Chapter 4: The Butterfly and the Flower

78 6 0
                                    

⚫ Lucille ⚫

Agad akong nagtatakbo sa tuwa ng marating namin ang lugar na tinutukoy ni Marcus. Kahit na naka-dress ako at posibleng madapa ako kung sakaling matapakan ko ang laylayan nito, wala akong pakialam. Nasa lugar ang buong atensyon ko ngayon. Inilibot ko ang tingin ko sa napakagandang lugar. It was a very beautiful field of flowers. Different kinds of flowers. Masyadong makulay ang paligid. Matapos kong tingnan ang paligid ay tiningnan ko si Marcus na nakatayo lang sa likod ko. Nakangiti siya sakin.

"Paano mo nalaman ang lugar na'to? Ang ganda, Marcus." Sabi ko sakanya habang naglalakad palapit.

"Nakita ko lang 'to ng galing kami sa palasyo. Naisip ko na, magugustuhan mo ang lugar na'to. Hindi ko nga alam kung paano tumubo ang iba't-ibang uri ng bulaklak dito." Sabi niya.

"Oo nga. Nakakapagtaka. Pero maganda." Sagot ko naman. Hindi ganun kainit ngayong araw, dahil makakapal ang ulap ngayon. Pero hindi naman sila makulimlim.

"At isa pa, alam kong mahilig ka sa bulaklak. Mula sa damit at mga kagamitan mo sa bahay niyo, halata. Parehas kayo ng Mama mo." Hindi ko alam ang sasabihin kay Marcus matapos nun, malaking parte sakin ang labis na nasiyahan ng sabihin niya ang hilig ko.

"Pero, bakit nung birthday ko. Isang butterfly hair clip ang binigay mo at hindi flower?" Biglang sumagi sa isip ko ang tanong na ito. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan, nagtaka lang ng kaunti. Ngayong sinabi niya na alam niya pala ang hilig ko sa bulaklak.

"Kasi, Lucille." Tinitigan ko siya at talagang hinintay ang susunod niyang sasabihin. Pero di kalaunan ay nailang din ako. Grabe kasi siya makatitig sakin. Pero pinilit kong huwag itong ipahalata sakanya.

"Para sakin, isa kang napakagandang paru-paro." Matapos niyang sabihin yun ay sumilay muli ang mga ngiti sa labi niya. Hindi pa siya nangangalay kakangiti? Hahaha. Napataas naman ang kilay ko pagkatapos nun. Hindi ako nagsalita at hinintay muli ang susunod niya pang sasabihin.

"You're like a butterfly, and I'm like a flower. Because of you, a flower like me bloomed this way. I turned to be the best flower I could be. You turned out the best of me, Lucille." Nawalan ako ng salita na sasabihin sakanya. Nagwawala ang sistema ko sa sinabi niya. Ibig niyang sabihin, ng dahil sakin ay naging 'better person' siya? Nagitla nalang ako ng pisilin niya ang pisngi ko.

"I love it when you react like that. Out of words, and just looking at me. Only me." Seryoso. Hindi ko na alam ang sasabihin pa. Binaba ko ng kaunti ang sombrero ko kasi nahihiya na talaga ako. Nahihiya ako at nag-iinit ang pisngi ko.

"Ang mais mo talaga, Marcus." Yun nalang ang tanging nasabi ko sakanya. Pero aaminin ko na masaya ako sa sinabi niya. Humalakhak naman siya. Oo, halakhak talaga.

"Wag mong takpan ang mukha mo," sabi niya at pilit tinataas ang sombrero ko. Pero hinawakan ko ito ng mahigpit para hindi siya magtagumpay.

"Ayaw!" Sagot ko naman.

"Wag ka ng mahiya." Sabi niya na natatawa padin. Sumimangot ako sa isip ko. Dahil malapit na sana niyang maitaas ang sombrero, at sa nahihiya akong tingnan siya ay agad akong tumalikod.

"Dapat nga ako ang nahihiya ngayon dahil sa mga pinagsasabi ko e," rinig kong sabi niya. Nagkunwari akong walang narinig at nagturo ng kung ano-ano.

"Ang ganda naman ng bulaklak na yun! Ay Marcus tingnan mo oh, ang daming paru-paro." Pag-iiba ko sa usapan at tumakbo. Pero nakakailang hakbang palang ako ng matapakan ko na talaga ang laylayan ng dress kong hanggang paa. Naramdaman ko naman ang agad na paghawak ni Marcus sa bewang ko. Ayan, Lucille. Sinasabi ko na nga ba. Napaka-careless.

Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon