• The Author •"Ito na ba ang lahat ng kahon?" Wika ng isang matandang lalake na nakatayo sa isang karitela na puno ng mga kahon sa kanyang paligid.
"Opo. Yan na po lahat para sa araw na 'to." Sagot ni Alaron na nakangiti, habang pinupunasan ang kanyang pawis mula sa pagbubuhat ng mga kahon.
"Osige, salamat. Eto ang bayad ko. Sa susunod uli kapag may ihahatid akong kalakal, ikaw ang hahanapin ko." Nakangiting wika ng matanda kay Alaron, sabay iniabot ang bayad sa binata. Yumuko naman si Alaron bilang pasasalamat.
"Salamat din po. Mag-iingat po kayo sa byahe." Pagkatapos ng kanilang usapan ay umalis na rin si Alaron sa pamilihan at umuwi.
Habang naglalakad ay paulit-ulit na nagpupunas ng pawis si Alaron dahil sa tindi ng sikat ng araw. Ibinulsa ang salaping kinita ng araw na 'yon, habang iniinda ang kanyang pagod. Simula 'nung araw na naghiwalay ang landas nila ni Lucifiene, siya ang nagtrabaho bilang tagapaghatid ng mga kalakal sa lokal na pamilihan. Ipinangako ni Alaron sakanyang sarili na kapag siya ay nakapag-ipon at nakapagtapos ng pag-aaral, babalik siya sa palasyo upang makitang muli si Lucifiene. Alam niya na sa malayong lugar sila pinadala ng reyna, pero hindi ito naging dahilan para panghinaan siya ng loob.
Nang makarating si Alaron sa kanilang bahay, agad siyang sinalubong ng kanyang ina. Niyakap siya nito at niyakap din naman ni Alaron pabalik.
"Kamusta ang trabaho? Nako, pawis na pawis ka. Umupo ka nga muna rito." Nag-aalalang sambit ng kanyang ina. Sinunod naman ni Alaron ang sinabi nito. Maya-maya pa ay kumuha ng tubig si Solenn at inabot kay Alaron.
"Wag po kayong mag-alala, maayos naman po ang pakiramdam ko. Masyado lang pong mainit sa labas pero konting pahinga lang, aarangkada na ulit ako." Natatawang wika ni Alaron. Napangiti naman si Solenn.
"Nahihiya ako sayo, anak. Kasi ang magulang dapat ang nagtatrabaho para sa kanilang anak. Pero tingnan mo ngayon-" Hindi na pinatapos ni Alaron ang sasabihin ng kanyang ina at hinawakan ito sa magkabilang braso.
"Nay, wag niyo na pong alalahanin 'yun. Wala akong pakialam kung ako yung nagtatrabaho, ang mahalaga maayos tayong lahat dito. Tsaka, magpagaling muna kayo. Mahalagang mahalaga ang kalusugan niyo." Halos maluha si Solenn sa mga sinabi ni Alaron. Sa loob loob niya, sobra siyang nagpapasalamat at nabiyayaan siya ng anak na may mabuting puso. Simula kasi ng dapuan siya ng kakaibang lagnat ilang araw lang matapos nilang umalis sa palasyo, nagpasyang maghanap ng trabaho si Alaron pangdagdag sakanilang gastusin. Kahit na sapat naman ang pera ni Marcus para sa pagpapagamot niya, nagpumilit parin si Alaron kaya wala na silang nagawa.
"Osya, bago pa tayo mag-iyakan dito. May mahalaga akong sasabihin sayo Alaron." Sabi ni Solenn. Napakunot naman ang noo ni Alaron.
"Ano po 'yun, Nay?" Bumuntong hininga naman si Solenn.
"Hindi ako sigurado kung matutuwa ka, pero kasi anak. May nakita akong isang babae sa labas lang ng bahay natin habang namimitas ako ng bulaklak."
"Babae? Eh nasaan na po?"
"Natutulog siya ngayon sa kwarto namin ni Marcus. Anak, naawa ako sa kalagayan niya. Mukha siyang naliligaw, hindi ako sigurado. Marumi at sira-sira ang kaniyang damit."
"Ganun po ba?" Napaisip si Alaron ng ilang saglit.
"Pwede ko po ba siyang makita ngayon?" Tanong niya, tumango naman ang kaniyang ina.
"Dahan dahan lang, at baka magising siya." Sabi ni Solenn. At pumasok na nga sila sa kwarto. Bumungad kay Alaron ang babaeng natutulog, ngunit nakatalikod ito mula sa pwesto nila. Namangha si Alaron sa ganda at haba ng buhok nito. Isang asul, ngunit may pagka-luntian ang buhok nito. Tila ba lumiliwanag kahit na may kadiliman ang silid.

BINABASA MO ANG
Tsumi No Hana
FantasyTsumi no Hana (The Flower of Sins) "A true sin is a sin you can never atone," Legend has it that there exist a flower that could grant any wish your heart desiresㅡbut unknown to all the price to pay is grand and thus it is called "The Flower of Sin...