahan siya ng takot, paano niya mapo-protektahan ang prinsesa? Paano niya ito maipagtatanggol? Especially now that the princess is really a fragile person.

Yumuko si Alaron para maiwasan ang atake ng kanyang ama sa itaas. Habang nakayuko ay sinundan ito ni Alaron ng pag-atake sa bandang tiyan ng kanyang ama, kung hindi mabilis si Marcus ay malamang natalo siya. Pero isang daplis lamang sa tagiliran ang nagawa ni Alaron.


"Hmm. Nagbago yata ang ihip ng hangin. You got your motivation, don't you?" napangiti si Alaron at napakamot sakanyang ulo.


"Sort of," sagot ni Alaron na medyo umiiling pa. Ayaw niya mapunta sa ganung usapan ang kanyang ama.


"Nagbibinata na ba ang anak ko?" nakangiting wika ni Marcus. Agad namang pinamulahan ng mukha si Alaron kaya gumawa siya ng paraan para hindi ito makita ng ama.


"H-Hindi sa ganun, ama." biglang humalakhak si Marcus kaya napatingin sakanya si Alaron na puno ng pagtataka.


"Walang masama diyan, Alaron. Ang masama, ay 'yung hindi mo ipinaglaban kung ano ang nararamdaman mo." hindi nakasagot si Alaron sa sinabing iyon ni Marcus. Alam niya at ramdam niya na bukod sa sinabing iyon ng ama ay may iba pang ibig sabihin.

"May nangyari kaya?"   ang tanong na gumugulo ngayon sa isip niya.


"See you later, son. Mag-uusap pa kami muli ng mahal na Hari." sabi nito sakanya habang inaayos ang mga gamit nito. Napa-oo na lamang si Alaron at pinagmasdan ang kanyang ama na naglalakad palayo. Napaupo si Alaron sa damuhan at tiningnan ang asul na kalangitan, habang ito ay napapalibutan ng mga puting ulap.

"Sa tingin ko nga, may pagsubok na pinagdaanan din si ama. Pero hindi niya nalagpasan kaya naman pinapayuhan niya ako dahil ayaw niya 'yung mangyari sakin." napangiti si Alaron matapos niyang sabihin iyon sa kanyang sarili. Nagpahinga siya saglit sa damuhan pero di nagtagal ay nagpasiya na siyang pumasok sa loob ng palasyo. Bitbit ang kanyang espada, may nadaanan siyang isang silid. Kahit siya ay nasa labas, naririnig niya parin ang piano na tumutugtog sa loob. Lumapit siya sa pinto ng silid para mas mapakinggang mabuti ang tugtog.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon