Chapter 25: Let's Escape Reality

42 4 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[A/N : The Canadian Parliament portrays as the Everbleed Kingdom.]



⚫ The Author⚫

It's been a while since Lucifiene noticed that it was already spring. The season of her birthday. Nakatingin lamang si Lucifiene sa kanyang sarili sa salamin. Hindi malaman ng prinsesa kung anong dapat niyang maramdaman para sakanyang sarili. Dapat ba siyang matuwa? Dahil ipinanganak siya sa isang marangyang pamilya? Magpasalamat? Dahil biniyayaan siya ng mapagmahal na mga magulang? Oo, yun ang gusto niyang maramdaman. Pero may parte sakanyang hindi, at yun naman ang hindi niya maintindihan. Lucifiene touched the mirror, it was actually a four-stand mirror which she can fully see her whole body. Tumingin siya sakanyang gilid at muli niyang nakita ang kanyang sarili. Napailing siya habang tinitingnan ang sarili nitong repleksyon.

"It's my birthday, isn't it?" she said to herself. Napatingin na lamang siya sa pinto ng makarinig siya ng sunod sunod na katok.

"Your highness, the grand ball is about to start. Are you sure you don't need the maids to fix your gown?" si Louie. Napabuntong hininga naman si Lucifiene.


"I can handle myself, Louie. Thank you." sagot naman ni Lucifiene. Ayaw niya sanang gawin ang ganitong okasyon, ayaw niya sa maraming tao, pero wala siyang magagawa dahil ito ang ipinilit ng kanyang ama.

"I'll be waiting here to escort you, princess. Remember that the event won't start without the birthday celebrant." Paalala naman ni Louie. Nakaramdam ng inis si Lucifiene.


"You don't have to remind me, Louie." Inayos na niya ang kanyang sarili matapos noon. Umupo siya sa harap ng apat na salamin at sinimulang suklayin ang kanyang buhok.

"Yea, it's been a while since the day that Alaron and I met." Wika niya sakanyang sarili matapos niyang suklayin ang kanyang buhok. Binaling niya naman ang kanyang tingin sa bintana ng kanyang kwarto, at napangiti. "Spring,"  tumayo na si Lucifiene at naglakad papunta sa pintuan. Dahan dahan niya itong binuksan at agad siyang sinalubong ni Louie.


♠️  ♠️  ♠️


"Grabe, ang ganda ng dekorasyon sa palasyo. Ang liwanag. At ang daming tao. Palagay ko lahat ng mga nandito ay mayayaman." manghang wika ni Alaron sakanyang ina. Ginulo naman ni Solenn ang buhok ng kanyang anak at napatawa ng mahina.

"Ngayon lang din ako nakadalo ng ganitong pagdiriwang sa loob mismo ng palasyo. Pero palagay ko simula ngayon ay dapat masanay kana sa ganitong okasyon. Tandaan mo ang mga bilin ko, ha?" Napakamot naman si Alaron sakanyang ulo.


"Opo, hinding hindi ko po makakalimutan ang mga bilin niyo."


Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon