Chapter 19: Another Wish

51 6 0
                                        

⚫Marcus ⚫


Walang malay ang hari ng tuluyan naming marating ang palasyo. Bringing the victory to our homeland, it brought joy to our people. But still, the King's life is at stake. Masyado ng maraming dugo ang nawala sakanya bago kami makarating ng palasyo. Kahit naman na malaki ang galit ko sa taong 'to, hindi ko rin naman gugustuhin na mawawala siya sa ganitong paraan. Alam ko kasing magkakapamilya na sila ng babaeng una kong minahal. I clenched my fists as I watch him taken away by the doctors.

"Do all your best to save the King." Sabi ko. Agad namang tumango 'yung isang doctor saakin.

"Of course, we will." Sagot niya saakin at mabilis din na umalis. Naiwan na lamang akong mag-isa doon sa hallway at napaupo sa isang upuan. Hawak hawak ang helmet ay napayuko ako.

"Damn it, Fienel. Don't die on me." I said as I gritted my teeth. I was in the middle of my thoughts when someone touched my shoulder. Kaya naman napatingala ako kung sino iyon.

"Heneral Renoir?" Sambit ko, isa din sa mga heneral namin.

"You should rest too, Wraith. You've done too much already." Sabi niya sakin ng nakangiti. Napailing naman ako. Hindi ko alam ang isasagot kaya naman napatingin nalang ulit ako sa hawak kong helmet.

"Masamang damo 'yun, kaya sigurado akong hindi agad agad mamamatay si Haring Fienel." Rinig kong sabi niya sabay tawa. Kaya napatawa narin ako. Tama siya, masamang damo nga naman si Fienel.

"Your wife is waiting for you," And it snapped me. Shit. Bakit ba nawala sa isip ko 'yun? Si Solenn? Ang tanga mo, Marcus. Sa sinabi niya ay agad na akong tumayo at tumakbo paalis.

"Salamat, Renoir!" Sigaw ko para marinig niya dahil medyo nakalayo narin ako. Paglabas ko ng palasyo ay agad na akong sumakay kay Maximus. Pagkasakay ko ay bigla na naman akong napatigil.

"At ngayon, kasama natin si Maximus papunta sa paborito nating lugar." Her face was so cute when I said that. Halatang nagtaka siya sa sinabi ko.

"Hindi tayo sasakay sa karwahe?" Pffft. Ang cute niya talaga

"Sinong may sabi na sasakay tayo sa karwahe?" I said. Puno ng pagtataka 'yung mukha niya. Kaya naman naisipan kong buhatin siya at isakay kay Maximus. Malamang kasi mahihirapan siyang sumakay sa taas ni Maximus. At isa pa, nakasuot siya ng magarang gown na talaga namang nagc-compliment sa kagandahang meron siya. I laughed teasingly when I heard her shrieked. After that, sumakay nadin ako. She touched my arms which brought tons of electricity in my body. Iba talaga ang epekto ng babaeng 'to sakin.

"Mas mag-eenjoy ka kung titingnan mo 'yung view," I said. Napansin ko kasing nakapikit siya. Pfft. This girl.

♠ ♠ ♠

"I'm sorry for taking you away. If this is the only way to be with you, then I beg your parents my pardon." I must be losing my mind. I'm such a fool. But hell, I wanna take her away before someone takes her away from me. I held her so tight that night. We were running away, but fate wasn't on our side.

♠ ♠ ♠

"You'reㅡyou're giving up on me?"

"Dati, umalis ka. Pero sabi mo aalis ka lang. Hindi ka aalis sa buhay ko. Ngayon? Bakit? Akala ko ba isa kang mandirigma? Pero bakit hindi mo ako magawang ipaglaban?!"


"You know what, you showed me the world and then left. And I still remember the first day I met you. All I want from you is to stay. Is that too much to ask for?"



Tsumi No HanaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon