Chapter 22: Mysteries

55 4 0
                                    

⚫ Alaron ⚫


"Mama, bakit ganito ang kulay ng buhok at mata ko?" Napatigil sa pagsasandok ng ulam noon si ina at napatingin sakin. Bumuntong hininga siya sabay ngiti, ang ganda talaga tingnan ni ina kapag ngumingiti. Kaya ayaw na ayaw ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Nilapag niya muna sa mesa ang sinabawang ulam namin sa mesa. Pagkatapos nun ay lumapit siya sakin. Yumuko siya para maging kapantay niya ako at hinawakan ang dalawa kong braso.

"Dahil alam kong espesyal ka," sabi niya sakin. Kumunot ang noo ko.

"Espesyal? Paanong espesyal ina, parang special child? 'Yung may kapansanan?" Natawa siya sa sinabi ko.

"Sira, hindi 'yun. Espesyal, 'yun bang may abilidad ka na ikaw lang ang makakagawa. At matutuklasan mo rin 'yun pagdating ng panahon." Sabi niya. Pero hindi parin iyon isang sapat na sagot. Nahalata naman agad iyon ni ina sa mukha ko.

"Halika nga dito, ik-kwento ko sayo." Napangiti ako. Mukhang ito na nga ang hinahanap kong sagot, sasabihin na niya. Hinila niya ako sa isang upuan. Umupo ako sa tabi niya.

"Alam mo kasi, nung ipinagbubuntis palang kita. May isang kakaibang sakit ang dumapo sakin." Napatingin siya sa may bintana, pinagmamasdan yata ang mga ulap.

"Isang sakit na maski ang mga doktor ay hindi nila malaman kung ano, kaya wala rin silang panlunas dito. Ang sabi pa saamin ng papa mo, maaaring mamatay tayong dalawa. O di kaya may isang makaligtas. Nasa isip ko na talaga noon na kahit ikaw nalang ang mabuhay, okay na saakin. Sobra akong nalungkot ng malaman ko 'yun pero pinipilit kong wag isipin dahil baka makasama satin." Tiningnan niya ako ng nakangiti parin, sabay hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Pero sa awa ng diyos, isang himala ang nangyari Alaron. Nagulat kami ng naglaho na parang bula ang sakit ko. Naniniwala ako na dininig ng diyos ang mga dasal ko. Nung ipinanganak kita, nagtaka din kami kung bakit ganyan ang mga mata at buhok mo. Hindi naipaliwanag saamin ng doktor 'yun pero hindi ko na binigyang pansin. Ang mas mahalaga, malusog ka at pareho tayong nabubuhay ngayon."

"Kaya alam ko sa sarili ko na espesyal ka, Alaron. Siguro hindi ngayon, pero balang araw malalaman mo rin kung ano iyong bagay na ikaw lang ang makakagawa."

Hindi ko makakalimutan ang mga tingin ni ina sa akin ng mga sandaling iyon. Puno ng pagmamahal, halos maluha pa siya sa pagk-kwento saakin. Hindi ko akalain na dumaan pala sa ganung pagsubok ang mga magulang ko. Isang sakit na walang lunas? Kung ako siguro 'yun ay sumuko na ako. Pero hindi ang aking ina. Inisip niya parin ako. Siguro nga, epekto ng sakit niya ang pagkakaiba ng kulay ng buhok at mata ko.

Pero hindi parin maiwasan na mapansin iyon ng mga taong may makikitid na utak. Sa tuwing tumitingin ako sa salamin, naririnig ko ang pangungutya saakin at sa aking ina ng mga tao. Na baka daw anak ako sa labas, o di kaya nabuntis si mama ng ibang lalake at inako lang ni papa. Hindi ko maintindihan kung bakit nila nasasabi 'yun. Alam ko na alam din ni ina ang mga sinasabi nila. Pero kahit minsan, hindi ko siya nakitaan na nalungkot o nasaktan sa mga sinasabi nila. Palagi siyang nakangiti kaya 'yun nalang din ang ginaya ko.

Simula noon ay palagi ng nakatatak sa isip ko ang mga sinabi niya saakin. Na ako ay espesyal, at ako ay may abilidad na tanging ako lang ang makakagawa.



Na hindi sumpa ang pisikal na itsura ko.




"A-Anong klaseng mahika ito?" Ang mga salitang lumabas sa aking bibig ng makita ko ang ginagawa ng batang babae sa harapan ko. Mas lalo pa akong napaatras ng lumingon siya saakin. Bakas sa mukha niya ang lungkot, paga din ang mga mata niya na halatang kakaiyak lang.


Tsumi No HanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon