[BGM: Can You Hear My Heart by Epik High ft. Lee Hi]
⚫ Lucille ⚫
♪ Are you listening?
To my voice, to this confession for you?"Wake up, milady!" Nagising nalang ako ng may marinig akong masiglang boses. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Umaga na pala. Akalain mong nakatulog pa ako? Matapos ng lahat na nangyari kagabi. Siguro sa sobrang pagod ko kakaiyak, nakatulog nalang ako. Nakita ko 'yung babae na gumigising sakin, inaayos niya 'yung kurtina para makapasok ang liwanag sa kwarto ko. Pagkatapos ay binuksan niya ang mga bintana para makapasok naman ang hangin. Binaling niyang muli ang atensyon sakin, nginitian niya ako. Ako naman ay bumangon na, medyo antok pa talaga ako.
♪ Are you listening now?
Can you hear my heart?"Milady! What happened to your eyes?" Gulat niyang pagkakatanong sakin. Napakunot ang noo ko sakanya. Bakit? Ano bang nangyari sa mata ko? Shocked na shocked siyang nakatingin at dali-daling kumuha ng hand mirror at binigay sakin. Doon ko nalaman kumbakit siya gulat na gulat. Napabuntong hininga ako. Inaasahan ko na 'to. 'Yung mga mata ko kasi, parang kinagat ng bubuyog sa sobrang paga!
"Wag kang mag-aalala, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi at ganito ang nangyayari sa mata ko kapag puyat." I lied. Kahit na ang totoo, I cried all night hanggang sa kusa ng bumigay ang katawan ko. Halatang hindi siya convinced sa sinabi ko, pero hindi narin naman siya nangulit. Good thing. Kasi walang wala ako sa mood ngayong araw.
♪ Like a rain drops falling on the window
You enter my heart"O-Okay. And oh! By the way, milady. I am your personal maid. My name is Loisa." Nakangiti niyang wika. Nakakagaan ng loob ang ngiti niya. Mas gusto ko pang makita ang ngiti ng maid ko kesa makita ang mga taong ayoko makita dito sa mansyon.
♪ I need you, I need you
I miss you"Nakahanda na po 'yung paliguan niyo," sabi niya at inilahad sakin ang isang kulay cream na towel. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Sinabi niya din sakin na dito lang daw siya maghihintay sa kwarto ko para mabihisan at ayusan ako. Okay? Kahit na ayoko, hinayaan ko nalang kasi pagod na akong makipagtalo. Malaki ang banyo pagpasok ko, may maliit na pool sa gitna kung saan doon ako magbababad ng katawan. Nakahanda narin 'yung mga shampoo at sabon na gagamitin ko. Nagsimula na akong maghubad at pumunta sa tubig. Maligamgam ang tubig kaya naman narerelax ang katawan ko. Pansin ko din na sobrang bango ng tubig, siguro nilagyan na ito ng sabon o kung ano man. Ang gara pa tingnan kasi may rose petals pa ang nandito.
♪ I saved my words in order to forget you
I tell myself that I really forgot
But in the end, I'm talking about youMatagal akong nanatili doon. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari ngayong araw. Kahit sa sandaling ito nalang, kumalma ang isip ko. Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko ng umahon. Nagpatuyo ako ng katawan at sinuot iyong bathrobe na nandito. Paglabas ko ay nandun nga si Loisa. Pagkakita niya sakin ay agad itong tumayo at ngumiti.
♪ But I need to forget that I'm trying to forget you
In order to really forget you"Ako na po ang bahala sa damit niyo," sabi niya sakin. Sinimulan niya na akong ayusan. Maganda 'yung gown na nakahanda sakin. Kulay purple at may white na frills. Si Loisa nadin ang nag-ayos ng buhok ko pati makeup. Namangha pa ako kasi nagawa niyang itago ang mga paga kong mata.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantezieTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...