Chapter 42: Repent.

16 2 0
                                        


• Alaron •




Malakas na hangin ang tumama sa buong katawan ko. Amoy na amoy ang usok mula sa mga nagbabagang apoy at ang mga abo mula sa natutupok na kahoy. Sa sobrang ingay ng sigawan at iyakan ay tila ba para na akong nabibingi. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng kalsadang ito habang ang mga tao ay humihingi ng saklolo at kanya-kanyang takbo para mailigtas ang kanilang munting buhay.


Kahit napakainit ng paligid ay tila ba nanlalamig ang buong pagkatao ko. Nakatitig sa nagngangalit na apoy na nasa harapan ko. Saan ako nagkamali? Hindi ko alintana ang bawat paso na natatamo ng balat ko, basta nanatili akong nakatayo doon. Dahan dahan ko namang tiningnan ang marumi kong palad na puno ng sugat at dugo.




Was I mistaken?





Narandaman kong nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mas mainit pa ang mga luhang ito kaysa sa apoy na nasa paligid ko.






Did the Queen actually loved the prince?





• • •


Previous Day.




• The Author •





Sakay si Maximus, nagtungo si Alaron sa kapitolyo upang bisitahin ang kaniyang kapatid na si Soleil. Pero nang marating niya ang maliit na bahay nito ay wala siya doon. Ngumiti ng bahagya ang binata dahil mukang nandoon na naman ang kapatid sa paborito nitong lugar. Agad niya namang inutusan ang kabayo na umalis

Narating ni Alaron ang isang lugar di kalayuan sa siyudad. Mula rito, kitang kita ang mga kabahayan sa ibaba. Katulad ng bahay nila sa probinsya, ganoon rin ang tanawin dito. Maraming mga bulaklak sa paligid, at ang mga bulaklak na ito ay namumukadkad lamang sa sinag ng buwan. Puting puti ang kulay at mahalimuyak ang amoy. Ang itsura nito ay kahawig ng isang rosas, ang pinagkaiba lang nila ay wala ito ni-isang tinik sa tangkay.




"Sabi ko na at nandito ka." Lumingon si Soleil at sinalubong ang kaniyang kapatid.



"These flowers are so delicate. Alam mo bang ito ang madalas na paboritong bilhin ng mga tao samin?" Masayang wika ng dalaga at ginulo naman ni Alaron ang buhok nito. Hinawakan ni Alaron ang kamay ni Soleil at naglakad sila para pagmasdan ang tanawin sa ibaba.




"It's already 9. Why are you still out here?" Tanong ni Alaron.



"Kaya ko naman ang sarili ko. Tanda ko na kaya." Pagmamalaki ni Soleil. Tumawa naman ang binata.



"Pero seryoso nga. Dapat hindi ka nagpapagabi masyado sa labas. Alam mo namang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo." Seryosong pagkakasabi ni Alaron at tiningnan si Soleil.



"Fine. But I can still go here, right? Kahit hanggang 7 lang. Sa gabi lang kasi namumukadkad ito kapag maliwanag ang buwan." Napakamot na lamang sa ulo si Alaron dahil talagang nagpupumilit si Soleil.



"Sige papayag ako." Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Soleil at niyakap ang kapatid dahil sa tuwa.



"Soleil?" Napalingon naman ang dalawa matapos nilang marinig ang isang malalim na boses na tumawag kay Soleil. Pamilyar kay Alaron ang boses na ito at doon nagpakita ang isang binata na nakamaskara mula sa anino ng mga puno.



Agad namang iniharang ni Alaron ang kanyang kamay sa pagitan nila ni Soleil habang ang dalaga ay pinagtago niya sakaniyang likod. Seryoso ang mukha ni Alaron habang nakahanda naman ang isa niyang kamay na bunutin ang espada.


Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon